IX

39 3 0
                                    


"Yes Ma'am...siguro mahirap po talaga noh?" sagot ko sa kabilang linya

Nasa trabaho ako ngayon...

"Ahhh....opo naiintindihan ko po"

"Basta magfocus na lang po kayo sa pag-aalaga sa mga anak niyo po" sabi ko ulit

"Ahhh..."

Habang nakikinig ako sa sinasabi ni Ma'am Luz, yung caller, may nag message sa akin

Kinuha ko ang phone ko na nakalagay sa tabi ng desktop at binuksan ang message

1 new message from Mr. Sungit:

"Magkita tayo mamayang 1 pm"

Di ko namalayan ay napatili ako bigla. Tinakpan ko agad ang bibig ko at nag sorry kay Ma'am Luz

"Sorry po Ma'am...may daga po kase dito....uhmmm..opo naiintindihan ko po" sabi ko

***

Nandito ako ngayon sa Dreamer's Cafe kung saan umorder na ako ng milkshake habang hinihintay si Mr. Sungit.

Nakakainggit yung couples dun sa dulo sa may entrance. Sinusubuan nung boy yung girl.... ng cake

Sana may ganyan din ako...sinusubuan ako....ng cake

Tumigil ang mundo ko nang pumasok siya, may hawak siyang pink roses, hindi ko na namamalayan kung ano ang nangyayari sa paligid ko pero sa tingin ko ay napatigil din sila sa mga ginagawa nila at nakatingin sa kanya.

Ibang iba siya nung una ko siyang nakita...

Ngayon nakataas na ang buhok niya, at yung damit niya parang...parang...

Nagkatinginan kami at feeling ko uminit ang mukha ko lalo na nung naglakad na siya palapit sa akin

"Sorry kung na late ako" sabi niya sa mababang boses sabay hagis sa akin yung pink roses

Bastos!

"Ano ba naman to! Hoy di ganun ang tamang pagbibigay ng flowers sa isang maganda tulad ko noh?" sabi ko

"Wag ka ngang maarte, pasalamat ka naisip ko pang kunin yan....di bale napulot ko lang namam yan sa basurahan" sabi niya

Pagkasabi niya ay agad kong kinuha ang flower na bigay niya at hinagis sa mukha niya

"Di ako tumatanggap ng galing sa basura" sabi ko

"Miss sayo na to oh" sabi niya sa waitress na mapadaan siya

Ngumiti naman yung waitress at kinuha yung flowers

"Thank you, alam mo madami talagang nagbibigay ng flowers sa akin eh..." pagmamayabang niya

Tsss...

"Pwede tayong magdate at mag-enjoy pagkatapos ng shift ko.." sabi niya sabay kindat kay Mr. Sungit...bumaba siya ng kaunti para ipakita ang boobs niya

Langya to ah! Nakikita ba niyang nandito ako?!

Wait! May naisip akong plano

Sinadya kong tinabig yung milkshake ko kaya natapon ito sa table

"Sorry miss, pero may date kami at nang iistorbo ka..Gawin mo na lang ang trabaho mo at punasan eto..then pwede ka ng umalis...o i rereport kita sa manager mo para tanggalin ka sa trabaho? huh?" sabi ko

Nag-roll eyes siya at humarap sa akin...Bumaba siya para punasan ang table..nakarahap sa akin ang boobs niya..tss..may ganyan din ako noh!

Nang tumingin ako kay Noah ay namumula siya at parang naiinitan..habang dahan dahan siyang lumunok

Ahh..kaya pala eh..kase malapit na malapit sa kanya yung pwet ng babaeng to...parang naka tuwad tas naka mini skirt pa siya

"Okay na Miss,I think madami ka pabg pupunasan eh" sabi ko sabay tulak sa kanya

Humarap siya kay Noah at nagflying kiss sabay kindat bago umalis

Hahampasin ko to pag babalik pa siya!

Nang maka alis na yung karengkeng na yun, humarap ako kay Noah

"Langya to, ka date mo ako pero nakikipaglandian ka sa babaeng yun?" sabi ko at umupo

"Nakikipaglandian? Ang sabihin mo...type lang kase ako nun" sabi niya

"Okay, Wag na nating pag usapan yun, ang gusto kong tanungin ay ikaw..." sabi ko

"Ano nanaman" iritang sabi niya

"Anong nakain mo? Bakit mo tinaas yung buhok mo...at anong klaseng damit yan?" tanong ko

"Bakit? Anong mali sa suot ko? Sabi mo magsuot ako ng kagaya ni Vishnu diba?" sagot naman niya

"Oo nga sabi ko gayahin mo yung style ng pananamit niya pero dapat yung uso ngayon...hindi ko sinabi na magsuot ka ng damit na matagal nang naluma..." paliwanag ko

Yung suot niya...parang pang cowboy ang dating

Naka sleeve polo siya at yung pantalon niya ay ambel...alam niyo yun? Yung fitted sa taas pero sa baba ay maluwag..basta ganun yun...tas naka boots pa siya

Anong nakain neto? Kaya pala nakatingin sa kanya yung mga tao nung pagpasok niya eh

"Kahit na...basta ang importante nauso to noon, lalo na nung siya ang nagsuot kaya tanggapin mo na" sabi niya

"Ano ba naman to...time traveler ka ba?" sabi ko

"Nahirapan kaya ako sa pagpili neto.." sabi niya sabay turo sa damit niya

"Ahh basta palitan mo yang style...bulok na yan..magsuot ko ng damit na uso ngayon" sabi ko

Nagring yung phone...I mean nag alarm...

Hudyat ito para i take ko yung medication ko

Binuksan ko yung bag ko at kinuha yung gamot ko

Nang mainom ko na, tumingi ako kay Noah na nakatingin din sa akin

"Oh bakit?" tanong ko

"Para saan yun?" tanong din niya sabay turo sa bag ko

"Yung? Ahh....di ba sabi ko sayo..may cancer ako" sabi ko

"Seryoso ka nung sinabi mo yun?" tanong niya

"Oo bakit ba?" sabi ko

"Kung may sakit ka...bakit wala ka sa ospital?" tanong niya

"Nasa bucket list ko kase ang maka date si Vishnu Isles bago ako mamatay...so.... " sabi ko

"Wait..totoo talaga yun? May cancer ka?" tanong niya

"Oo bakit naman ako magsisinungaling tungkol sa mga bagay na ganun?" sabi ko

Nang wala na siyang masagot, ako na ang nagsalita

"Sige alis na ako...maghahanda pa ako para sa trabaho...sayang lang ang oras ko dito" sabi ko at umalis

Forced LoveWhere stories live. Discover now