Chapter 7

190 4 1
                                    

"Marami ba tayong kasama sa Baler?" Nakangiting tanong ko kay Marc.
Inaaya kasi ako nito na sumama sa kanilang magkakaibigan na pupunta nga sa Baler ngayon weekend.

"Mga Anim lang tayo tatlong lalaki kasama ako at tatlong babae kasama ka" nakatawang sagot nito.
Napatawa na din ako pagkat naisip ko agad na parang groupdate ang set up namin lahat.

Hmm....mainam na din siguro na sumama ako dito kay Marc para makapag enjoy naman ako tutal nabo bored na ako na nasa Bahay lang isa pa mag isa nga lang ako dun wala pa si Maureen.

"Sige kailan ba tayo aalis?"

"Sa next day mga four ng madaling araw para maaga tayong makarating ng Baler" agad na sagot nito.

Tumango ako dito.
Thursday ngayon so pag friday ng madaling araw kami umalis mga hapon na siguro ng linggo nandito at nakabalik  na ulit kami dito sa Maynila.

May time pa ako na makapagsimba.
"Okay magkita na lang tayo sa meet up place natin" pagsang ayon ko dito.
Nagkwentuhan pa kami ng ibang topic bago muling bumalik sa trabaho namin.

Kinahapunan pagka out ko sa trabaho ay nagpunta ako sa simbahan.

Matagal tagal na din magmula nun huli akong magsimba.
---------

"Veronica!" Napatigil ako sa paglalakad ko at saka lumingon sa taong tumawag sa pangalan ko.
Napakunot noo ako ng makilala ang tumawag sa akin.

"Algene?"

Ngumiti ng matamis si Algene sa akin.

"What a coincidence, san ka galing?"
Agad na tanong nito ng makalapit ito sa akin.

"Nagsimba"tipid na sagot ko saka binilisan ang paglalakad.
Gusto ko ng makalayo sa lalaking ito.
Sariwa pa din sa isipan ko ang ginawa nitong pagtataksil nila ni Maureen pati na ang pakikipaghiwalay nito sa akin.
Pero ang hudyo ang bilis na maglakad.

"May lakad ka ba pagkatapos nito?" Ani Algene sa akin.

"Wala na uuwi na agad ako sa bahay" sagot ko dito at mas binilisan ko pa ang paglalakad.

"Really ....then puwede ka bang ayain ko na kumain muna sa labas?"natigilan ako sa tanong nito.

"As much as I want to ay di pupwede kasi kailangan na umuwi talaga ako sa bahay kasi madami pa talaga akong kailangan na gawin" agad na tanggi ko.
Hello mag iimpake pa ako ng mga damit na gagamitin ko sa pagpunta ko ng Baler,
Excited pa naman ako kasi matagal tagal na din magmula nun huling mag out of town ako dahil nga busy ako sa trabaho, sa pag intindi sa Kapatid at Ex Boyfriend kong mga taksil!

Kaya talagang mag eejoy ako dun sa Baler nuh!
This time ito naman ang kumunot ang noo.

"Why? Maglalaba ka ba?"biro nito.

"Di nuh, may lakad kasi ni Marc"

"May Date kayo?"

"Nope, may outing kami sa Baler"

"K---kayo lang dalawa?"bakas ang pagkagulat sa boses ni Algene.

"Anim kaming lahat"nagtataka na sagot ko dito.

"Kailan kayo aalis?"

"Bukas ng madaling araw"

"Eh di next day na lang pagdating mo" nakangiting pangungulit pa din nito.

Nakipagtitigan ako dito ng ilang saglit bago napailing.

"I think about it" sagot ko dito at bago pa ito makapag react ay nagmamadali na akong pumasok sa gate ng apartment ko saka iniunlock ang pinto ng apartment at nang makapasok ay agad agad na ni lock ulit ito.
Mahirap na at baka masalisihan pa ako ng magnanakaw.....maglalaba pa naman ako....

-------
"Shit!" Asar na nasipa ko na lamang ang gulong ng sasakyan ko matapos ang di halatang pagwa walk out ni Veronica sa akin.

Alam ko naman at nahahalata ko na iniiwasan ako ni Veronica, siguro naiilang pa din ito na makasama ako dahil nga Ex Boyfriend nya ako pero F*ucking shit nakakaasar talaga lalo pa sa nakikita ko na parang  ang dali lang para kay Veronica na mag move on after na maghiwalay kami...samantalang ako heto at di ko malaman ang uunahin ko, ang pakikipaglapit kay Veronica to win her trust and be her friend para if ever na magkabalikan ulit kami ni Maureen ay na patch up ko na ang gusot sa pagitan namin ng Ate nya...or pumunta ng New York at suyuin si Maureen na makipagbalikan sa akin?

Nang humupa ang inis ko ay sumakay na ako sa sasakyan ko at umalis na sa lugar na yun.

I think I need to refresh my mind, naisip ko at iminaniobra ang sasakyan papunta sa Bar ni Tristan.

And I wanna be wasted and after that just get laid in my warm but lonely big bed....

ALGENEWhere stories live. Discover now