Chapter 4

200 2 0
                                    

"Ulitin mo nga yan kasasabi mo pa lang Maureen?" Di makapaniwalang wika ko sa dalagang kasalo kong kumain ng dinner.

Kanina when she texted me para magkita kami ay mabilis pa sa kidlat na inayos ko ang lahat.
Ang Lugar na kung saan kami kakain ay agad agad na pina reserved ko sa secretary ko, I even brought her A bounquet of yellow roses na favorite nya and I was also excited na isuot sa daliri nya ang kabibili ko pa lamang na engangement ring para ipakita na seryoso ako sa kanya and what did I received?

Maureen heave a heavy sigh.

"Algene let's stop this, I am breaking up with you...na realise ko na di ko pala kayang makita na nasasaktan ang Ate Nica ko habang tayo masaya, nakaka guilty lang" muli ay ulit nito sa kasasabi pa lamang nito kani kanina.

"Maureen!"

"I can't be happy at the expense of my Ate Nica's heartache, kaya naman please hayaan mo na ako sa decision ko na layuan ka" naiiyak na wika nito na tumayo na at akmang tatalikuran ako kundi ko lang maagap na nahawakan ang kaliwang braso nito saka mahigpit na niyakap ito mula sa likuran nito.

"Maureen don't do this to us, don't you think it is too early to give, di pa tayo nagsisimula sumusuko ka na" pakiusap ko dito.

Humarap ito sa akin at idinikit ang mukha nya sa dibdib ko.

"I'm sorry Algene, mahal kita pero mahal ko din ang Ate Nica ko di ko kayang makita na masaktan ni isa man sa inyo kaya ako na lang ang lalayo please understand me Algene,ibigay mo na sa akin ito" anito at mabilis na hinalikan ang labi ko pagkuwa'y mahinang itinulak ako at nagsimula ng maglakad papalayo sa akin.

"Maureen wait!" Tinangka ko na habulin ito pero humarap ulit ito sa akin saka umiling at mapait na ngumiti sa akin, ang mga mata ay nakikiusap na wag ko na syang sundan pa.

"Goodbye....Algene" mga katagang humulma sa mapulang labi nito bago muling naglakad papalayo sa akin.



_____________

"Ang lamig naman ng Valentines ko, tuluyan nang nakipag break sa akin si Algene.... wala na tuloy akong dyowa .... malamang ang next na eksena na ay aamin na yun dalawa na sila na...hmm paano kaya ang gagawin nilang scenario na kapani paniwala?...excited na ako sa susunod na kabanata" nakangiti na naglalaro sa isip ko habang hawak hawak ang isang tangkay ng puting rosas na galing sa kasamahan ko sa trabaho na si Marc.

Kaedaran ko ito at may hitsura din naman, di na ako lugi...kahit pa ten times na mas Guwapo si Algene....but still...

Sya lang ang tanging lalake na nagbigay sa akin ng bulalak ngayong valentines day, inaaya pa nga ako nitong mag date pero umayaw ako kasi pagod ako at nagluluksa pa ang sawi kong puso dahil sa kagagawan ni Algene.
Hindi pa ready ang puso ko na tumanggap ng bagong ie entertain...

Nang makapasok na ako sa Apartment namin ay nagtaka ako ng mabungaran ko si Maureen na ibinaba ang mga maleta nya.

"M---maureen may out of town pictorial ka?" Nagtatakang tanong ko dito.

Nakangiting umiling ito.

"No Ate Nica, papunta ako sa Airport papunta sa New York"

"New York, ilang weeks ka dun?"

"Ahm...Ate Nica baka matagalan ako dun...kakapirma ko lang ng Kontrata sa isang sikat na Modelling Agency dun and....it is two years Ate Nica" pagbabalita nito na kinagulat ko.

"Ha? Pumirma ka ng dalawang taon na kontrata tapos ngayon na ang flight mo papuntang New York at ngayon mo lang din sinasabi ito sa akin?" Di makapaniwalang bulalas ko.

Gosh, what a weird valentine day surprise I got here!!!

Lumapit si Maureen sa akin at niyakap ako.

"Ate Nica, I'm sorry kung di ko agad sinabi sa iyo pero kasi Ate, this is an once in a lifetime chance na kailangan kong I grab agad agad, for my career growth kaya Ate Nica wag ka na nang magtampo sa akin please?" Malambing na pakiusap nito.

Napailing na lamang ako kasi nadadala na naman ako sa mga Puppy Eyes nya, na kahit ano pa ang gawin nya, anuman ang kunin nya na sa akin, mapapatawad at mapapatawad ko pa rin sya....

"Okay pero regaluhan mo ako ng blondieng boylet pag uwi mo okay?" Nasabi ko na dito na break na kami ni Algene.

"Pak na pak Ate Nica, gusto mo dalawa pa eh" natatawang sagot nito na tinawanan ko na lamang.





ALGENEWhere stories live. Discover now