"Talaga?" sabi ni Sister Mina sa kabilang linya ng telepono
"Oo talagang talaga...di nga ako makapaniwala nung makita ko siya eh" sabi ko
"Pero kamukha ba talaga?" tanong niya
"Uhmm..di naman..kawawig lang pero okay lang din naman diba kaysa sa wala.."sabi ko
"Sabagay...basta tandaan mo palagi na kung saan ka masaya, masaya na rin ako at palsownwnwbsjwnwlqpsnw" sabi niya kaso di ko naintindihan yung huling sabi niya
"Huh? Anong sabi mo dun sa huli? Di ko naintindihan haha" sabi ko
"Ang sabi ko...mag-ingat ka lagi at wag mong kalimutang inumin ang gamot mo..sige bye na..may gagawin pa kami" sabi niya
"Okay sige...bye.." sabi ko at binaba ang phone ko
Nang akmang ilalagay ko na sana ang phone ko sa lamesa, ay nag-ring ito
Sino kaya tong unknown number
"Hello, sino po to?" tanong ko
"Ako to!" rinig kong sabi ng isang pamilyar na panlalaking boses
Kilala ko to ah!
"Tumawag ka ah! So, napag-isipan mo na ba?" tanong ko habang anlaki ng ngiti ko
"Oo tungkol dun sa kontrata..."
Tahimik na tahimik ako habang pinapakinggan ko nang maigi ang susunod pang sasabihin niya
"Sige, I'll do it...napirmahan ko na din" dinsabi niya
Diko mapigilan at napatalon ako sa tuwa at kilig sabay pa ng pagtili ngunit tinakpan ko agad ang bibig ko gamit ang isang kamay ko para di niya marinig
Nang kumalma na ako...nagsalita ulit ako
"Siguro eto na ang pinakamagandang desisyong nagawa mo noh? Pero by the way, kailangan mong ipaayos yang buhok mo at dapat bumili ka din ng mga damit na kagaya ni Vishnu...sasabihin ko na lang sayo kung kailan at saan tayo magkikita huh?" sabi ko
"Oo bahala na...daming arte neto" sabi nya
"Ahh..basta gawin mo...sige bye"sabi ko
Kaso binaba na niya ang phone agad. Tss...wala manlang manners
Biglang na good mood ako to the level na kaya kong akyatin ang pinakamataas na bundok....yiee
![](https://img.wattpad.com/cover/166179772-288-k123419.jpg)
YOU ARE READING
Forced Love
FanfictionFORCED LOVE This is a story of an eighteen-years-old girl, named Casey Marie Villanueva kung saan sinabihan siya ng doctor na 4 months na lang ang natitirang life span niya. Katulad ng ibang teenage girls, isa rin siyang fan girl. Isa sa mga idol ni...