Chapter 6

299 14 3
                                    

*EDITED*

"HOY PARK JIMIN!!!" Tangina ang sakit naman sa tenga yang babae nayan.

"Ano nanaman ba, jeongyeon?" Tangina niya gusto ko na kumain.

"Balang araw mababawi rin kita unano ka!" Sigaw niya at tinuro niya pa ako.

"TANGINA MO ANO BA KINALAMAN ANG HEIGHT KO SA GRADES MO!" Sigaw ko, si jeongyeon isa sa mga pinaka matalino na architecture student dito sa university kaso simula nang dumating ako dito lagi nalang siya nasa Top 2 at ako siyempre ako ang the one pero ginawa niyang big deal iyon, naging trying hard pa siya mag aral para maitalo niya lang ako sa klase pero sa totoo lang wala talaga akong pake kung siya na ang aakyat sa tuktok. Kung trying hard siya maging top 1, ako naman trying hard ako mag pabagsak ng grades ko. Kaso sadyang abnormal kasi ang talino ko. Mga basic lang naman ang tinuturo dito sa university.

"Wala gusto ko lang painitin ang ulo mo. Simula ng dumating ka dito sinira mo na ang buhay ko buwisit ka!"

"Kalma lang wag mo ko isisi sa pag watak ng buhay mo, kung gusto mo maging top 1 sige sayong-sayo na wala akong pake-"

"CHIMCHIM!!!!" Bigla ko nalang narinig ang sigaw ni chaeyoung gamit ng pangalan nayan sa labas ng classroom at sumulpot pa ang makapal niyang muka sa pinto.

"ANO BA CHAE!!!!" Sigaw ko naman sakaniya.

"Ay Sorry" sabi niya at nag peace sign.

"Hi jeongyeon!" dagdag niya at kumaway kay jeongyeon buti naman tumahimik ang babae nayan nung dumating si chae. Hindi siya sumagot kay chaeyoung pero ngumiti lang siya sakaniya.

"Ano ba ginagawa mo dito ha" Sigaw ko kay chae.

"Ano ba kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala sa classroom kasama ni jeongyeon. Ano pala pinag uusapan niyo ha?" Sabi niya at tinataas't baba niya pa ang dalawa niyang kilay parang ewan.

"Kumain na nga tayo." sabi ko kay chaeyoung at hinila ko ang tenga ni chae. Minumura niya ako ng paulit-ulit pero hindi ko na siya pinagkinggan dahil kulong-kulo na amg tiyan ko.

Pag dating namin sa cafeteria agad ko na siya binitawan at pumila na agad ako.

"Uy jimin bakit iniwan mo siya sa classroom hindi mo manlang yayain si jeongyeon saatin."

"Bakit naman may mga kaibigan naman siya ha" sabi ko sakaniya.

"Bakit pag wala siyang kaibigan sasamahan na natin siya? Hindi ba puwede friendly gestures lang at alam mo ba ang cute niyong dalawa, bagay kayo" Bigla nalang lumaki ang dalawa kong mata nung sinabi niya yan.

"Alam mo chae, mag salamin ka na. Lumalabo na yang paningin mo." Sabi ko sakaniya.

"Bakit sinasabi ko lang naman ha!" sabi niya.

"Bakit ka ba galit na galit sakaniya?"

"Wow ako pa ang tinanong mo. Hindi ko nga alam kung bakit ako kinakamuhian yang babae nayan."

"Baka may gusto siya sayo" jusko parang muntik ko na isuka lahat ng mga kinain ko sa harap niya.

"Pano mo nasabi?" Tanong ko at tinaasan ko siya ng kilay.

HappierWhere stories live. Discover now