Chapter Two

1K 29 4
                                    

JACKIE

"Cheers!" Sigaw ni Ate Mandy at itinaas ang cocktail glass niya sa ere. Sumunod kaming apat and we click our glasses in the air. Inubos ko ang laman ng baso sa isang inuman. Napangiti ako ng maramdaman ang mainit na pakiramdam sa lalamunan ko.

"So who's up for dancing?" Tumayo si Ate Mandy. Nagsitayuan naman ang mga kasama namin kaagad. Naiwan akong nakaupo sa couch.

"Come on Jackie. Don't be a grinch now." Sabi ni Ate Mandy ng makita akong nakaupo.

"Kayo na lang. I'm not in the mood." Sabi ko. I heard her click her tongue.

"Walang ganyan kapag nasa bar. We're all here to have some fun babe." She grab my hand and pull me upward. She drag me to the dancefloor and I have no choice but to let her. Nung una ay nakatayo lang ako habang pinapanood sila na magsayaw.

"Show them what you got babygirl." Bulong ni ate Mandy kaya natawa ako ng bahagya.

Ginaya ko ang galaw nila. Moments later, we were laughing our ass off while dancing like crazy. Bumalik kami sa table at uminom ng saglit bago ipagpatuloy ang pagsasayaw. May tama na kaming magkakasama kaya para na kaming tanga na tumatawa habang nagsasayaw. The song changed and my whole body went rigid when I heard the first line.

Andiyan ka na naman ba't di ko maiwasang tumingin sa'yong liwanag.

I heard groans and complaints from some people because of the song choice.

"Ano ba yan ang corny naman." Rinig kong reklamo ng iba.

Ang iba ay nainis pero ang iba ay sumabay pa rin sa beat ng kanta. Habang ako ay napatigil at napatulala sa gitna.

That song...it reminds me of Vice. He used to sing that song for me. Sabi niya 'yan yung kanta niya for me. Emotions I tried to bury start to resurface. Parang nabuksan ang isang dam at hindi ko na napigilan ang emosyon ko.

"Oh My God! Why are you crying? Are you hurt? Okay ka lang ba Jackie?" Nag-aalala na tanong ni Ate Mandy. Hindi ako sumagot. Umalog ang balikat ko dahil sa pag-iyak.

Naramdaman kong hinila niya ako paalis sa dancefloor. Wala na akong alam sa nangyayari sa paligid ko. Ang tanging nasa isip ko ay si Vice. His eyes. His smile. His laugh. Lumakas ang hagulgol ko. I buried my face on my hands. Sunod kong naramdaman ang kamay ng kung sino na humahagod sa likuran ko.

"Nag-away ba kayo ni Tom? Jackie tell me. You're scaring me."

Umiling ako kay Ate Mandy habang nakasubsob pa rin ang mukha sa kamay ko. Naramdaman kong pinatayo niya ako at hinila paalis. Lumabas kami sa bar at umupo sa isang tahimik na lugar.

Lumipas ang ilang minuto ay hindi na malala ang iyak ko. Wala ng lumalabas na luha. Ang naririnig lang ay ang tunog ng sasakyan na dumadaan at ang panaka nakang hikbi ko. Tahimik si Ate Mandy sa tabi ko at hinahayaan lamang ako. Binigyan niya ako ng ilang minuto bago siya magsalita.

"What happened Jackie? Pansin ko ang tamlay mo these past few months. Wala na yung dating Jackie na laging nakangiti. Ano bang nangyari?" Bakas ang pag-aalala sa boses niya. Hindi ako umimik.

"Hindi kita pipilitin na sabihin sa akin Jackie pero gusto kong malaman mo na nandito lang ako. You can tell me. I won't judge kahit ano pa 'yan." Malumanay na sabi ni Ate Mandy. Her voice tempt me to open up my problem to her. Ang bigat bigat na kasi sa kalooban. Maybe it's time for me to tell this to someone.

Tiningnan ko si ate Mandy. Muli ay pumatak ang luha ko.

"Ate." I sob. Her face soften and she pull me in a hug.

"Ako ang dahilan kung bakit umalis si Vice." Umiiyak na sabi ko. I heard her gasp. Lumayo siya sa yakap at tumingin sa akin.

"What do you mean?" Gulat na tanong niya. I shook my head.

"I can't tell you what happened."

Wala akong karapatan na ibahagi sa iba ang nangyari. It's between me and Vice. Pakiramdam ko naman ayaw rin ni Vice na malaman ng iba ang nangyari five months ago. I can share the cause of his disappearance but I can't tell Ate Mandy what really happened.

"Sige naiintindihan ko. It's a private matter between you and him. Pero kung ano man ang nangyari all I can say is it's still his choice to leave Jackie. Don't take all the blame." She said, her voice gentle.

Umiling ako at pinunasan ang luhang tumulo. Suminghot ako. Hindi niya rin naman maiintindihan kasi hindi niya alam ang nagyari. We stayed for another 15 minutes bago ako ihatid ni Ate Mandy pauwi.

The next day, I woke up and I stared at the ceiling. Hindi ko maiwasang hindi balikan ang mga nangyari ng gabing iyon. I hurt him. He put his heart out infront of me but I rejected him. Lumuhod pa siya sa harapan ko pero anong ginawa ko? Sinaktan ko siya.

But one side of my head is arguing and saying, masisisi niyo ba ako kung naging totoo lang ako sakanya? Alam ko hindi naman mali na naging tapat ako sa nararamdaman ko pero hindi ko pa rin maiwasan na maguilty at magsisi sa mga nangyari nung gabing iyon. I was shocked when he confessed. Hindi ako prepared. Naguluhan ako ng sobra. Ang alam ko kasi bakla siya pero bakit siya umaamin na mahal niya ako. He caught me off guard so I said words that I didn't think will hurt him.

After I apologized, he left. I was so worried kasi lasing siya tapos nagmaneho na naman siya. I kept calling him pero patay na ang phone niya. I just prayed that he got home safe. I was planning the next morning that I will talk to him. Pag-uusapan namin yung nangyari pero hindi siya pumasok. Nagulantang na lang ako ng malaman na wala na siya. I heard the he filed a leave and no one knows where he went or when will he be coming back. After learning that he's gone, I can't help but to blame myself. Kung kinausap ko na lang kasi sana siya ng maayos. O kaya hinayaan ko muna siyang matulog at mag usap na lang kinaumagahan eh di sana baka mas naging maayos ang pag-uusap namin. Kahit ano pa ang rason at palusot ko, isa lang ang sigurado. Nasaktan ko siya.

Napabuntong hininga ako. I hope he's okay. Sana bumalik na siya para makausap ko na siya. Nasaan ka ba kasi Vice? Napahilamos ako sa mukha ko bago umupo. I drag myself out of the bed.

Pinilit kong mag-ayos kahit tinatamad ako. Matapos kong magbihis ay umalis na ako sa condo ko. Pagdating sa building ay tahimik akong naglakad sa hallway habang nakayuko at nag-iisip ng malalim.

"Jackie!" Napaangat ako ng tingin ng may tumawag sa akin. Kumunot ang noo ko ng makita si ate Mandy na humahangos papalapit sa akin.  Huminto ako sa paglalakad at hinintay siyang makalapit sa akin.

"Anong problema Ate?" Sabi ko sakanya ng makalapit siya. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. I can't read her expression. It's a mixture of excitement and nervousness.

"He's coming back. Vice is coming back."

Worth The Risk (Book 2) [COMPLETED] Where stories live. Discover now