Chapter 8

273 13 7
                                    

Isang taon na nawala si chanyeol sa buhay namin. Naging normal na ulit ang lahat. 3rd year na namin sa college. Ngayon magkakaroon ako ng lakas ng loob na umamin kay chae na gusto ko siya. Huling araw na ng december at malapit na mag new year kaya plano ko tumapat sakaniya mamayang 12 o'clock.

Lahat kami mag c-celebrate ng new year sa bahay ni chae. Nakahanda na lahat ng mga handaan namin sa new year. Nagkasama-sama kami magkakaibigan sa living room nanonood ng conjuring. Naka upo ako sa pinaka dulo ng sofa at katabi ko pa si chae. Lahat sila nag sisigawan sa pelikula pero si chae parang medyo inaantok na siya napanood na kasi namin ang conjuring dati pa at ilang beses na namin pinanood ang pelikula nayan. Mukang bigat na bigat na ang mga mata niya. Tumingin ako sa relo ko 11:50 na ilang minuto nalang mag babagong taon na. Kinalabit ko si chae sa balikat niya at sakto bigla nalang sila nag sigawan. Muntik na siya napatalon dahil sa gulat.

"Jusko jimin tinakot mo ko" sabi niya at napahawak siya sa dibdib niya. Wala ako nagawa kundi tumawa nalang ako sakaniya.

"Gusto mo punta tayo sa balcony?" aya ko sakaniya. Agad naman siya pumayag kaya hinawakan ko ang kamay niya at tumayo na kami. Pumunta na kami sa balcony at pinagmamasdan pa ulit namin ang ganda ng mga bitwin. Tumingin ako ako sakaniya pero siya nasa attensyon niya parin ang langit. Napatingin ako sa relo ko nakalagay 11:55 na. Napapikit ako at huminga ng malalim. Wala na ko mabibigay kay chae ngayon kundi ang lakas lang ng loob ko.

"Chae...." Bigla nalang ako kinabahan nung tumingin na siya saakin.

"Bakit Jimin?" Tanong niya saakin. Hinawakan ko and dalawang kamay niya ng mahigpit. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso at dahil doon lalo ako kinakabahan. Huminga ulit ako ng malalim at tumingin sa mga magaganda niyang mata.

"Alam mo naman matagal na tayo naging kaibigan diba?" Tanong ko sakaniya.

"Oo naman" sabi niya naman at tumawa pa siya.

"Alam mo sa loob ng tatlon taon pinasaya mo ko. Lagi ako natutuwa sa mga nilalagay mong sticky notes sa locker ko lagi lumalambot ang puso ko tuwing binabasa ko ang mga yon. Ikaw pa ang kaunang-una kong kaibigan sa laki ng lugar dito sa seoul at thank you pinakilala mo saakin ang mga kaibigan mo na at pina feel niyo na welcome ako sainyo. Thank you binigyan mo ko ng motivation para maka abot ko ang mga pangarap ko sa buhay. Sana walang makakasira ng pagkakaibigan natin." Bigla nalang nakunot ang noo ni chae.

"Anong ibig mong sabahin jimin?" Tanong niya at kumunot ang noo niya.

"Wag ka magugulat ha" sabi ko at huminga ulit ako ng malalim.

"Chae gusto kita" Naglakas talaga ang loob ko sabihin yan sakaniya. Ang sarap sa feeling sabihin iyon pero si chae. Wala siyang masabe parang hindi siya makapaniwala na sinabi ko yun sakaniya at dahil doon na bigo nalang ako.

Sabi ko na nga ba eh. Hinding-hindi niya maibalik ang pagmamahal ko sakaniya dahil alam ko si chanyeol lang talaga ang gusto niya at kaibigan lang ang tingin niya saakin.

"K-Kalimutan mo nalang ang sinabi ko-"

"Gusto rin kita" Bigla nalang lumaki ang mga mata ko. Tama ba ang naririnig ko? Nabibingi na ba ako?

"A-Ano?" Nauutal na ko dahil hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi ni chae baka niloloko niya lang pala ako.

"Bingi ka ba? Sabi ko gusto rin kita Park Jimin!" Sigaw niya. Bigla nalang ako napatalon sa tuwa at binuhat ko pa siya dahil sa sobrang saya. Hindi ako makapaniwala. Ibig sabihin ba akin na talaga si chae? Binaba ko na siya. Kita ko ang ngiti sa labi niya na parang gusto kong halikan.

HappierWhere stories live. Discover now