Chapter 15

382 20 23
                                    

*EDITED*

Warning: Medyo cringy hehe

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Warning: Medyo cringy hehe

"Good Morning!" Napagising nalang ako nung narinig ko ang malambing niyang boses. Pag dilat ko may nakita akong isang anghel na nakangiti saakin sobrang nakakasilaw ang kagandahan siya imbes na masilaw ako sa liwanag ng araw doon pa ako na silaw sa muka niya.

"Good Morning" sabi ko at kinurot ko siya sa pisngi. Isang linggo na nung nakalabas na ko ng hospital. Nag stay kami ngayon sa dating bahay ni chaeyoung dahil ayaw ko sayangin kahit isang segundo ng wala siya kaya nilipat namin lahat ng mga gamit namin dito at dito na kami titira. Nag lilinis lang kami buong linggo at nag ayos nga buong bahay. Kahapon lang namin natapos

Agad ko siya niyakap ng mahigpit and give her a shower of kisses all over her face.

"Ano ba jimin! Bitawan mo na ko magluluto pa ako ng breakfast."

"Ayaw ko, tinatamad pa ako bumangon eh. Ganito muna tayo." Kulit ko at lalo ko hinigpit ang yakap ko sakaniya.

"Ah ayaw mo pala ha!" Bigla nalang niya ako kiniliti sa bewang.

"HAHAHA ARAY KO CHAE ANO BA!" Sigaw ko habang kinikiliti niya pa ako. Pa urong ako ng pa urong palayo sakaniya hanggang sa nahulog na ko at bumaksak sa sahig.

"Tangina puwet ko" Mura ko. Agad na bumangon si chae at kinurot niya pa ang ilong ko.

"Ang cute talaga ng chimchim ko." Sabi niya. Tumayo na siya at dumeretso na siya lumabas sa kuwarto. Binaksak ko nalang ulit ang sarili ko sa sahig dahil tinatamad pa ako bumaba.

Bigla ko nalang ulit naramdaman ang kirot sa ulo ko. Tiniis ko lang ulit ang sakit nito. Ayaw ko sumigaw at ayaw ko na rin umiyak mas lalo na kasama ko ngayon si chae sa iisang bahay. Ayaw ko naman mag alala ulit siya saakin. Bumangon na ako dumeretso ako sa banyo at hinilamos ko ang sarili ko.

"Ano ba ginagawa mo diyaan jimin!? Hindi ka pa bumababa diyaan?" Agad ko nalang narinig ang boses ni chaeyoung galing sa baba.

"Sandali lang!" Sigaw ko at tinignan ko ang sarili ko sa salamin pinilit ko nalang ngumiti at isipin nalang na hindi masakit para minsan nakakabawas naman yang ang kirot sa ulo ko.

Inayos ko ang magulong buhok ko at pinunas ko ang muka ko gamit ng tuwalya. Pag baba ko agad ko naman na amoy ang luto ni chaeyoung dumeretso na ko sa kusina at nakita ko siya nag luluto parin lumapit ako sakaniya, niyakap ko siya sa likod at pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Ano niluluto mo?" Tanong ko sakaniya.

"Bacon, hindi ba halata?" Sabi niya naman saakin.

"Ito talaga masyadong pikunin" sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi.

"Ang clingy mo naman." Reklamo niya saakin.

HappierWhere stories live. Discover now