Chapter 3

209 3 0
                                    

".....ganun ba?" Walang emosyon ang mukha na sambit ni Veronica matapos kong sabihin na gusto ko nang makipagkalas sa kanya.

"Yeah... I'm sorry, It didn't work on us, and I don't want you to feel na parang balewala ka sa akin, I want us atleast to maintain our friendship Nica" sagot ko dito.

Tipid na ngumiti ito saka tumango tango.

"Naiintindihan ko alam ko naman na di tayo magtatagal kasi halos wala ka ng time....I mean wala na tayong time sa isa't isa, eventually mananawa na din tayo at maghahanap ka din.....I mean let's be friend na lang" nakangiting sabi nito.
"Kain na tayo?" Anyaya nito at nauna nang kumain.

"Nica..." sa ilang saglit tila nagsisi ako at nakipagkalas ako kay Veronica,
Dumaan din sa isip ko ang mga eksena na nakipagkalas ako sa mga naging past girlfriend ko.
Hindi nawawala ang pag iyak, at galit pati na mga pananampal nila sa pisngi ko at ine expect ko na ganun din ang eksena sa pagitan namin ni Veronica pero kabaligtaran ang nangyari pagkat maluwag nitong tinanggap ang lahat.

"I'm sorry Veronica sana makahanap ka ng taong mamahalin ka-----"

"Yes I hope so" masigla ang boses na sansala nito.
"Kain na at lalamig na ang pagkain"

Bumuntunghininga na lamang ako at naisip na marahil ay umiiwas ito na pag usapan pa namin ang break up naming dalawa....

-------------

"What?!" Gulat na gulat na tanong ni Maureen after kong sabihin dito na itinuloy ko ang plano ko na pakikipagkalas kay Veronica.
"Bakit mo yun ginawa? Di ba nag usap na tayo na di pa ako handa Algene naman...."

"I'm sorry Maureen, pero contrary sa inaakala mo ay maluwag sa loob ni Veronica ang pakikipagkalas ko sa kanya,kaya naman don't wo-----"

"Akala mo lang yun pero I'm sure nag iinom na naman ang Ate ko ngayon at umiiyak, believe me Algene kilala ko ang kapatid ko, akala mo lang wala lang kay Ate yun pero masakit yun sa kanya,you know I think I better go Ate Nica probably need me right now" anito at saka tumayo na at tinalikuran ako.

"H----hey Maureen c'mon" tinangka ko na hawakan ang braso nito pero pumiksi lamang ito at naglakad na papalayo sa akin.

Napailing na lamang ako at di na ito tinangka pa na sundan.
Maybe they need time to think both of them.....

__________

"So anung desisyon mo Maureen pupunta ka ba sa New York para sa modelling stint na inaalok sa iyo, makakatulong yun sa career mo para mas makilala ka pa lalo"  muli ay tanong ni Tita Francine, my manager.
Papauwi na sana ako para puntahan ang kapatid ko nang bigla ay nagtext ito at pinapapunta ako sa studio na pagma may ari nya.

Last week pa nito inopen sa akin ang offer na rumampa sa runaway,
Di ako pamfinale pero ang mapabilang sa mga rarampa sa mga  creation ng sikat na fashion designer na si Maxime ay sapat na.

Kung ako ang tatanungin ay agad agad na lilipad na ako papuntang New York pero nag aalangan ako pagkat dumadaan ngayon si Ate Nica sa malungkot na mga sandali, dahil nakipag break nga dito si Algene...dahil lang naman sa akin.
Kaya naman wala akong lakas na iopen ang balak ko sa dalawa dahil sa mga nangyari sa pagitan nina Ate Nica at Algene....

"Tita Francine,give me time to think, di ko pa kasi nasasabi yan sa Ate Nica ko----"

"Aba Maureen bilis bilisan mo dyan sa decision making mo dahil baka sa tagal mong magdesisyon ay mawala na sa iyo yun offer" kinabahan ako sa pahaging nya.

"W---what do you mean Tita Francine?" Kinakabahan na tanong ko dito.

"Balita ko kasi na inoffer din yan kay Amera" tukoy nito sa kasamahan kong modelo na kahit bago pa lamang ay lumilikha na ng ingay sa modeling world.
Di lang iilang beses na nagkasama kami sa mga stint na mas pinapalakpakan ito at lagi na ay ginagawang pamfinale.
Alam ko na di magtatagal at matatalbugan na ako ni Amera.
Ayaw ko man ipahalata pero nataranta ako sa ibinalita nito.

"Tita Francine....."

"Think wise Maureen, wag kang magpakaburo dito sa Pinas at sayangin ang magandang opportunity na mas makilala pa dahil nagdadalawang isip ka na iwan ang Ate mo, Girl maiintidihan naman siguro ng Ate mo if you want to spread your wings" payo pa nito at iniwan na ako nito.

ALGENEWhere stories live. Discover now