Chapter 2

253 4 0
                                    

"You can't do that, Algene masasaktan ang Ate Nica ko pag nakipag break ka sa kanya" nagsusumamo na pakiusap ni Maureen sa akin.

Marahas na bumuga ako ng hangin saka umiling.

"I can't, I am not a two timing person...well I guess sa mga pinaggagagawa natin naging isa na ako dun, at ayaw ko ng patagalin pa ito,I want to break my relationship with Veronica, and let's be legal"  sagot ko dito.

Ito naman ang umiling.

"No....I can't,please ayokong masaktan si Ate----"

"Sa una lang yun, pero I'm sure matatanggap din ng kapatid mo ang lahat at pag naging tayo na" kinuha ko ang malambot na palad nito at hinalikan.

Nakilala ko si Veronica, a year ago sa isang business convention, nagustuhan ko ang Bubbly Character na taglay nya and we begun dating, and after a month ay naging kami na,

In my part, I just like her, but I never love her,
I just used her to get rid of all those annoying women,
In short ay ginamit ko lang si Veronica na pananggalang.

Nagpatuloy ang relasyon namin, we date sometimes, minsan kina cancel ko din pag madaming trabaho sa opisina na okay lang naman kay Veronica,
Di ito nagde demand sa akin at nangungulit unlike my past girlfriend kaya marahil tumagal kami,
But four months ago, ay sinama ako ni Tristan sa isang fashion event at nang rumampa si Maureen ay tila natulala ako at nabighani na ako sa gandang taglay nya.
After that show ay nakipagkilala ako dito at inaya na makipag dinner date na hindi naman nito tinanggihan.
We dined and drink, while chatting and next thing we knew our lips lock each other, we ended up in a hotel suite and spent the night together.

After that ay lagi na kaming magkasama, we date, I love making love to her, I enjoy her company, so much na nakalimutan ko na may Girlfriend na ako,
Until one day ay inaya ko si Maureen na mag date kami at aksidenteng nakita kami ni Veronica.
Akala ko ay magagalit ito pero sa halip ay ngumiti ito at lumapit sa amin at kaswal na sinabi na...

"Algene magkakilala ba kayo ng kapatid ko na si Maureen?" Nagulat ako sa nalaman ko at di makasagot, kaya naman si Maureen na ang sumalo at tumingin sa akin na tila nakikiusap ang mga mata na itikom ko ang bibig ko na awtomatiko naman na ginawa ko.

Natapos ang tagpo na yun na walang kaalam alam si Veronica na Maureen and I are cheating behind her back.
Dumaan pa ang dalawang buwan na ganun ang naging set up namin....
But I can't prolong this charade anymore because nakaka guilty na, kaya naman heto ako at sinasabi kay Maureen ang plano ko, na gusto ko ng makipag break kay Veronica at maging legal kami...pero base sa mukha nya ay mukhang ayaw nya.

Well....hindi ko naman sya masisisi, Ate nya ang involved dito.
Pero pangit talaga tignan ang pagsabayin ko silang dalawa, lalo pa't di naman malalim ang nararamdaman ko kay Veronica, at gusto ko na maging Official na kami ni Maureen para wala nang mga lalaki pa ang umaligid ligid dito.

"Algene...let me think about" anito na tumayo na bitbit ang shoulder bag nya.

"Aalis ka agad? Di mo pa natitikman ang pagkain nila dito" Kakaupo pa lamang namin at di pa nga nya nagagalaw ang steak na inorder ko para sa kanya.
Kung si Veronica ang ka date ko ngayon malamang kanina pa ubos yan.
Ang katwiran kasi ni Veronica ay kaya ka nga nagtatrabaho para kumain ng masarap.

"Sorry Algene, I'm on Diet isa pa kailangan na bumalik na agad ako sa studio, di pa kami tapos sa rehearsal namin" sagot nito at mabilis na humalik sa labi ko saka nagmamadaling umalis sa restaurant.

Nang mawala na ito sa paningin ko ay bumuntunghininga ako saka napailing na lang.
Pagkatapos ay tinext ko si Veronica na magkita kami.

Nang mag reply ito ng Oo ay tinawag ko na ang waiter para bayaran ang bill ko saka umalis na din sa Restaurant na yun.
Ayaw man ni Maureen sa balak ko ay buo na ang desisyon ko na makipaghiwalay na kay Veronica.....

ALGENEWhere stories live. Discover now