Chapter 10

210 3 0
                                    

"Sino yung lalaking kausap mo kanina?" Nakangiting tanong ni Algene sa akin.

"Ah...si Joseph Ex ko" kibit balikat na sagot ko.
Dito na ako sumabay kasi hindi ko talaga bet na sumama kay Joseph,
Imbyerna pa din talaga ako sa Ex Boyfriend ko na yun eh...

"Ah ganun ba..." Napatango si Algene at namayani ang katahimikan sa pagitan sa aming dalawa hanggang makarating na kami sa Apartment ko.

"Algene dito na lang ako....salamat" akmang bababa na ako nang bigla nito akong hawakan sa braso ko kaya naman nagtataka na nilingon ko ito.

"Veronica...."

"Bakit?"

"Ahm...can I invite you na mag dinner---"

"Ay naku madami akong nakatenggang trabaho eh maybe next time na lang" agad na pagtanggi ko sa kanya.

"Dios Mio Marimar!
Ano makikipag lapit sya sa akin para pag umamin na sila ng kapatid ko na sila na ay madali kong matanggap...hmp maghirap muna 'tong Algene na ito" sa loob loob ko lang.

"Pero Veronica may time ka nga na makipag date kay Marc di ba, tapos nakuha mo pa na mamasyal tapos makipag usap sa Joseph na yun tapos pagdating sa akin wala kang time?" Halata sa mukha ni Algene ang pagkadismaya.

Kunwa ay napalabi naman ako dito.

"Yun na nga may time ako ngayon, bukas and the following days wala na at busy na ako" nakangiting sagot ko dito at bago pa ito makapag react ay mabilis na akong nakababa sa kotse nito at pumasok na sa may gate.

"Thank you na lang Algene" kumakaway na wika ko dito saka mabilis nang pumasok sa Apartment ko.



"Shit!" Nagtatagis naman ang mga bagang na nausal ko na lamang habang  nakatitig pa din sa Apartment ni Veronica.
Hindi pa din kasi mapalis ang inis na nadarama ko pati na ang pagtataka sa mga kinikilos ni Veronica.
Minsan kasi ang dali nyang kausap tapos minsan naman ramdam ko na iniiwasan na ako pero pagdating sa Marc na yun ang dali nyang sumama na mag date,tapos may Joseph pa na Ex nya na halata naman na iniiwasan nya kaya nang makita nya ako at magprisinta na ako ang maghahatid kay Veronica ay ora oradang pumayag agad ang dalaga.

Nang pumasok sa isip ko ang mukha ng Ex Boyfriend ni Veronica na halata ang pagnanais na makausap si Veronica habang ang una naman ay halata na iniiwasan ito ay agad na naisip ko ang sitwasyon namin ng dalaga.

Ex Boyfriend nya yun Joseph na yun
Pati ako at halata na ayaw nya nang makipaglapit sa amin...pero kay Marc ay lagi syang sumama...

Ibig bang sabihin pag naging Ex na nya ay hindi na nya binabalikan?

May sumigid na kirot sa dibdib ko sa isipin na yun.
Muling nilingon ko ang Apartment ni Veronica at napansin ko na nagpatay na ito ng ilaw,malaman ay tulog na nga ito.
Naiiling na binuhay ko na ang makina ng sasakyan ko at umalis na sa lugar na yun.

☆☆☆☆☆☆☆


"Veronica!" Tawag ni Marc sa akin.
Huminto ako sa paglalakad ko at hinintay na makalapit ito sa akin.

"Uy Marc, bakit, may kailangan ka?" Nakangiting tanong ko dito.

Nagkamot ito ng ulo at saka ngumiti sa akin.

"Ahm...kasi...I'm sorry Veronica"

"Para saan?" Nagtataka na tanong ko dito.

"I'm sorry dun sa last time na nag dinner tayo, hindi ko alam na nandun pala si Jessa at dahil matagal na hindi kami nagkita na dalawa ay ganun ang inasta naming dalawa sa harap mo" paliwanag nito sa akin.

Natawa naman agad ako kasi naunawaan ko agad ang ibig nyang ipaliwanag sa akin.

"Ah yun ba? Sus wala naman yun sa akin" napapakumpas ang dalawang kamay na sagot ko dito.

Nagliwanag naman ang mukha ni Marc at nagulat pa ako ng bigla nitong hawakan ang dalawang kamay ko.

"Thank you Veronica, akala ko talaga ay nagalit ka sa amin kasi parang nakalimutan na kita dahil dumating nga bigla si Jessa...ahm I know para makabawi ako sa iyo...how about sabay na tayong mag lunch?" Alok nito.

"Ha? Ahm...kasi----"

"Please Veronica?"

Tatanggi pa sana ako ng bigla na lamang kumalam ng malakas ang sikmura ko.

Namula ang magkabilang pisngi ko habang natawa naman nang mahina si Marc.

"So payag ka na, na sabay na tayong mag lunch?" Nakangiting tanong nito at wala na akong choice kundi pumayag kasi naman pinagkanulo na ako ng sikmura ko.

ALGENEWhere stories live. Discover now