Chapter5

201 3 0
                                    

"Dude mukhang ang dami mo nang naiinom ah!" Natatawang puna ni Tristan sa akin.
Kasalukuyan na nasa Bar kami na pagma may ari nito at pumunta ako dito coz I want to be wasted!
Yung tipong di na ako makabangon pa bukas ng umaga coz my head hurts.

"Oh shut up!" Naiiritang angil ko dito pagkatapos ay muling tumunga ng alak sa baso ko..

Imbes na magalit ito ay natawa ito, he's such a freak,

"C'mon Algene switch gear...erhm....I mean makakahanap ka naman ng kapalit ni Maureen, ikaw pa you're such a manwhore, yun tipong yun poste damitan mo lang papatusin mo na eh" pang aasar pa nito.

Alam nito ang tungkol kay Maureen dahil kasama ko sya nun gabing makilala ko ang una at pag nagda date kami nang una, madalas din kasi kaming mag meet up dito sa Bar ni Tristan.

"Tristan, I'm not that brokenhearted, nafu Frustrated lang ako because of Maureen's action, because how could she do it to me, to us, nakipag break ako kay Veronica para sa kanya pero anung ginawa nya?" Muli ay lumagok ako ng alak.
"Iniwan nya ako sa ere"

"Oo nga napakatanga mo, iniwan mo si Ate para kay Bunso tapos si Bunso iniwan ka para kay Ate" panggagagad pa nito.

"Me and Veronica will definitely breaking up, it just a matter of time, napaaga lang"

"Ah oo nga buti at nakipag break ka na sa kanya, makakahanap pa sya ng iba yun matino yun, hindi katulad mo"

"Parang hindi ka din isa't kalahating gago ah, mas masahol ka pa nga sa akin eh" sikmat ko dito pero ang lintek ay muli na naman ako nitong tinawanan.

"Wala eh gwapo kasi ako, kasalanan ko ba kung humaling na humaling sa akin si Blanche"pagyayabang pa nito.
"Pero mabalik tayo dun sa unang topic,habang ikaw nagluluksa d'yan, ayun ang Ex mo at mukhang naka move on na" ininguso nito ang dancefloor at nang tignan ko ang itinuturo nya ay nakita ko si Veronica na sumasayaw sa dancefloor....pero di sya nag iisa!

May lalaking di pamilyar sa akin na kapareha nito pagkat nakalingkis ang mga braso nito sa makitid na bewang ni Veronica.

"Infairness naman kay Veronica, ang sexy pala ng Ex mo, may ibubuga din pala" pumapalatak na wika pa ni Tristan.
Nakasuot ng halter blouse ito at halata ang malusog na dibdib nito na di ko alam na meron ito...akala ko kasi dati ay sing flat ng washboard ang dibdib nito at mini skirt na itim na nagpatingkad sa kaputian na taglay ng mga binti nito na di man lang nag abalang magsuot ng pantyhose
Muli ay lumagok ako ng alak habang naniningkit ang mga mata na nakatuon kay Veronica na tawa ng tawa habang halos yakap na ang lalaki na yun....

__________

"Thank you Marc, nag enjoy talaga ako" natatawang wika ko kay Marc.
Nagkayayaan kami ng mga ka workmates ko at si Marc pa nga ang naging kapareha ko sa buong magdamag.

"You're welcome....so maybe...next time ay lumabas tayo pero sana....tayo na lang dalawa?" Nakangiti nitong tanong habang kamot kamot ang ulo nito.

Marc has this boyish charm na nakakadagdag sa appeal nito na walang babae na makaka resist....sana isa sa mga araw na ito ay maging isa ako sa mga babae na yun.
Afterall isa akong dalaga na naniniwala pa din sa forever....at sana matagpuan ko na sya kay Marc.

Kinilig naman ako sa isipin na yun, kasi ako yung tipo ng tao na inlove sa salitang love, go lang ng go, like what happen sa amin ni Algene,
No hard feelings,kumbaga tanggap ko na, na hanggang dun lang kami ni Algene....yun tipong may together pero walang forever dahil may iba pang mas deserve ako....kinilig much na naman ako hahaha!!!

"Hmm..."kunwa'y nag isip pa ako bago dahan dahan na humarap dito.
"Sure why not" nakangiting pagpayag ko.

"Yes!" Napatalon pa ito at nagulat ako ng yakapin ako nito ng mahigpit at halikan ang pisngi ko.
"Thank you Veronica!" Dagdag pa nito.

Kahit pa nagulat sa gestures nya ako ay pilit pinakalma ko ang sarili ko at tsaka tumango dito.

"Y---yes, aasahan ko yan" wika ko dito.
Agad na nagpaalam na ito ng maihatid ako nito sa apartment ko.
Abot ang kaway ko sa papalayong sasakyan nito at nangingiting tumalikod na para pumasok sa apartment ng bumangga ako sa matigas na bagay at ang lingunin ko ito ay malapad na dibdib pala ang nabangga ko at nang mag angat ako ng tingin ay napanganga ako kasabay ng mabilis na pagkabog ng puso ko ng ganap na makilala ito.

"A---algene!"

ALGENEWhere stories live. Discover now