II

74 3 0
                                    

Walang tao ang nakakaalam kung kailan o paano sila mamatay.

Wala naman tayong superpowers para alam natin kung paano tayo mamatay. Hindi rin naman tayo Diyos para baguhin natin ang buhay na nakatadhana para sa atin.

Ngunit sa bandang huli, wala tayong magagawa..lahat ay may hangganan, lahat ay namamatay.

Na abisuhan ako ng doctor na mamatay ako sa loob ng apat na buwan dahil sa cancer.

Hindi ko alam kung paano pero ang sabi sa akin ay namana ko raw ito.

Akala ko pa naman mabubuhay ako ng matagal. Mabubuhay ako ng masaya katulad ng ibang tao ngunit nagkamali ako.

Hindi ko inaasahan na mangyari ito kaya nga nung sinabi sa akin ay di ko matanggap.

Kasalukuyan akong nasa banyo ngayon, sinusuka ko lahat ng nakain ko kanina.

Sa loob pa lang ng isang buwan na palaging ganito, nasanay na ako.

Nang wala na ako maisusuka, tumayo ako at nagtoothbrush. Pagkatapos ay humiga ako at pinindot ang on ng tv.

Katulad ng ibang kabataan ngayon, isa rin akong fan girl. Punong puno ng mga mukha ng artista at models ang aking kwarto.

Isa sa mga pinakagusto ko ay si Vishnu Isles. Isa siya sa mga sikat na teens ngayon. Kabilang siya sa isang sikat na boyband group noon ngunit umalis siya dahil mas gusto niya ang mag-solo.

Marami na siyang napanalunang awards. Lahat ng albums niya ay sikat at bentang benta din sa ibang bansa.

May interview siya ngayon..yiee

"Hello. Good morning Mr. Isles" bati ng TV host

"Good morning din po" sabi ni Vishnu sabay ngiti

Kung nakakatunaw ang ngiti niya siguradong syrup na ako ngayon!

"So, sa lahat ng albums mo naging big hit talaga ang mga ito. Pati pag acting mo nag improve na din. Pwede mo bang i share sa amin kung paano mo ito na achieve?" sabi ng TV host na parang nang aakit

Tss..akala niya makukuha niya sa ganun si Vishnu. Asa siya!

"Well, simple lang naman eh..syempre ginagawa kong insiparation ang mga fans ko kaya mas lalo kong pinagbubutihan at ginagalingan" sabi niya sabay kindat sa screen

Yiee..para sa akin talaga yun eh

"Madaming nagtatanong, bakit daw ba wala ka pang girlfriend at ano ang ideal girl mo"

"Haha..siguro dahil wala akong girlfriend kase ginagawa pa lang ang para sa akin pero kapag meron na I'll make sure to announce it publicly at hindi ko itatago " biro niya

"Pag naman ideal girl..I just wanted someone who can understand me and accept everything that I am"

Ako! Ako! I can understand and accept you! Kaso malabo

"Okay so we're expecting Ms. Ideal Girl soon and we all hope na mas marami ka pang projects soon"

"Yeah, Of course I'll do my best for my fans out there who love and cherish me. Love ya'll" sabi niya sabay wink ulit

Oh gosh! That killer smile thou

Pero malabo. Sana maka-date ko siya bago ako mamatay

Haayy!! Kawawang self

Forced LoveWhere stories live. Discover now