Chapter 6

205 4 0
                                    

"Algene...magkape ka muna para mahimasmasan ka" tipid ang ngiti na alok ko sa binata at saka inilapag sa center table ang tasa ng kape na umuusok pa sa sobrang init tamang tama para sa lalaking ito.

Walang imik na sinimulan na nilagok nito ang kape.
Habang ako naman ay umupo na sa kaharap na upuan.

Nagulat talaga ako kanina ng mauntog ako sa matigas na dibdib nito at mas lalo na ng makilala ko ito.
Sa isip ay nagtataka ako kung bakit pumarito sa apartment ko ang walanghiyang lalaking babaero na ito pero agad din naman na naisip ko na baka nami miss nito si Maureen kaya nagpunta ito dito at aksidente lamang na nakita ko ito.

Speaking of my kapatid, kamusta na kaya s'ya dun?
Malamang sinusulit talaga nya yun once in a lifetime chance na ibinigay sa kanya...tama habang bata ka pa dapat maging YOLO ka muna para walang regrets pagtanda like me,malapit na akong mawala sa kalendaryo pero nanatiling single pa rin, wala kasi pa akong natatagpuan na ka forever ko eh,
Lahat iniiwan ako katulad nitong mokong na ito sa harapan ko....para sa kapatid ko.

Well Maganda kasi at malandi pa...wala na talaga akong pag asa...yun bang uwian na kasi may nanalo na hahaha....

"Hmm...bakit ka nga pala naligaw dito sa apartment ko?" Patay malisya na tanong ko dito.

Nakita ko na tila di agad ito nakaisip nang isasagot sa akin kaya naman gusto ko ng matawa ng malakas pero salamat at nakapagpigil pa ako.

Pasimpleng nag iwas ito ng tingin sa akin.

"I...I just visit a friend...I mean si Tristan....inihatid ko sa condo nya lasing na lasing na kasi kaya ako na ang nag drive para sa kanya" matamlay na paliwanag nito.

Nagkunwari naman ako na nakumbinse nito at tumango tango dito.

Hmm...sige sasakyan ko yan...as if naman talagang ang kaibigan nya pa ang idinahilan nya huh?

Hello ang layo naman ng makati at paranaque at take note condo malamang yun tinitirhan nun unlike me na nasa maliit na apartment lamang nakatira...

Wag ako uy!

"Ah ganun ba?....well mainam pa na inumin mo na muna yang kape para mahimasmasan ka at makauwi ka na agad" nakangiting sabi ko dito.

Nag angat ito ng mukha at naka kunot noo na nakipagtitigan sa akin.

"Bakit pakiramdam ko...parang ayaw mo akong magtagal dito...parang gusto mo na umalis na agad ako dito...ayaw mo ba na magtagal ako dito?" Tila may pagdaramdam sa boses na tanong nito sa akin na kinagulat ko.

Matamis na ngumiti ako dito at dinampot ang tasa ng kape ko at lumagok muna bago ito sinagot.

"Well....di ba obvious...nag break na tayo or rather nakipag break ka sa akin, kaya walang dahilan pa na magtagal ka dito lalo't madaling araw na, di na kasi magandang tignan lalo pa't mag isa lang ako dito sa apartment" paliwanag ko dito.

Tila ito naman ang nagulat sa paliwanag ko.

"Are we not friends sa palagay mo?" Tila may hinanakit na tanong nito.

"Algene...."

"Maybe nakipag break ako sa iyo pero it was for your sake naman, and I still want us to remain friends" nakalabing sagot nito.

I find seeing his handsome face sulking is cute.

May cute side din pala ang palikerong Ex Boyfriend ko na ito.

"Magkaibigan naman tayo ah" natatawang  wika ko dito.
"Pero may limitasyon nga lang, oh sya tapusin mo na yan at umalis ka na kasi matutulog na ako may pasok pa kasi ako"

"Pero nagpuyat ka pa rin knowing that"

"What's wrong with that, dalaga ako,single pa at gusto ko naman na mag enjoy kasama ang mga friends ko" kibit balikat na sagot ko dito.

"Pero kaka break pa lang natin..ba't ang bilis mo naman yatang nakapag move on ah? Di ba may three month ka dapat?" Tila nang uusig ang tinig na tanong nito kaya naman nainis na talaga ako dito.

"Alangan naman na iyakan kita, eh  di lang ikaw ang unang lalaki na nakipag break sa akin, madami na kayo" kasi lahat kayo puro si Maureen ang pinili...mga Animal... hayuf talaga....

"Pero sana nagkunwari ka man lang na nasaktan ka---"

"To boost your ego? Sus wag na gwapo ka na,wag ka nang inaso d'yan na parang ikaw pa ang naabgrabyado, ubusin mo na yan at umalis ka na Algene" pambabara ko dito.

Nag pout ulit ito kaya naman natawa ako ulit ako.
Agad na tinapos naman nito ang pag inom nito sa kape nya at saka lulugo lugong lumabas na ng apartment ko.

Nang makaalis na ito ay nag ayos na ako ng sarili ko at natulog na.

ALGENEWhere stories live. Discover now