I

126 6 0
                                    


Ako si Casey, Casey Marie Villanueva. Sa edad na 18, naging independent na ako mula nung lumabas ako sa bahay ampunan.

Nagtratrabaho ako bilang isang call agent sa isang life radio ng isang Radio Station.

Taga-kinig at taga-payo ako ng mga taong nangangailangan ng makakausap tungkol sa mga hinanakit nila sa buhay.

*kriingg!**kriingg!!* tunog ng telepono

Inilagay ko ang headphone sa aking tenga at pinindot ang answer button sa screen ng computer.

"Hello po..Ano pong maitutulong ko?" mahinahong tanong ko

"Uhmm..hello po?" tanong ko ulit ng walang nagsasalita

Huminga ako ng malalim at nagsalita ulit ng wala paring sagot.

"Okay lang po yan..Pwede po kayong makipag-usap sa akin. Kahit ano po handa po akong makinig." mahinanong sabi ko ulit

"Uhmm..meron akong boyfriend, 8 years na kami.." narinig ko ang malalim na paghinga niya bago siya nagpatuloy "ngunit wala na siya, patay na siya at wala akong magagawa para maibalik ko siya" pagpapatuloy niya habang umiiyak

"Ganyan po talaga ang buhay ma'am, may mga nawawala ngunit sigurado naman po akong may darating. Minsan may mga bagay na nangyayari na hindi natin gusto ngunit tandaan niyo po na sa bawat pangyayari huwag po tayong mawalan ng pag-asa. Tuloy pa rin ang buhay, laban lang"

"Kapag ba namatay ako,magkikita kami? May gusto akong sabihin sa kanya, matagal ko nang gustong sabihin ngunit hindi ko nagawa.." sabi niya habang umiiyak

"Ako na lang ang magsasabi sa kanya para sa'yo" sagot ko

"Huh?"

"So, sabihin mo po sa aking kung anong gusto mong sabihin sa kanya...ako na ang magsasabi at sisiguraduhin kong makakarating sa kanya..."

Forced LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora