Chapter Seven

987 23 2
                                    

JACKIE

Pinanood ko si Daphne habang nagsasayaw. Sinundan ko ang bawat galaw niya habang tinitingnan kung tama ang mga steps niya. Maya maya ay bigla siyang tumigil at napapadyak.

"Argh! Hindi ko talaga makuha 'yung part na 'yon." Inis na sabi niya. Natawa ako ng bahagya. Mukhang stress na stress na kasi siya. Eh wala pa nga kaming 30 minutes na nagsimulang mag-rehearse. Tiningnan niya ako.

"Bebe turuan mo nga ako dali."

Tumayo naman ako kaagad at nilapitan siya. Tumigil ako sa tabi niya at sinayaw ang part na nahihirapan siyang sabayan.

"Itaas mo yung kamay mo sabay sa paghakbang nung kaliwang paa patalikod. Paharap kasi 'yung sa'yo eh kaya nahihirapan kang mag-transition sa next steps." Paliwanag ko habang pinapakita sakanya ang sinasabi ko.

"Ah! Kaya naman pala." Sambit niya ng makuha ang tinuturo kong steps.

"Try mo." Sabi ko at pumunta sa harapan niya para panoorin siya. Ginawa naman niya kaagad.

"Yes! Thanks Jackie!" Tuwang tuwa na sabi niya nang tuluyan na niyang makuha ang steps. Napahalakhak na lang ako ng mahina.

Sa sumunod na steps ay sumabay na ako sakanya sa pagsayaw. Nakita kong dumating na si Ate Mandy kaya tumigil ako saglit at nginitian siya. Nilapitan niya kami kaagad.

"Sorry late ako. Hinatid ko pa kasi si Bullet." Paliwanag niya. She kissed me on the cheeks at sunod naman ay si Daph. Tiningnan ko ang oras sa relo ko. Saktong 8 pa lang naman.

"Sakto lang pasok mo ate. Wala pa naman si Ate Tina." Sabi ko sakanya. Mukhang nakahinga naman siya ng maluwag. Strikto kasi si Ate Tina sa time ng rehearsals namin at kung nale-late kami ay makakakuha kami ng halos 10 minutong sermon. Buti na lang dalawang beses ko pa lang naman naranasan ma-late. Sinasanay ko na rin kasing maaga pumapasok para 'di ako maabutan ng traffic. Ibinaba ni Ate Mandy ang dala niyang bag sa bleachers bago lumapit ulit sa amin.

"Himala late siya." Komento ni Ate Mandy. Nagtaka rin ako ng makitang malapit ng mag 8 am pero wala pa rin siya. Maaga kasi si Ate Tina na pumapasok lagi. Kumibit balikat ako.

"Siguro na-traffic." Sambit ni Daphne. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

"Nasaan pala 'yung iba? Bakit dadalawa kayo?" Tanong ni Ate Mandy.

"May kinuha sila sa stocked room Ate." Sagot ni Daphne.

Natigil ang usapan namin ng makita si Ate Tina na papalapit. Kasunod na niya yung mga kasama namin. Nagsalubong ang kilay ko ng may mapansin na isang hindi pamilyar na babae na sumusunod rin sakanya. Napatulala ako ng makita yung mukha ng babae. Ang ganda niya kasi. Lumapit si Ate Tina sa amin. Pumwesto naman kami kaagad at humarap sakanya dahil na-sense na namin na may iaannounce siya.

"Goodmorning girls. Kumpleto na ba kayo?" Pagsisimula niya. Agad namang naglibot ang mata ko sa mga kasamahan ko. Halos lahat kami ay nagbilang at tumingin kung may kulang pa. Wala pa si Yuri. Lagot.

"Wala pa si Yuri ate Tins." Sagot ni Chloe. Nakita kong bumuntong hininga siya sa narinig.

"It's okay. Isa lang naman. I just want to announce something. I'd like you to meet Karen Crisostomo. Girls, she's a new showtime dancer."

Dancer siya?? Muntik pa malaglag yung panga ko sa narinig ko. Pwede na kasi siyang pumasa bulang artista dahil sa ganda niya. Siguro may lahi siya. Her features are sharp. In my guess, she's half Aussie. Ngumiti siya ng pagkatamis tamis sa amin bago magpakilala.

"Hi! My name is Karen. Nice to meet you all."

Unang lumapit si Ate Mandy at sinundan ko naman. Nang natapos kaming magpakilala sa isa't isa ay bumalik na kami sa practice. Mabilis lang namin nakapalagayan ng loob si Karen dahil mabait naman siya at mapasensiya habang tinuturuan namin siya ng mga steps. Madali rin niyang makuha ang mga steps kaya hindi kami nahirapan. After 1 hour, natapos ang rehearsal. Nagtipon kami ulit para makinig sa sasabihin ni Ate Tins.

Worth The Risk (Book 2) [COMPLETED] जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें