Chapter 11

229 13 9
                                    

"Na check namin ang MRI, May kumakalat ulit na cancer cells sa utak mo, lalo na lumalaki ang tumor kumpara nung dati."

"I-Impossible! Tinanggal na ang tumor sa utak ko hindi maaring bumalik ulit yun!" Akala ko hindi na siya babalik, akala ko magiging maginhawa na ang buhay ko bakit ba bumalik at lecheng tumor nayan sa buhay ko.

Matagal na ko nagkaroon ng brain tumor bago ako nakapag enroll sa university noon. Sa totoo ito talaga ang dahilan kung bakit kami lumipat dito sa seoul. Since natanggal ang tumor sa utak ko nakabalik na ko sa pag aaral ngunit hindi na kami makakabalik sa busan. Hindi ko binanggit to sakanila ni chae na may tumor ako dati tapos ngayon palala ng palala na siya.

"Bakit ba bumalik ang astrocytoma nayan?"  Bulong ko.

"I'm afraid to say hindi na basta astrocytoma ang tumutubo sa utak mo..." Napalaki nalang ang mga mata ko at napakunot ang noo ko nang bigla nalang nag salita ang doctor.

"H-Hindi na? So may panibagong tumor na tumutubo sa utak ko?" Tanong ko sakaniya at tumango siya.

"You have Glioblastoma multiform, the most deadliest kind of astrocytoma brain tumor. Masyado ka pang bata para magkaroon ng ganitong klaseng tumor kaya hindi basta-basta itatanggal ang glioblastoma utak mo maaaring ikakamatay mo to." Bigla nalang ako nanigas. Unting-uniti nang bumubuo ang pawis ko kahit sobrang lamig dito sa kuwarto nato.

"So may paraan ba o may mga treatment para mawala ang glioblastoma?" Tanong ko sa doctor. Nalagpasan ko naman ng ganitong klaseng sakit dati kaya dapat hindi ako mawawalan ng pag asa.

"Meron kaso impossible makahanap ng ganitong klaseng treatment sa korea para sa glioblastoma, mostly ang mga therapy sa gbm ay located america so kailangan mo pa pumunta sa ibang bansa para mawala ang tumor sa utak mo."

"Thank you doc" Yun nalang ang lumabas sa bibig ko. Pagkatapos nun lumabas na ko sa office. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko habang nag lalakad ako pauwi. Hindi ko alam kung paano ko to sasabihin kay chae tungkol sa sakit dito. Sasabihin ko sakaniya na baka mamatay ako? Na pupunta akong america para mag pagaling? Bigla nalang pumasok sa isip ko ang reaction niya pag sinabi ko toh sakaniya. Pag sinabi ko sakaniya ngayon possible na mag papanic siya at susugod siya pabalik dito sa seoul. Ayaw ko naman isira ang araw niya kasama ng mga pamilya niya minsan na nga niya kasama yun. Ayaw ko naman maging selfish.

"Oh Chimchim ano nangyari sa check up mo?" Agad nag tanong si taehyung nung pumasok na ko sa apartment namin.

"Ayaw ko pag usapan...." Sinabi ko sakaniya ng walang emosyon.

"Luh ganun nalang? Pagkatapos mong mahimatay sa airport kahapon!"

"Tae pagod na pagod na ko" sabi ko habang hinuhubad ko pa ang jacket ko at binato ko sa sofa.

"Kahit sabihin mo lang naman saakin kung okay ka la-" Hindi ko na siya pinakinggan. Agad ko na sinarado ang pinto pag pasok ko sa kuwarto. Binato ko ang sarili ko sa kama at napatitig nalang ako sa kisame.

Bigla nalang nag ring ang phone ko agad ko kinuha iyon sa bulsa ko at lumabas ang litrato ni chae sa caller I.D. Agad na ko bumangon at inayos ko ang sarili ko. Sinagot na ang tawag niya at pinakita na ang mataba niyang muka sa screen ng phone ko. Tumawa nalang ako dahil sa itsura niyangayon. Naka face mask siya at naka tali rin ang buhok niya para walang nakaharang sa muka niya.

"HI CHIMCHIM!" Sigaw niya halos nabingi na ko sa lakas ng boses niya pero nabuo naman ang araw ko nang makita ko siya at marinig ko ang boses niya.

HappierWhere stories live. Discover now