Chapter 12

229 12 11
                                    

*EDITING*

Ilang buwan na ang nakalipas simula pumunta sa australia si chae, nag uusap naman kami sa video call kaso this week parang hindi ko na siya masyado nakakausap dahil inaasikaso ko kasi ang passport ko papunta sa america, plano ko sana umalis pagkatapos ng graduation namin kaso wala parin ako plano kung paano ko sasabihin sakaniya tungkol sa sakit ko at sa pag punta ko sa america.

Nag lalakad lang ako papunta sa school dahil wala talaga ako sa mood sumakay sa bus ngayon. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung paano ko sasabihin to kay chae. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko at dahil doon bigla nalang ako may nakabangga ng isang lalaki.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Sigaw ng lalaki at nag lakad nalang siya ng derederetso hindi pa nga niya ako hinintay mag salita o mag sorry man sakaniya. Hindi ko nalang pinansin at nag lakad lang ulit ako.

Pag dating ko sa school dumeretso na ko sa locker ko para kunin ko ang mga gamit ko. Bigla ko nalang naramdaman may yumayakap saakin galing sa likod ko. Agad ako lumingon at bigla nalang lumaki ang mga mata ko dahil sa gulat.

"Ano gulat ka noh!"

"C-Chae....." Napa utal ako nung nakita ko siya. Agad ko tinanggal ang kamay niya nakayap sa bewang niya at humarap na sakaniya.

"Anong ginagawa mo dito?" Agad ko tinanong sakaniya. Bigla nalang ako namamawis kahit masyadong mahangin dito sa hallway.

"Grabe hindi mo ko namimiss" sabi niya at napanguso nalang siya. Hindi ko na siya nakikita ng ilang buwan siyempre miss na miss ko na siya kaso hindi pa to ang tamang oras.

"Ito talaga haha" Tumawa ako ng pilit at ginulo ko pa ang buhok niya.

"Bakit hindi mo agad sinabi saakin? Susunduin pa naman sana kita." Sabi ko, tumawa ulit ako at napakamot ako sa ulo.

"Sasabihin ko nga sana sayo kaso hindi mo naman sinasagot ang tawag ko." Sabi niya.

"Ah tignan mo na ang oras malalate na ko sa klase, sige kita nalang tayo mamaya ha!" Sabi ko at umalis na agad ako. Hindi ko man lang siya hinayaan mag salita. Napapikit lang ako habang nag lalakad ako palayo sakaniya. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. Hindi ko naman ginusto iwanan siya ng ganun lang. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko since bumalik na si chae dito sa seoul. Sasabihin ko na ba sakaniya o iiwasan ko nalang siya hanggang sa makahanap na ko ng paraan para mawala ang tumor nayan sa utak ko?

----------------------

"Alam mo limang taon na ang nakalipas." Sabi ko tumingin ako deretso sa mga mata niya. Kahit iyan ang bukal ng kahinaan ko pinilit ko parin tumingin sakaniya.

"........Hindi na natin kaya ibalik ang dati." Bigla ko nalang binitawan ang mga salita nayan sakaniya. Umiwas na ulit akong tumingin sakaniya dahil ayaw ko makita ang magiging reaksyon niya. Parang tinutusok ako ng tinik sa puso habang binibitawan ko ang mga salita nayan. Pero ang totoo alam naman natin na gustong-gusto ko ibalik ang dati pero hindi ko kaya, hindi namin kaya.

"Jimin!" Sakto bigla ko nalang narinig ang boses ni jeongyeon. Napalingon ako at nakita ko siya naka tayo lang siya sa labas ng rest house. Agad ko tinanggal ang kamay ko sakaniya at umiwas na kong tumingin.

"Ay nagising pala si jeongyeon. Sige chae alis na ko" sabi ko. Nag madali akong tumayo at tumakbo ako palayo sakaniya kahit alam ko sa loob-looban ko na ayaw kong iwanan siya mag-isa dito. Pumunta ako kay jeongyeon at agad ko siyang hinila papasok ng rest house.

HappierWhere stories live. Discover now