Chapter 7

308 14 5
                                    

*EDITED*

"So gawin nalang nating twin tower ang model natin" request ni jeongyeon. Nandito ako ngayon sa bahay niya para gawin ang project namin. Hindi ko alam kung bakit ako napadpad dito sakanila wala naman talaga akong pake sa project nayan pero pinilitan ako ni jeongyeon eh. Kahit mag tago pa ako kung saan-saan makikita niya parin ako.

"Okay lang yun para saakin" sabi ko habang nag lalaro ako ng phone ko.

"Hoy jimin mag focus ka nga sa project natin!" Sigaw niya.

"Oo gagawin ko naman yun. Gusto mo ako na babayad lahat ng mga materials na kailangan natin" sabi ko.

"Wow rich kid ka ha!" sabi niya ng sarcastic.

Bigla nalang tumunog ang phone at lumabas ang pangalan ni chaeyoung sa screen. Hindi ako nag dalawang isip saguting ang tawag niya.

"Oh chae bakit ka napatawag?"

"Chimchim nasan ka?" bulong niya. Napakunot nalang ang noo ko nung narinig ko siyang humihikbi.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko sakaniya.

"Chimchim puwede ba pumunta ka dito, kailangan talaga kita."

"Sige papunta na ko diyan" sabi ko at sinarado ko na ang phone ko.

"Jeongyeon, alis muna ko may importante nangyari saamin" dahilan ko sakaniya habang kinukuha ko ang mga gamit ko.

"Hoy! Paano ang project natin!?" Sigaw niya.

"Babawi ako bukas promise, text mo nalang saakin lahat ng mga kailangan natin sa project bibilhin ko lahat." sabi ko sakaniya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Agad ko sinarado ang pinto niya at tumakbo ako pa ako palabas ng bahay niya at papunta sa bus stop buti naman may bus pa na nakaabang sa harap.

"Kailangan ako ni chaeyoung"

"Kailangan ako ni chaeyoung"

"Kailangan ako ni chaeyoung"

Paulit-ulit ko lang sinabi yan sa isip ko. Pag baba ko sa bus takbo lang ako ng takbo hanggang sa dumating na ko sa bahay ni chae. Wala na kong pake kung pagod na pagod na ko. Hingal ako ng hingal pag dating ko sa bahay niya. Kumatok nako sa pinto nila. Pagbukas ng pinto nakita ko agad si chae. Mulang-mula ang mga mata niya parang umiyak siya halos buong araw at sobrang gulo ng buhok niya parang sinabutan niya naman ang sarili niya. Parang impossible na si chae to dahil kahit kailan hindi ko nakikita siya nakikitang umiiyak dahil nakilala ko siya bilang isang masayahing tao.

"CHIMCHIM!" Iyak niya at niyakap niya ako ng mahigpit. Iyak lang siya ng iyak sa dibdib ko parang halos mabasa na ang damit ko sa kakaiyak niya. Tinatapik ko lang ang likod niya para i-comfort siya.

Pinapasok niya ako sa bahay niya at dinala niya ako sa kuwarto niya. Kita ko ang gulo ng kuwarto niya pero hindi naman sobra pero  may nakakalat na pagkain sa kuwarto niya. Umupo siya sa gilid ng kama niya at ako nakaluhod lang ako sa harap niya. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya ng mahigpit. Sumikip nalang ang dibdib ko at na realize ko nasasaktan na pala ako, Nasasaktan ako makitang ganito si chae.

"Ano ba nangyari chae?" Tanong ko sakaniya ng mahinhin.

"Si Chanyeol........ Niloko ako......" Bulong niya at umiyak ulit. Agad ako tumabi kay chae at niyakap ko siya. Hinayaan ko nalang mabasa ang damit ko dahil kailangan ako ng kaibigan ko. Sinuklay ko ang kulay kape niyang buhok gamit ng mga daliri ko. Kahit magulo na buhok niya ang lambot niya parin at mabango. Hindi nako nagtanong pa kay chae dahil alam ko kailangan niya talaga ng comfort ngayon.

HappierWhere stories live. Discover now