IV

49 3 0
                                    


Madaming nag email sa akin nung na post ko ang kontrata

Syempre sino ba naman ang hindi diba?

Malaking pera kaya yun

So ngayon nga andito ako kasama si Sister Mina sa application area.

Marami sila ngunit kahit isa sa kanila hindi nila kamukha si Vishnu.

"A-Ako si A-Arturo San Pedro. Naparito ako ngayon upang ibahagi sa inyo mga magagandang binibini ang aking pakay..." sabi ni Mang Arturo, isa sa mga nag-apply sa kontrata

Name: Arturo San Pedro
Sex: Male
Age: 43
Status: Single

Para siyang yung lolo-type kaso single na matagal nang nagtratrabaho para sa kanyang pamilya kaso nga wala siyang pamilya kase siya yung tipo na hindi alam manligaw...gets niyo?

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang folder at humarap kay Sister Mina, hudyat para siya ang magpaalis.

"Uhmm...sorry po pero naghahanap po kami ng medyo bata po..sorry po.." mahinahong sabi ni Sister Mina

"Uh-eh...oh sige mauna na ako hija..m-magpakabait kayo huh?"sabi niya sabay ngiti at umalis

Kulang ang ngipin niya sa baba...napansin ko lang

"Next!" sigaw ni Sister Mina

"Hey!" piyok na sabi ng isang lalaki

Alam niyo yung "piyok"? Yung kapag nagsalita ka..tumataas yung boses mo sa dulo..basta ganun yun

Ipinasa niya sa akin ang folder niya sabay kindat

Yung kindat na parang may maitim na balak

Name: Rommel Garcia
Sex: Male
Age: 35
Status: Married

"Alam mo Miss, alam ko yang gusto mo eh...di bale malaki ito" sabi niya sabay turo sa kanyang ari

Bwisit na bastos to ah!

Ngayon si Sister Mina naman ang nagtakip ng mukha

"Madami na tong napasukan...alam mo kung ilan? Secret lang yun noh! Baka magalit pa si Misis eh.." patuloy niya

"S-sorry po pero..."

"Anong sorry? Okay lang yan ganyan talaga kapag virgin, hindi pa experienced pero don't worry tuturuan kita"patuloy pa rin niya

Eww! As if...never ever

"Sorry po pero hindi po ako nag hahanap ng manyak dito...pasensiya na po"

"Sinong sinabi mong manyak? Ako?! Ha?! Ako?!" sigaw niya

"Security! Paki labas nga po itong manyak na to!" sigaw ni Sister Mina

"Sabi ko naman sayo ipapatikim ko sa yo ang heaven!...hoy bitawan niyo nga ako!"

At ayun kinaladkad na siya palabas

"Next!"

At marami pang ibang nakakatawang applicants

May mga sintunadong singers..may mga naka business suit..may mga parang uncle look...meron ding magician..meron din makata at eto ang mas nakakatawa..

"Hey Miss Beautiful" sabi ng isang lolo kay Sister Mina

Tumingin sa akin si Sister Mina at nanlaki ang mga mata niya

Pigil naman ang tawa ko habang nagkunwaring nagbabasa

"Alam mo gusto ko yung nasa buhok mo..anong tawag diyan?" sabi pa ng lolo

"Uhmm..veil po.." sagot ni Sister Mina

"May nakapagsabi na ba sayo na maganda ka kase totoo iyon...baka gusto mo magkape muna tayo san-..." sabi nung lolo

"Sorry po kaso hindi po ako ang may kontrata...at isa pa po naghahanap po kami ng medyo bata po...sorry po..next time na lang po lolo huh?" sabi ni Sister Mina at tumayo para alalayan ang matanda palabas

"Ang mundo..puno ng iba't ibang klase ng tao"sabi ni Sister Mina ng makabalik siya

Ubos na ang mga applicants at kami na lang ang natira dito

"Sorry, naabala pa kita" sabi ko

"Okay lang yun..nag enjoy naman ako eh"

"So nag enjoy ka kausap yung lolo?" biro ko

"Oo bakit may mali ba dun?...Since ubos na ang mga applicants magpahinga ka na"

"Sige, uwi na tayo...may night shift pa ako eh"..sabi ko

"Bakit di ka nalang mag resign.."

"Oo magreresign din ako soon..sige mauna na ako..late na ako..sige bye" sabi ko at tumayo

Forced LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant