Chapter 1

584 7 1
                                    

Excited na naglakad ng tahimik ako papunta sa opisina ng Pinakamamahal na Boyfriend ko na si Algene Alcantara para sa plano ko na sorpresahin ito.

One year na kasi kaming dalawa.

Nag half day lang ako sa Trabaho ko sa Call Center para lamang dito.
I even make reservations dun sa favorite Restaurant ni Algene.
And after that.....sana...sana we progress more...well wala naman akong mairereklamo sa Boyfriend ko, mabait ito, masipag at responsable sa trabaho nito...pero lately ay parang wala na kaming quality time na dalawa....so to make it up I prepared all of this...sana magustuhan ni Algene ang lahat ng ito.

Dahan dahan na binuksan ko ang pinto, luckily wala ang Secretary nito na nakapuwesto ang mesa sa labas ng office nito na marahil ay nagpunta yata sa comfort room.

Yosh! Nakabalatay ang ngiti sa labi ko na akmang papasok na para lamang matigilan at mabigla sa nabungaran ko....

Si Algene may kahalikan na ibang babae....

Si Algene na ang kahalikan ay ang taong kilalang kilala ko...

Si Algene na kahalikan lang naman ang nakababatang kapatid ko na si Maureen!

Napalunok ako ng makailang beses at pinikit pikit ang mga mata ko para wag tumulo ang mga luha sa mga mata ko saka nanlalatang naglakad papalayo sa lugar na iyun.

Nang makasakay na ako sa elevator na thankfully ay walang nakasakay na ibang tao ay mapait na napangiti ako kasabay ng paghulagpos ng mga luha na pinipigilan ko kanina.

Napahawak ako sa dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang pagkirot pati na ang pamilyar na sakit...

Pamilyar na kasi ang mga ganun eksena....pang ilan na nga ba si Algene sa mga lalaking nagustuhan ko na ng makilala ang Napakagandang kapatid ko na si Maureen ay tila nakalimutan na ako...pang apat na ba? Pang lima?...hays... Pang pito na yata....
Hay ang malas ko talaga...kung pupwede ko lamang na hilingin na sana di na lamang kami naging magkapatid ni Maureen para di ko na sya kailangan pang ipakilala pa sa mga lalaking nagugustuhan ko at maitsapuwera ako sa bandang huli....pero alam ko na wala na akong magagawa pa sa bagay na yun,
Magkapatid kami, magkadugo, isa pa hindi lang naman si Maureen ang dapat na sisihin kundi pati na ang mga letseng lalaki na nahahalina sa kapatid ko kasama na dun si Algene...

Muli ay napangiti ako ng mapait at pinahid ko ng likod ng palad ko ang mga luha ko.

Hay dapat magpunta na ako sa Parlor ngayon para magpaganda kasi panigurado isa sa mga darating na araw ay makikipag break na si Algene sa akin.

Maririnig ko na naman ang mga pamilyar na kataga na It's not you...It's me na mga linya, Pisti! Talagang di ako yun kasi sila yun makati ang putotoy gusto na magpakamot sa iba at nakakita lang nang mas maganda ay nakalimutan na na may Girlfriend po sila!

Mga lalaking lumuwag na ang turnilyo sa utak isinama pa ang pantalon! Putragis!

[][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][]

"Ginabi ka ata ngayon Maureen?" Kaswal na tanong ko sa kapatid ko ng makita ko ito na pahinamad na umupo na sa sofa.

"Gosh! Ate Nica ang tagal ng shooting namin napagod ako" nanlalatang sagot nito.

"Shooting? San? sa Sogo malamang" sa isip ay asar na sambit ko.

Hello? Alas dos na po ng madaling araw, eh kanina pang ala sais yun nakita ko silang dalawa na naghahalikan!

"Ganun ba, dapat magpahinga ka na, teka ipagtitimpla kita ng Gatas para makatulog ka agad" sagot ko at saka nagmamadaling pumunta na sa kusina para magtimpla nga ng Gatas.

"Ano kaya kung maglagay ako ng pampurga sa gatas na ito para man lang makaganti ako sa kataksilan nilang dalawa sa akin?" Impit na napatawa ako sa kapilyahan na naisip ko pero wala naman akong lakas ng loob na gawin ang bagay na yun.

Nang matapos ako ay dali daling bumalik ako sa sala at inabot ang gatas kay Maureen.

"Thank you Ate Nica" nakangiting sambit nito at gumanti lamang ako ng ngiti dito.

"Matulog ka na after that Maureen, at matutulog na din ako, bye"

"Bye Ate Nica" anito.

Nang makapasok na ako sa kuwarto ko ay nanlalata na napahiga ako sa kama ko saka chineck ang cellphone baka sakali nag text ang hudyo pero wala talaga eh....

Hay sana magkalakas na ng loob si Algene na kausapin ako at makipaghiwalay ng maayos sa akin....

ALGENEWhere stories live. Discover now