Nang matapos ang sayaw, dahan dahan akong umalis para walang makakita sa akinHindi ko na siya hihintayin kase ayaw kong malaman niya na pinanood ko siya
Nandito ako ngayon sa park...nakaupo sa isang bangka sa gitna ng artificial lake
Gusto kong i enjoy ang mga ganitong bagay bago ako...mamatay
Nag-ring ang phone ko...pagkatingin ko sa caller ID ay si Noah
"Hello?" bati ko
"Saan ka ngayon?" tanong niya
"Andito ako sa park...sa boating area" sagot ko
"Ahh...sige papunta na ako diyan" sabi niya at binaba ang phone
Dahan dahan naman akong nag-paddle papunta sa gilid ng lake
Sino yung kumakaway? Sa akin ba yun?
Tumingin ako sa kaliwa't kanan pero mga couples lang ang andito
Tinuro ko ang sarili ko..at tumingin sa kumakaway
Wait...si Noah ba yun? Ang bilis naman niya
Ngumiti naman ako at kumaway din
May tinaas siyang parang itim na bagay sa mukha niya
Wait...camera ba yun?
Yiee...
Nag-smile ako sa camera at nag wacky habang tumatawa
Malapit na ako sa gilid ng lake nang nag-ring ang phone ko
"Nasaan ka ngayon? Wag mong sabihin na kasama mo nanaman siya" sabi ni Sister Mina
"Uhm.."
"Basta tingnan mo nalang yung na send ko sa'yo" sabi niya at binaba ang phone
Inopen ko yung message at isang link ito sa wattpad
Na-click ko yung link at nagulat sa nakita ko, I mean nabasa ko
Puro bash ang naabot ng story
"Contract Dating Queen"
"Grabe naman yung babeng character"
"Para siyang monster"
"Seduce Queen"
"Bitch"
"Kung mamatay siya, bakit di man lang niya ginamit yung pera sa bahay ampunan?!"
"Tanga!"
Mga ganitong salita ang nabasa ko sa mga comments
Binasa ko yung highlights ng story at parang pamilyar ang mga ito
Ang kwento...kwento namin ito ni Noah
Mula nung magkita kami sa calling station...pati nung mag meet kami...tapos nung mag act kami...tapos nung mag-date kami
" Yung kasama ko kase sa bahay, mahilig siyang manood ng ganun, bale isa siyang wattpad writer" Naalala ko pa tong sabi ni Noah nung nagkwekwentuhan kami
Biglang nag-iba ang emosyon ko
Feeling ko galit ako na hindi...feeling ko malungkot ako at gusto kong magkulong at umiyak
Tumingin ako kay Noah at parang yung mukha niya confused
Nakarating na ako sa gilid...hinila niya yung tali na nakakabit sa banka
Hindi pa rin ako bumaba
Maya-maya pa ay naramdaman kong umupo siya sa tabi ko
"Anong tinitingnan mo?" tanong niya
Tumingin ako sa kanya pero hindi nagsalita
Binigay ko sa kanya ang phone ko, hudyat na siya na ang titingin
"Anong ibig sabihin neto?" sabi ko
Nakangiti niyang kinuha yung phone at tiningnan
Napawi ang ngiti niya nang mabasa niya ito
"Ahh..ehh..uhmm.." utal na sabi niya
"Yung kaibigan mo di'ba? Siya ang nagsulat neto?" tanong ko
Hindi pa rin siya sumagot
"Ganito mo ba ako ikwento sa kanya?"
"Na nababayaran ka lang para makipagkita sa akin?"
"Na parang wala lang para sa'yo lahat ng to?"
"Oo nga naman...kontrata lang naman to eh...pero kahit konti ba wala ka man lang nararamdaman"
"Siguro dahil naaawa ka sa akin kaya ginagawa mo to noh?"
"Ano? Sagot!" sigaw ko
"H-hindi naman sa ganun.." sabi niya
"Hindi sa ganun? Okay..naiintindihan ko...dahil sa awa kaya mo to ginagawa hindi ba?" tanong ko
"Anong mali kapag sinabi kong oo, naaawa ako sa'yo!"
"Puno ng picture ni Vishnu ang kwarto mo kase sabi mo siya lang ang meron ka...wala kang picture na mag-isa kase walang kukuha bg picture sa'yo kase nga di'ba mag-isa ka? Anong mali kung maaawa ako sayo?"
"May sakit ka at last stage na...hindi ba ako maaawa?"
"Hindi ka man lang naging bida kahit sa alinmang kwento ng ibang tao...kaya-..."
"Oo totoo lahat ng sinabi mo...wala akong pamilya, may sakit ako at kailanman di ako naging bida...ano naman ngayon? At least ginagawa kk lahat para man lang maging masaya...ikaw?"
"Ni hindi mo nga alam kung anong gusto mo...hindi mo kayang kumanta kaya pinilit mong sumayaw...hindi ka rin lang naman sikat ah!!" sigaw ko
Yumuko siya at huminga ng malalim
"Sorry na...sorry kung nasaktan ka sa mga sinabi ko...sasabihin ko sa kanya na tanggalin yung story" sabi niya
"Wag ka nang magalit oh..." sabi niya
Titigan ko lang siya
"Kalimutan mo na...tapos na ang kontrata...wag kang mag-alala, ise-send ko na lang ang pera" sabi ko at tumalikod para umalis
Hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako kaso tinanggal ko at nagpatuloy sa paglalakad
Pagkabilang ko ng tatlo at kapag hindi niya ako susundan, kakalimutan ko na siya
1...
2...
3...
Wala...hindi niya ako susundan
Wala man lang siyang gagawin para magkaayos kami
***
![](https://img.wattpad.com/cover/166179772-288-k123419.jpg)
YOU ARE READING
Forced Love
FanfictionFORCED LOVE This is a story of an eighteen-years-old girl, named Casey Marie Villanueva kung saan sinabihan siya ng doctor na 4 months na lang ang natitirang life span niya. Katulad ng ibang teenage girls, isa rin siyang fan girl. Isa sa mga idol ni...