Chapter 8

190 4 0
                                    

"Uy Algene tama na yan" natatawang awat ni Tristan sa akin at kinuha pa ang baso ko na may laman pang alak.

"Bakit ba, magbabayad naman ako ah!" inis na singhal ko dito.

"Oo nga pero pag nalasing ka papaano ka uuwi ha? eh yung driver mo nakabakasyon na yun driver ko naman----"

"You don't have one"matabang na sagot ko dito sabay tungga ng alak.

Ngumisi lamang ito saka bumaling sa Bartender.

"Tim, isang scotch on the rock nga pupukpok ko lang sa taong ito ng makatulog na at di ko na samahan pa sa pagmumukmok nya" utos nito sa Bartender na kaharap lang namin.
Sinamaan ko ng tingin ito pero ang loko tumawa lang saka inabot ang alak na hiningi nya kay Tim.
Pagkuwan ay bumaling sa akin.

"Do you want me to exposed you to Noreen na may iba kang babae ha?" Tukoy ko sa kasalukuyan na ka fling  nya.

Pero ang loko tumawa lang at nagkibit balikat.

"Do it as if I care about her, i just want to eat but not tie to her" nakangising sagot nito.
"I want to remain a single lovable man and always available to all single ladies out there"

Yeah right....why don't you just spread your genes!  Napailing na lang ako sa kayabangan nito.
Pero natigilan ako sa naisip ko at walang sabi sabing kinuha ko ang alak na akma na sanang iinumin ni Tristan.

"Hey that's mine!" Di makapaniwalang bulalas nito pero di ko na ito pinansin pa at humarap na kay Tim.

"Tim make me more liquor that so hard, I want to be  wasted this night" utos ko dito.

Napailing si Tristan sa akin at akmang magsasalita nang tumunog bigla ang cellphone nito.

"Excuse me Algene, sasagutin ko lang itong tumatawag na ito" nagniningning ang mga mata na paalam nito sa akin.

Mukhang di ko na kailangan manghula kung sino yung tumatawag sa kanya dahil mukhang kilala ko na yata  yun base na din sa naging expression ng mukha nito.

Tumango lamang ako dito saka muling humarap kay Tim....at tinanggap ang baso ng alak na natapos na nitong gawin.
Isang mabilisang lagok ang ginawa ko at muling humingi ng alak kay Tim at isip ay bumuo ng plano para muling makalapit kay Veronica.

--------

"Why don't you taste this steak..it well done and bestseller here" nakangiting alok ko kay Veronica na mukhang inaantok na.
Marahil ay mukhang napagod nga ito sa pagpunta nya sa Baler kasama ang lalaking yun at di pa nakakapahinga ay heto at inaya ko na agad na kumain sa labas.

Tumalima ito at sinumulan nang tikman ang steak at nang ganap na malasahan ay mukhang nasiyahan naman ito base sa mga nagniningning na mga mata nito.

"Hmm...masarap nga Algene" tumatangong bulalas nito at mas binilisan pa ang pagsubo.

"Told 'ya....di ka magsisisi na pumayag ka na sumama sa akin dito" natatawang biro ko dito.
Kanina kasi ng saktong papalabas na ito ng opisina nila ay lumapit ako dito at agad na inaya ito na kumain nga dito sa restaurant na ito.

"Hay naku Algene pasalamat ka at di natuloy ang lakad namin ni Marc na magsamyupsal dahil kundi di ako sasama sa iyo" ganting sagot nito na kinasimangot ko.

Marc na naman!! Naiinis na naisip ko pero matamis na ngumiti lamang ako dito at di pinahalata ang ngitngit na nararamdaman ko ng mga sandali na ito.

Yeah... it is not the right time for that....but i'm sure na dadating ang araw na di ko na maririnig pa sa mga labi nito ang pangalan ng Marc na yun!

"Then sa Sunday libre ka ba?" Pasimpleng tanong ko dito.

"Hmm ....no may lakad kami nina Marc eh,"sagot nito at wala sa loob na napakuyom ako ng mga kamao ko.

"Yun Marc na sinasabi mo....nanliligaw ba yun sa iyo?" Muli ay pasimpleng tanong ko habang nakayuko at kunwan ay abala sa pagsubo ng pagkain na nakalapag sa harapan ko.

"Hmm...parang ganun na din siguro pero ayokong mag assume baka ma hopia lang ako eh" nakangising sagot nito.
Tumango lamang ako dito at muli ay inalok ito na ng milk tea na kalalapag lamang ng waiter sa mesa.

Nagpasalamat ito at itinuon na muli ang pansin sa pagkain habang ako naman ay palihim na pinagmasdan ito sa magana nitong pagkain....

ALGENEΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα