XX

31 2 0
                                    


"Sorry kung napahamak ka sa plano ko" mahinahong sabi niya

"Wag ka nang mag-alala, okay na ako oh" sabi ko at gumalaw galaw

Naglalakad kami ngayon pauwi

"Wag na tayong gumawa ng mga bagay na ganun....sorry talaga" sabi niya

"Sabi ko okay lang naman eh, tingnan mo okay naman ako ah" sabi ko at humarap sa kanya at gumalaw galaw

Tiningnan lang niya ako

"At isa pa, nag-enjoy naman ako eh...masaya nga ako at binigyan mo ako ng chance na ma-experience yung ganung sitwasyon eh" sabi ko at nagpatauloy sa paglalakad

"Pero ikaw, yung kamay mo, okay lang ba?" tanong ko

Nakita ko kase kanina dun sa warehouse na dumudugo

"Uhmm...eto?..." sabi niya at tinaas yung kamay niya na may sugat

"Konting galos lang naman to eh...malayo sa bituka" sabi niya

"Tsss...kunwari ka pa, maluha luha ka nga sa sakit kanina eh" biro ko

"Kakaiba ka talaga.." rinig kong bulong niya

"Huh?" kunwaring tanong ko at tumingin sa kanya kahit narinig ko ang sabi niya

"Ahh? Wala..." sabi niya at tumingin din sa akin

Huminto siya sa harap ko na nakatalikod at bumaba

"Uy...anong ginagawa mo?" tanong ko

"Dali na...sakay na sa likod ko" sabi niya

"Huh? Hindi na...okay lang ako...nakakahiya naman" sabi ko

"Hiya-hiya ka pa....dali na...ang bagal bagal mong maglakad" sabi niya

Dahan dahan akong bumaba at sumakay sa likod niya at linagay ang kamay ko sa leeg niya

Sa totoo lang, isa rin ito sa mga gusto kong maranasan

Napaka-romantic at napaka-komportable

Sumandal ako sa likod niya at huminga ng malalim para amuyin siya

Ang bango niya kahit napawisan kanina...bakit ganun?

Ang unfair naman ng ganito...sa totoo lang kapag napawisan ako, para akong amoy-baboy

"Oh, ayan andito na tayo" sabi ko nang nasa harap na kami ng apartment ko

Dahan dahan niya akong binaba

"Sige pumasok ka na...good night" sabi niya

"Pumasok ka din...gagamutin ko pa yang sugat mo" sabi ko at tinuro yung kamay niya gamit ang labi ko

****

"Alam mo, isa to sa gusto kong gawin.." sabi ko

"Yung?" tanong niya

"Yung...ako ang gagamot sa sugat ng lalaking nsgligtas sa akin, madalas kong mapanood sa mga drama eh" sabi ko

"Ow!" sabi niya na medyo pasigaw nang nilagay ko yung alcohol

"Wag ka na ngang magreklamo" sabi ko

"Masakit kaya...eh kung ikaw ang may sugat at buhusan ng alcohol, di ka kaya tatalon sa sakit?" sabi niya

"Oo na...relax lang" sabi ko habang linalagyan ng ointment

"Parang museum tong kwarto mo...puno ng picture at ...owww!!!"

Hinampas ko yung kamay niya

"Oh ayan tapos na" sabi ko at tumayo

"Gutom ka ba? Anong gusto mpng kainin?" tanong ko habang tumitingin sa laman ng cupboard at ref ko

"Kahit ano diyan..." sagot niya

"uhmm...bakit eto lang ang picture mo dito?" tanong niya habang nakatingin sa frame kung saan picture ko noon kasama ang ibang bata sa ampunan

"Bakit wala kang picture na mag-isa ka?" tanong ulit niya

"Mmhhmm?...ahh kase wala ako kasama na magpi-picture sa akin, palagi akong mah-isa eh" simpleng sagot ko

"Pero madami naman akong selfie sa phone ko" sabi ko

Di ko siya makita kase naka talikod ako sa kanya

"O ayan...kain na" sabi ko at nilagay ang pagkain sa harap niya

***

Forced LoveWhere stories live. Discover now