Chapter 9

195 2 1
                                    

"Kaloka bakit ba ako pumayag payag pa ako na sumama dito" nakasimangot na bulong ko sa sarili ko.

Lumipad ang tingin ko kay Marc at Nissa or Jessa ba yun name ni Ate Girl na tawa ng tawa na para bang sila lang yun magkasama.
Kung alam ko lang na ang magiging third wheel lang ako sa dalawang ito ay dapat di na ako sumama pa kay Marc ng mag aya ito na kumain kami kanina.

Kasalukuyan na kaming umoorder ng kakainin namin ng biglang lumapit si Ate Girl na kilala ni Marc at ayun walang paalam na naki join sa amin na kumain.
Tapos ang loka ayun at pini flirt pa si Marc na gustung gusto naman ng huli.

Mga malalandi!

Yumuko ako para di mapansin ng mga hudyo ang pag ikot ng mga mata ko.

Pasimpleng tumikhim ako ng isa pero yun dalawang malandi di pa rin ako napansin,kaya naman tinawag ko si Marc.

"Veronica bakit?" Bakas ang pagtataka sa mukha nito na tanong sa akin.

Matamis na ngumiti ako dito.

  mga hedep*ta kayo kapal kapal ng mukha nyo na maglandian sa harap ko tapos magtatanong ka pa kung bakit?!  Mangani ngani ko ng isagot dito.

"I think Marc, kailangan ko ng umalis"

"Hah pero di pa nga dumarating yun order natin mam'ya na"

"Sorry Marc, maybe next time na lang"

Pero promise wala ng next time!

"Pero----"

"Marc, hayaan mo na si Miss Veronica baka may mahalagang lakad sya" kiming singit ni Nissa kay Marc.

Gusto ko nang irapan ang feeling white lotus na babae na ito.

"Pero Jessa----"

Oppps! Jessa pala name nya, hehehe

"Tama si Nissa este Jessa may kailangan kasi akong lakarin ngayon biglaan lang kasi" pag ayon ko dito.
Bago pa ito tumutol ay mabilis na tumayo na ako at naglakad na papalabas ng restaurant na yun.

Naglakad lakad muna ako sa may luneta at nang mapagod ako ay umupo ako sa damuhan at  wala sa loob na tinatanaw ang monumento ni Rizal.

"Saan kaya ako makakahanap ng lalakeng ideal man talaga ang peg, halos lahat ng lalaking nagugustuhan ko may mga hitad na kaagaw ko eh" napapailing na bulong ko sa kawalan.

"Hay naku Nica...asa ka pa malamang sa mga koreanovela at wattpad mo lang sila makikita, at mai imagine na nag e exist, mga endangered species na sila" napapailing na bulong ko ulit.

Nagulat pa ako ng biglang tumunog ang cellphone ko at ng tignan ko ito ay nalaman ko na ang tumatawag pala ay si Marc.
Tinignan ko lamang ito kasi wala naman akong balak sagutin ito.
Naka ilang beses pa ito sa pagtawag at siguro ng magsawa ay tinadtad naman ako ng text.

Kibit balikat na tinago ko na ulit sa bag ko ang cellphone.
Napag desisyunan ko na iwasan na ng maaga si Marc habang di pa ako nafa fall sa kanya.
Kasi parang napi feel ko na may gusto din yun Nissa or Jessa na yun kay Marc at ang ending ay ako naman yun ma broken hearted, hindi pa nga ako nakaka move on kay Algene tapos aariba na naman ako,

Iba rin din ako nuh?

Nakangisi na tumayo na ako at naglakad para makauwi na ako sa apartment ng bigla ay may tumawag na naman sa pangalan ko.

Nang lumingon ako at sinuhin ito at tila gusto ko ng mapailing na lang sa sobrang pagka dismaya.

"Veronica fancy see you here" bati agad ni Joseph ng makalapit ito sa akin.
My second boyfriend---ex boyfriend to be exact.
Naging kami nun second year ako sa college tapos nahuli ko sila ni Maureen na naghahalikan sa labas ng gate lang namin, imagine that?

Nang makita ko sila na gumagawa ng kahayupan ay dali daling nakipag break ako kay Joseph the next day.
Hindi ko na hinihintay na ito ang makipag break sa akin.
Nang tanungin nya ako kung anung dahilan ko ay inirason ko lamang ay dahil hindi ko kayang pagsabayin ang lovelife at studies ko.

Agad naman na tinanggap nito ang rason ko tapos after lang ng one week ay nagulat pa ako na sila na nung bestfriend nya!

Hindi ko alam kung bakit hindi natuloy ang nasimulan nila ni Maureen kasi di naman na ako nag usisa pa.

"Sa iyo din" nakangiting sagot ko dito.

Naku ang galing ko na talagang mang plastic sa kapwa ko.

Maa awardan na ako nito eh,

"May kasama ka?" Maluwang ang tanong nito sa akin.

Umiling ako.
"Wala kasi papauwi na ako, may dinaanan lang ako malapit dito" sagot ko dito.

"Ganun ba hatid na kita" alok nito.

"Ha? naku wag na, tumawag na ako ng grab, malamang malapit na yun" mabilis na tanggi ko dito.

"Then cancel it, ako na ang maghahatid sa iyo" pagpupumilit nito.

"Joseph....."

"Please....." pakiusap nito.

"Ako na ang maghahatid sa kanya" kapwa pa kami nagulat ng may sumingit na lalaki sa pagitan namin ni Joseph.

ALGENEWhere stories live. Discover now