Chapter 5

303 19 7
                                    

2nd year ko na sa university, at mga limang buwan na sila chae at ng chanyeol nayan. Sinabi na ni chaeyoung sakanila ni jennie tungkol sa relasyon nila. Tuwang-tuwa naman sila. Ibang-iba yun sa inexpect niya akala niya magagalit sila at bugbog sarado na yang lalaki nayan inaabangan ko pa naman yun pero ang hindi ko alam matagal na pala gusto ni chae yang yoda nayan. Tangina ano ba ang nakikita niya sa lalaki nayan ng wala ako. Ano daw? gago ang ibig kong sabihin ano ba ang nakikita niya kay chanyeol. Dahil ba matangkad siya? Dahil ba ang galing niya sa basketball yun ba? Na bubuwisit ako pag sumasabay si yoda saamin mas lalo na kung nag haharutan pa sila sa harap ko. Parang gusto idura ang iniinom kong milktea sa lalaki nayan. Lahat sila tuwang-tuwa sa relasyon nila chae maliban saakin, ako lang yata ang naiinis sakanila.

"Bakit ganun jungkook? Parang wala akong tiwala sa chanyeol nayan. Tuwing nakikita ko yung muka niya parang gusto ko siya isuntok tuwing mag kasama sila ni chae naiinis ako mas lalo na sa lunch nawawala akong ng gana kumain tuwing nakikita ko sila nag haharutan sa harap ko" Kuwento ko kay jungkook. Tumatambay lang kami dalawa sa apartment niya ngayon. Eh yung iba naman may defense sila ngayon at ung iba naman busy pa sa thesis. Kami lang dalawa ang mag kasama ngayon dahil tapos na kami sa lahat-lahat. Diba ang sipag namin.

"Baka may gusto ka sakaniya" sabi niya habang nag lalaro siya ng play station. Bigla nalang lumaki ang mga mata ko. Ako magkakagusto kay chae?

"Gago ka ba? Bakit naman ako magkakagusto kay chae?" sabi ko sakaniya. Hindi ko naman sinasabi na ayaw ko kay chae. Parang impossible naman para saakin na magkagusto sa mga babae katulad niya. Masyado siyang mabait para saakin. Ibang-iba ang personality niya saakin parang ang hirap mag fit in ng relationship para saaming dalawa.

"Sabagay parang wala rin naman akong tiwala sa chanyeol nayan pero hindi naman ako katulad mo isang tingin lang parang gusto mo na patayin ang tao." sabi niya, nakatutok parin siya sa tv. Wala talaga ako magawa ngayon gusto ko mawala sa isip ko si chae at yang chanyeol nayan.

"Jungkook gusto mo ba punta tayo sa club bukas hanap tayo ng girls" aya ko kay jungkook.

"Gago ka ba? may girlfriend na ko."

"Sorry na lagi ko kasi nakakalimutan kayo na pala ni lisa hehehe." Last week lang kasi naging sila ni lisa. Fresh na fresh pa kasi sila kaya madalas ko nakakalimutan yon.

"Nga pala pano ba naging kayo ni lisa?" Tanong ko sakaniya. Bigla nalang siya natalo sa laro niya. Tumingin siya saakin parang nakakita siya ng multo.

"Bakit kailangan mo pa malaman?" Tanong niya.

"Bakit ba tayo lang naman dalawa. May tinatago ka ba saamin ha" sabi ko at tinaasan ko siya ng kilay.

"Nag one night stand kami ni lisa" Bigla nalang lumaki ang mga mata ko.

"Naging kayo na dahil lang sa one night stand!"

"Bakit ba hindi niyo kami naiintidihan" sabi naman niya.

Bigla pumasok sa isip ko ang sinabi ni jungkook kanina. May gusto ba talaga ako kay chae? Tuwing nakakasama ko si chae parang natutuwa ako, lagi rin ako napapangiti sa mga binigay niyang sticky note sa locker ko at bakit ako naiinis sa relasyon nila chanyeol. May gusto ba talaga ako sakaniya?

