XXI

31 2 0
                                    


Hindi ko alam kung anong ganap ko ngayon at naghanda ako sa pananamit

Hindi naman masyadong magarbo, simpleng suot lang

Nakita ko lang kase itong red na dress at parang feel kong suotin

Uhmm...alam ko na..bibisita muna ako sa bahay ampunan

*****

"Hi ate Casey, namiss po kita" sabi ni Jam nung pumasok ako sa room nila

"Hello, na miss din kita" sabi ko at niyakap siya

"Ate Cass!" dinig kong sabi ng dalawang boses

"Uy! Sheena, Shaina na miss ko rin kayo sobra" sabi ko at niyakap din sila

Sila yung pinaka-jolly na twins na nakilala ko

"Yiee!! Na miss mo ako noh!"

"Uy! Andito ka pala!"

"Guys andito si ate Cass!"

"Hello po"

"Sino daw?!"

"Heyoo!!"

Sabay sabay na sigaw ng mga bata

Nakakalungkot isipin na sa kabila ng mga malalaking ngiti ng mga batang ito ay ang sakit at lungkot nila sa pangungulila

"Na miss ko rin kayo guys...tara sa kitchen, may pasalubong ako!" pagkasabi ko ay nagsitakbuhan sila papunta sa kusina

"Buti naman at naisipan mong bumisita...Alam mo, sana katulad ka ng mga bata, kaya nga ngayon pa lang tinuturuan na namin silang maging mabait at masunurin" dinig kong sabi ni Sister Lucia

Si Sister Lucia ang pinakamatamdang madre dito. Siya rin ang pinakamatagal dito...nasubaybayan niya lahat ng mga bata mula bata hanggang sa kaya na nilang magtrabaho at magpasyang umalis, at isa na ako roon

"Oo nga po Sister Lucia, buti nga po at andito kayo" sabi ko at niyakap siya

"Na miss po kita" sabi ko

"Na miss rin kita...bakit di mo agad sinabi na may cancer ka pala, edi sana tumulong sana kami o atleast man lang ay pinagdasal ka namin...nabigla na lang ako nang banggitin sa akin ni Sister Mina" sabi niya at umalis sa pagkayakap ko at nagpunas ng luha

Haaayy...ang sensitive pa rin talaga ng matandang to

"Okay lang po ako...It's all God's plan nga po eh.." sabi ko

"Pero bakit ikaw pa? Bakit di na lang ako tutal matanda na ako" sabi niya sabay punas ulit ng luha

"Taha na po...wala na po tayong magagawa...siguro kase I've done my part in living....so tara na po? Excited na yung mga bata eh" sabi ko

***

Nang maka alis ako sa bahay ampunan, gusto kong bisitahin si Noah.

Kaya naman sa studio na ako dumiretso kung saan siya nagpeperfom, I mean nag-papractice

"Excuse me po, pwede pong magtanong?" tanong ko sa security guard 

"Ano po yun?" sagot niya

"Saan po yung dance studio dito?" tanong ko

"Pagkapasok mo dito,...."paliwanag niya habang tinuturo ang daan  "....diretso ka lang hanggang sa may paliko sa kanan, then mag elevator ka papuntang 6th floor...yung pangatlong room dun..yun yung dance studio" patuloy niya

"Sige, maraming salamat po" sabi ko at ngumiti bago umalis

Sinundan ko yung direksiyon na pinaliwanag ni kuyang security guard.

Nang nasa 6th floor na ako, hinananap ko ang ikatlong room

"Saan daw dito?" bulong ko sa sarili ko

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng isang room

"Anong maitutulong ko Miss"

Napatalon ako ng unti dahil sa gulat

Pagkatingin ko, may babaeng nakatayo sa gilid

Nakataas ang isang kilay niya at naka-fold yung kamay niya sa chest niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa

May nakasabit na measuring tape sa leeg niya

"Uhmm...nagbabasakali po kase ako, sorry po mali ata yung room na pinasukan ko" sabi ko habang yumuko ng kaunti at tumalikod paalis

Haaayyst! Bakit ba kase diko tinanong si Noah

"Excuse me po, saan po yung dance studio dito?" tanong ko sa isang lalaki

"Dun sa dulo dun" sabi niya at tinuro gamit ang labi niya

"Ahh..okay po..salamat po" sabi ko at nagbow ng konti

Pagkapasok ko....nakita ko ang mga dancers na umuupo

Anong ginagawa ng mga to? Ba't di ko makita si Noah?

Maya-maya pa ay mag dumating na isang lalaki mula sa likod ng performing stage

Dali-dali namang tumayo ang mga dancers at kunwari nagprapractice, yung iba naman nag strestretching

Ugag tong mga to!

"Okay guys! Ngayon, you'll be performing kung anong napractice niyo kahapon. Dapat galinga-......"

Pumasok si Noah na tumatakbo galing din sa likod ng performing stage at sinamahan ang ibang dancers.

"Mr. Fausto!! Palagi ka na lang late...isa pang late mo! Hindi na ako magdadalawang isip na tanggalin ka!!" sigaw ng dance coach

"Okay!! Set the music and start" pasigaw na sabi niya

Umupo naman ako dun sa may pinakalikod para di ako makita..medyo madilim dito

Nagsimula na ang sayaw nila at kay Noah lang ako nakatingin

Hindi man siya ang lead dancer pero alam kong ginagawa niya ang best niya

Bigla tuloy akong nalungkot.

Ibang-iba siya nung una ko siyanv nakilala...pero nagbago siya, I mean pinakita niya ang totoong pagkatao niya

Forced LoveWhere stories live. Discover now