XI

29 2 0
                                    


Pagkatapos kong ipack ang gamit ko at nilagay sa box, ay nagdesisiyon akong maglakad pauwi

Pagkababa ko ng building nakita ko si Noah na naka-lean sa may dingding

Tumingin siya sa akin at ngumiti

Ngumiti rin ako pabalik

Naglakad siya palapit sa akun na nakangiti habang tinantanggal ang coat niya

Ipinatong niya ang coat niya sa akin...sarap sa feeling

Hindi na siya naka cowboy style...naka white buttons up shirt na siya ngayon kase tinanggal niya yung coat niya at naka black jeans(fitted)

"So since busy ka sa trabaho, I guess wala kang boyfriend" sabi niya nang naka ngiti pa rin

"And, since isa kang singer-actor at busy ka, I guess wala ka ring girlfriend" sagot ko naman

"Hindi ako nagtratrabaho ngayon so hindi ako busy" sabi niya

"Well, nagresign din ako ngayon so hindi ako busy" sabi ko naman

"Would you be my girlfriend then?" sabi niya

Yiee...ang laki nanaman ng ngiti ko....nakakakilig!!!

"I'd love to" sagot ko

"Would you like to drink with me?" tanong niya

"Sure" sagot ko naman

*****

Andito kami ngayon sa Impugo Bar and Restaurant

Linagyan niya ng alak yung baso at binigay sa akin

"Pag naubos mo to, official na talaga tayo pero pag hindi mo naubos, hindi na tayo magkikita kahit kailan" sabi niya

Kinuha ko ang baso na may laman na alak at dahan dahan tinaas sa aking bibig

Nang iinumin ko na, tumingin ako sa kanya, tinitingnan niya kung iinumin ko ba talaga

Syempre hindi noh! Kaya binaba ko yung baso at nagsalita

"Alam mo namang may cancer ako diba? Diko kayang inumin yan" sabi ko sabay turo sa baso

"Totoo ba talaga yun?" tanong niya

"Oo nga diba...di ka ba talaga maniniwala sa akin? Parang wala kang na meet na may cancer" sabi ko habang iniikot ikot ang pasta sa aking pinggan

"Kung ganon, bakit ka andito, I mean di ba dapat kasama mo ang pamilya mo ngayon?" tanong niya

"Sinabi ko din naman sa'yo noon di ba? Wala na akong pamilya" simpleng sabi ko

"Pati din yun totoo?" tanong niya

"Mahirap ka sigurong maniwala sa tao noh?" tanong ko

"Hindi naman sa ganun pero...kase nung sinabi mo yun, parang wala kang pakialam, eh pag yung ibang tao naman pag nagkwekwento sila ng ganun eh umiiyak sila ah" sabi niya

"Paulit ulit naman na kase eh...matagal ko na nang sinasabi sa mga tao kaya parang nasanay na ako" sabi ko

"Ikaw ba, pag sinasabi mo ba ang pangalan mo, maiiyak ka ba?" tanong ko

"Oo nga noh, sa tingin ko may point ka" sabi niya

Buti naman at nagbago na to...di na siya si Mr. Sungit

"Since, lumaki ako sa ampunan, mahilig talaga akong manood ng mga drama gaya ng mga nawawalang anak, ganun" sabi ko

Tumingi siya sa akin habang iniinom ang laman ng baso niya

"Sa totoo lang, minsan iniisip ko na may mayamang mag-asawa na may nawawalang anak at malalaman na lang nila na ako ang nawawalang anak nila..." sabi ko nang nakangiti

"Tapos minsan pa iniisip ko na may ma love at first sight sa akin na mayaman at gwapong lalake.."sabi ko

Bigla siyang napa-ubo at tumawa bago niya ibaba ang baso

"Impossible, pero pag nangyari yun, sigurado akong hahanapin ka mga "mommy" niya..." sabi niya at tinaas ang kamay at ginawa ang sign ng qoutation mark gamit ang daliri niya

"At magbibigay sa'yo ng naka-envelope na pera at sasabihing...layian mo ang anak ko, alam ko namang pera lang ang habol mo diba?..." sabi niya habang ginagawa ang boses pambabae

Tumawa naman ako

"At tatapunan ka ng tubig" sabi niya

"Totoo...pero bakit ba kase sa mga drama pag ganun..laging may nakalagay na tubig sa table noh?" sabi ko

"Sa totoo lang wala pa akong nakikita o naririnig na may nagtapon ng tubig" sabi niya at tinaas ulit ang baso sa kanyang bibig

"Actually, ako nagawa ko na" sabi ko

Napa-ubo nanaman at tumingin sa akin

"Talaga?" tanong niya

"Oo, nagawa ko noon sa best friend ko nung malaman ko na inaakit niya yung boyfriend ko" sabi ko

Huminga ako ng malalim at nagsalita ulit

"Alam mo yun pa lang ang nagagawa ko...wala pa akong na try na iba tulad sa drama" sabi ko

"Tulad ng?" tanong niya

"Tulad ng...uhmm...pag sa airport or sa bus station kung saan malapit lang sila  pero di nila nakikita ang isa't isa" sabi ko

"Ang tanga kaya nila! Bakit kase di manlang sila tumingin sa side nila di'ba...at isa pa yung lalabas yung lalake sa kotse niya para habulin yung babae na nakasakay sa bus...ang tanga nun!" sabi niya

"Hindi kaya...ang romantic nga nun eh.." sabi ko

"Anong romantic dun eh...alam naman natin na mas mabilis ang sasakyan kaysa sa tao eh!" sabi niya

May point nga naman siya noh!

"Ah basta ang importante sila ang magkakatuluyan sa huli" sabi ko habang umiinom sa milkshake ko

Hanggang milkshake na lang ako

"Wait! Bakit ang dami mong alam tungkol sa ganyan....nanonood ka ng dramas?" tanong ko

"Ahh...eh...hindi ah! Yung kasama ko kase sa bahay, mahilig siyang manood ng ganun, bale isa siyang wattpad writer" sabi niya

"Wow! Magaling siguro siya noh! Anong ilan sa mga books niya?" tanong ko

"Ahh...ehh ahh...wala pang sikat...di ata sisikat yun eh" sabi niya sabay himas sa likod ng leeg niya

Forced LoveWhere stories live. Discover now