Chapter 9

248 13 10
                                    

Galit na galit na saakin si jeongyeon pero hinayaan ko nalang siya dahil alam ko magiging malala pa ang away namin kung susundan ko pa siya, lilipas rin yun kung lalamig na ulit yang ulo niya pero bigla nalang ako na guilty sa ginawa ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Galit na galit na saakin si jeongyeon pero hinayaan ko nalang siya dahil alam ko magiging malala pa ang away namin kung susundan ko pa siya, lilipas rin yun kung lalamig na ulit yang ulo niya pero bigla nalang ako na guilty sa ginawa ko. Nakaramdam ako ng awa at konsensya kay jeongyeon. Nakaupo lang ako sa buhangin at panoorin ang pag alon ng dagat. Hinigpit ko lang ang yakap ko sa binti ko. Paano kaya mag pakamatay nalang ako? Ilulunod ko nalang ang sarili ko sa dagat at pakainin ko nalang ang sarili ko sa pating dahil sa sobrang guilty ako ngayon.

"Oh chimchim nag dadrama ka nanaman" bigla nalang dumating ang si taehyung at umupo na rin siya sa tabi ko.

"Dahil yun sa kalokohan mo gago ka." mura ko sakaniya.

"Oh ano nanaman ginawa ko" Nag mamaang-mangan pa tong gago nato.

"Kung hindi mo lang yan tinikom yang bunganga mo hindi umusok yang ilong ni jeongyeon. Tignan mo galit na galit na saakin yang babae nayan nang nalaman niya ang dahilan kung bakit ko siya dinala dito." Paliwanag ko sakaniya.

"Baka nakalimutan mo ikaw ang nag simula nun. Ikaw ang nag dala sakaniya eh."

"Baka nakalimutan mo ikaw ang nag-aya." Napalaki nalang ang mga mata ni taehyung mag sasalita na sana siya kaso bigla nalang siya may naalala kay napatikom nalang ang bunganga niya.

"Ah okay kasalanan ko pala yun." Sabi niya.

Kinuha ko ang isang maliit na bato sa tabi ko. Ibabato ko sana to sa kaibigan kong sira ulo pero mas pinili ko nalang ibato nalang yun sa dagat.

"Parang alam ko na ang nararamdaman ni yoongi. Parang gusto ko na rin maging bato, nakakapagod na rin mabuhay" sabi ko sakaniya.

"Dahil lang kay chae? Tangina ang babaw mo talaga" mura niya saakin.

"Siguro kailangan ko nang tanggapin ang realidad. Hindi na ko kailangan ni chae. Lahat ng mga ginawa namin noon ginagawa niya na ngayon kasama si junhoe. Gusto ko na imulat ang mga mata ko at tanggapin nalang yun kaso ang hirap eh." Ngumiti lang ako kay tae kahit punong-puno na ng mga luha ang mata ko halos lumalabo na ang paningin ko dahil doon. Ayaw ko na umiyak sa harap ng kaibigan ko. Gusto ko ipakita sakaniya na okay na ko at kaya ko na.

"Bakit kasi ayaw mo sabihin kay chae ang dahilan kung bakit ka nakipag hiwalay sakaniya?" Tanong niya saakin.

"Inunahan kasi ako ng takot eh" sabi ko at tumawa ako ng mahina.

"At isa pa masaya na siya, ayaw ko isira ulit iyon ng dahil sakin. Kung masaya na siya ngayon, masaya na rin ako para sakaniya."

"Masaya ka nga para sakaniya pero masaya ka ba para sa sarili mo?" Tanong niya saakin.

"Hindi na yun importante saakin." Pinilitan ko nalang ngumiti sa harap ni taehyung kahit alam ko sa loob-looban ko nasasaktan parin ako.

Pumasok na kami ni tae sa loob ng rest house. Dumeretso agad ako sa kuwarto namin ni jeongyeon baka sakali nandoon siya. Pag pasok ko nakita ko agad siya nag iimpake ng mga gamit niya.

HappierWhere stories live. Discover now