--------------------——————-

It's been a week after the reunion. Nakakulong ulit ako sa kuwarto ko at nakatulala lang ako buong araw. Hindi parin umaalis sa isip ko ang sinabi ni chae at nakita ko nung gabi nayun. Parang sinaksak ako ng sampung beses. Sobra nato, sobrang sakit na. Gusto ko umiyak, gusto ko sumigaw at mag wala sa loob ng kuwarto nato. Pero hindi ko kaya, kahit isang patak lang ng luha hindi ko na kaya ilabas siguro naging sanay na ko ng ganito dahil inilabas ko na lahat ng mga sama ng loob ko sa loob ng limang taon.

Bigla nalang pumasok sila namjoon sa kuwarto ko. Nagulat ako biglang binuksan ni hoseok ang kurtina. Napamura nalang ako dahil sa silaw kaya agad ko tinakip ang buong katwan ko gamit ng kumot ko.

"Ano ba ginagawa niyo dito?" Walang gana kong tanong sakanila.

"Tumayo ka nga diyan jimin, Hindi ka na lumalabas ng kuwarto." sermon ni jin hyung saakin. Bigla nalang nila hinila ang kumot ko pero hindi parin ako gumagalaw.

"Lumalabas naman ako ha"

"Lumalabas ka lang sa kuwarto pag papasok ka sa trabaho. Tangina jimin limang taon na ang nakalipas ganito ka parin sawang-sawa na kami sa drama mo. Marami naman babae sa labas na mas mahigit pa kesa kay chae." sermon naman ni namjoon. Mas mahigit pa kesa may chae? Parang impossible naman yun. Wala nga akong nakikitang ibang babae na katulad ni chae yung mas hihigit pa kaya sakaniya. Si chaeyoung lang naman ang gusto ko wala nang iba.

"Hindi niyo ko naiintindihan" sabi ko at tinakip ko ulit ang sarili ko gamit ng unan ko.

"Ah ayaw mo pala ha!" sabi ni taehyung. Nagulat ako bigla nalang hinila ang dalawa kong paa at bumaksak ako sa sahig.

"TANGINA ARAY!" mura ko sakanila.

"Maligo ka na! May pupuntahan pa tayo" sabi ni jin hyung.

"Saan?" Tanong ko sakanila.

"Basta! Tumayo ka na!" Sigaw ni jin parang isang ina lang na buwisit na buwisit na sa tigas ng ulo ng anak niya.

"Oo na eto na!" Sigaw ko sakanila. Tumayo na ko at dumeretso na ko sa banyo.

Hindi ko alam kung anong kalokohan ng mga gago na to saakin, Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta o saan nila ako dadalhin. Basta pag may ginagawa nanaman silang kalokohan na hindi ko gusto patay na talaga sila saakin.

Nakalipas na ng ilang oras dinala nila ako sa isang restaurant sa gangnam.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko sakanila pero hindi nila sinagot ang tanong ko.

"Reservation nga para Park Jimin" Bigla nalang lumaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi ni taehyung sa waiter. Handa talaga sila saakin.

"Ano to ha" bulong ko kay jungkook.

"Basta pumasok ka nalang" sabi niya at tinulak ako sa waiter. Nagsitakbuhan na sila lahat parang mga bata lang kung puwede habulin sila at sabugin ko sila ng nitrogen bomb.

"This way Mr. Park" sabi ng waiter. Sinundan ko nalang siya kahit mapaano kasi hindi naman ako mag sasayang ng pera ng mga kaibigan ko sa reservation nayan kahit nakakagago ang mga yan.

Dinala ako ng waiter sa table ng pangdalawa. Hula ko nag set up sila blind date. Tangina talaga nila pang walong beses na nila ako dinadala sa mga blind date nayan.

Umupo na ko at hintayin ko nalang ang makakasama ko ngayong araw. Dito lang ako para kumain at kausapin nalang ng masinsinan ang babae na ayaw ko magkaroon ng acquaintance, friendship o mas hihigit pa dun ng hindi nakakasaktan sa damdamin niya.

"Jimin? Ikaw bayan?" I suddenly heard a voice of a female, it's familiar to me pero hindi ko matandaan kung sino siya.

Napatingin ako at napalaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Tangina bakit nandito siya!? Sa raming babae dito sa mundo bakit siya pa ang pinili nila. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sakanila pag uwi ko.

"Jeongyeon?" Bulong ko at napalunok nalang ako.

HappierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon