Chapter Twenty Nine

726 26 19
                                    

VICE

"Wala pa rin bang balita?" I ask Vhong as I paced around my living room. It's been 15 minutes since Rachel drop the bomb and left. I instantly got worried after she said that.

"Wala daw eh." I ask Vhong to text someone at the studio kung meron ba si Jackie doon.

"Bakit hindi na natin I-report sa police? What if something bad happened to her?" I ask him with a panic look. Tumayo siya at tinapik ang balikat ko.

"Calm down. Hindi pa natin pwede i-report kasi hindi pa naman 24 hour missing si Jackie." Sabi ni Vhong. I can't sit still and wait. Hangga't hindi ko nalalaman kung safe si Jackie, hindi ako matatahimik. Kinalikot ko ang phone ko at pinindot ang call button ng makita ang pangalan ng hinahanap ko. I cursed when he didn't picked up. Tangina bakit ngayon pa siya hindi sumasagot kung kailan kailangan ko siya. Kung hindi kami makakahingi ng tulong sa mga pulis then I'll do this myself.

"Tara sa kusina. Drink something to calm your nerves. Ako yung nahihilo sa'yo kakalakad mo." Vhong told me and drag me towards my kitchen. Pinaupo niya ako sa stool at kumuha ng tubig sa fridge. I'm still busy typing on my phone. I send my private investigator a text na he should call me once he read it and that it's urgent. Pinatong ni Vhong ang baso na may lamang malamig na tubig sa harapan ko.

"Drink up." I sigh and grab the glass. Uminom ako at binaba ang walang laman na baso sa granite counter. Pagkatapos ay napasabunot ako sa buhok ko. I can't help but to blame myself. Kasalanan ko ito. Mukhang nabasa ni Vhong ang iniisip ko dahil lumapit siya sa akin.

"Brad don't blame yourself. Wala namang may gusto sa nangyari. Don't overthink okay? Malay natin gusto niya lang mapag-isa. Let's wait for updates. Magpapakita rin si Jackie." Sana nga. I hope that Jackie just want to be alone. I hope she's safe. Bumuntong hininga ako. May punto naman si Vhong. Baka nga nag ooverthink lang ako.

"You're right. I just can't help to be worried. Hindi naman kasi ganun si Jackie. She always updates about her whereabouts."

Well except when she lied to me when she's meeting up with Tom. Ayaw niya ring pinag-aalala ang mga mahal niya lalo na si Tita.

Shit.

Si Tita. Alam niya na kaya? I'm sure she hates me now because I hurt her daughter. Naalala ko pa noon yung sinabi ni Tita na alagaan ko si Jackie and that she's happy knowing she have me to look after her daughter when she's not around. Siguro wala ng tiwala si Tita sa akin ngayon. Sinaktan ko ang anak niya tapos ngayon hindi pa alam kung safe ba siya kung nasaan man siya. I failed to take care of her precious daughter. Dumoble ang pagkamuhi ko sa sarili ko at mas lumalim ang kagustuhan kong malaman kaagad kung nasaan si Jackie. I don't want Tita to be worried too.

At that exact thought, my phone rang. Mabilis ko itong hinawakan. Sinagot ko kaagad ng makitang ang private investigator ko ang tumatawag.

"Hello Ma'am?—" Bungad niya but I cut him off quickly.

"It's sir and I want you to do something." I said to him. I heard him cleared his throat.

"Uh yes sir. Sure. What's it all about?"

"Jackie is missing and no one knows where she is. She started missing yesterday. I don't care how you'll do it but I want you to find her immediately. Don't disappoint me Sid." Madiin na utos ko sakanya.

"Copy that sir. I'll update you as soon as I've got some information."

"Good. Thank you." I hung up and clutch my phone tighter. I just have to wait. Yun na lang ang tangi kong magagawa ngayon. Ang maghintay.

"Habang naghihintay do you wanna drink to calm your nerves?" Vhong suggested. I know he's talking about whiskey or beer so I sent him a glare. He immediately lift his arms in the air.

"Sabi ko nga juice lang." Sabi niya at kumuha ulit ng juice.

"If you don't mind me asking, ano ba talagang nangyari? Anong pinag-awayan niyo?" I heard Vhong ask cautiously.

Hindi naman ako galit sa tanong niya. Ever since si vhong naman na talaga ang pinaglalabasan ko ng mga problema ko. He knew almost all of my problems. Kahit tarantado siya madalas sa akin, maasahan naman sa pagbibigay ng advices. Kaya nga mas close kami eh.

"She lied to me. And when I confront her about it, she said she's just protecting me and my career. Syempre nasaktan ako. She did things behind my back. So I told her she doesn't trust me. Hanggang sa may mga bagay na akong nasabi." I sigh in regret when I remembered that night. I left the part about Tom blackmailing her. Napakuyom ang kamao ko. Speaking of that asshole. Kapag mahanap lang namin si Jackie at maayos namin ang problema namin I'll get back to him. I'll show him who he's messing with. Kaya pala ang yabang yabang niya noong nagkita kami one time sa studio. Tingin niya ba mas lamang siya sa akin? Well hanggang pangarap niya na lang iyon. Hinding hindi niya kami masisira ni Jackie.

Nakita kong tumango si Vhong. Alam kong gets niya na iyon kahit hindi full details ang kwento ko.

"She's just protecting you naman pala eh. I get it you're hurt because she lied. But brad you should have think hard about her intention. She really loves you. Nag-aalala siya sa career mong matagal mong pinaghirapang abutin."

I sigh and rake my hands through my hair in frustration.

"I know. I'm an asshole. Na-trauma lang siguro talaga ako sa mga past relationships ko na ayaw ipasabi sa iba ang about samin. Iyon ang unang pumasok sa isip ko kaya hindi ko na alam kung anong mga nasabi ko."

"Naiintindihan ko—"

Hindi na natapos ni Vhong ang sasabihin niya ng muling tumunog ang phone ko. I quickly grab it and answer Sid's call.

"Yes? Any news?"

"Yes sir. I tracked her phone's gps."

Shit oo nga bakit hindi ko naisip iyon.

"And?" I urge him to continue. I held my breath in anticipation.

"She's located at Davao Sir. Specifically at a resort in Don Marcelino."

I gasp. Hearing the location, I immediately know who's she with.

(a/n: sa tingin niyo paano ang ending neto? any guess?

p.s. last update na ito for now sinusulat ko pa lang next chap so wag kayo magmadaliiii hahahaha)

Worth The Risk (Book 2) [COMPLETED] Where stories live. Discover now