*Kring**Kring* tunog ng teleponoHinalikan ko saka ko binaba ang frame na may picture ni Vishnu at inangat ang telepono
Ang gwapo talaga niya!
"Good eve po..ano pong maitutulong namin?" bati ko sa tumawag
"A-ako..uhmm..." sabi ng isang panlalaking boses
"Pwede akong tumawag pag may gusto akong sabihin di ba?" tanong niya kahit di masyadong marinig
"Yes sir, uhmm...pakilakasan po ng kaunti ang boses sir..di po kase masyadong naririnig" pakiusap ko
"Uhh...kase feeling ko naiinis na ako...diko alam ang gagawin ko...diko nga alam kung bakit ako tumawag eh.." sabi niya
"Naiintindihan ko po sir, okay lang po yan, pwede naman po kayong makipag-usap sa akin kung ano po iyon.." sagot ko
"Uhh...kase...basta..ayaw ko kase sa mukha ko eh..diko alam kung anong gagawin ko" sabi niya
"Okay lang yan sir..hindi naman po lahat tao ay hinubog na perpekto ang mukha eh.."
Tumingin ako sa picture ni Vishnu bago nagpatuloy..
"Kilala niyo po si Vishnu? Kahit nga mga katulad niya eh may insecurities din sa mukha eh.." mahinahong sabi ko
"Hindi naman po mahalaga ang mukha basta-..." diko na naituloy dahil bigla niya akong pinutol sa pagsasalita
"Ano ba!Kaya nga ako tumawag kase nahihirapan ako eh!! Pati ba naman ikaw sasabihin si Vishnu! Pwede ba tigilan niyo ang pagbanggit sa kanya!!" galit na sigaw niya
Siguro ayaw niya kay Vishnu kase hindi niya kasinggwapo...sabi ng utak ko
"Sir huminahon po kayo, sorry po kung na offend kayo" sabi ko
"Ang point ko naman po sir ay, kahit po gaano kayo kapangi-.." sabi ko kaso diko ulit naituloy dahil nagsalita siya
"Hindi ko naman sinasabing pangit ako...ang problema ko...kamukha ko si Vishnu kaya ayaw ko sa mukha ko...madalas kase akong sinasabihan na fake!" sigaw ulit niya
Napahinto ako sa sinabi niya. Kamukha daw niya si Vishnu?O mali lang ang dinig ko
"Huh? Ano po?" tanong ko
"Ang sabi ko...nahihirapan na ako kase kamukha ko si Vishnu Isles..madalas akong sabihan na fake o iniinsulto ako ng mga tao" sabi niya
"Wait...so sinasabi mo po na kamukha mo si Vishnu at nahihirapan ka na kase ayaw mo na magkamukha kayo. Ganun po ba? tanong ko
Omy!
Narinig ko ang malalim na paghinga niya bago siya nagsalita
"Bahala na nga..pasensiya na kung nagalit ako...sige bye" sabi niya
"Sir! Wait! Wag mo pong ibaba" pakiusap ko
*Tooott**Tooott**
Wala na! Finish na
Binaba na niya ang telepono
![](https://img.wattpad.com/cover/166179772-288-k123419.jpg)
YOU ARE READING
Forced Love
FanfictionFORCED LOVE This is a story of an eighteen-years-old girl, named Casey Marie Villanueva kung saan sinabihan siya ng doctor na 4 months na lang ang natitirang life span niya. Katulad ng ibang teenage girls, isa rin siyang fan girl. Isa sa mga idol ni...