Chapter Four

960 25 0
                                    

JACKIE

"Ay shet!" Gulat na sigaw ni Chloe ng malaglag ko ang make up kit niya. Pinapaabot niya kasi sa akin but because of my shaking fingers, I dropped it. Lumuhod ako at pinulot isa isa ang mga nahulog na gamit. Mabilis niya naman akong dinaluhan.

"Sorry sorry." Hinging paumanhin ko sakanya. Tinulungan niya akong magpulot. Tumayo kami ng sabay ng mapulot namin lahat.

"Sorry talaga Chloe." I said again, with an apologetic voice.

"It's fine. Mukhang ikaw ang hindi. Are you okay? Kanina ka pa namin napapansin na balisa." Komento niya habang nakatingin sa akin. She had a worried look on her face. I rake my fingers through my hair and nod.

"Okay lang ako. Kulang lang 'to sa tulog."

The second sentence is not a lie but the first one..

"Sigurado ka ha?" Worried pa rin na tanong niya. Tumango ako at ngumiti. Sana hindi niya makita sa ngiti ko kung gaano ako kinakabahan. Nakumibinsi ko naman si Chloe na okay lang ako kaya pumunta na ako kung nasaan nakalagay ang gamit ko. I can feel Ate Mandy's gaze at me. Maya maya ay napansin ko na lumapit na siya sa akin.

"Hey." She said gently. Nilingon ko siya at nginitian.

"You look bothered. Dahil ba ito sa sinabi ko kahapon?"

Natigilan ako. Naalala ko kasi ang sinabi niya sa akin. He's coming back. Iyan lang ang laman ng isip ko kagabi kaya hindi ako nakatulog ng maayos. Ngayon naman ay balisa ako at kanina pa natutulala. Oo gusto kong bumalik siya but I was also dreading for this day to come. Bumuntong hininga ako para kahit papano ay kumalma ako. There's no need to hide the truth to Ate Mandy kaya tumango ako sakanya.

"I'm nervous and scared ate. Paano kung..paano kung galit siya? Or worse what if h-he hates me?" She must have seen the fear in my eyes because I saw how her expression melted. Yung klase ng tingin niya ay nagsasabing naaawa siya sa sitwasyon ko.

"Don't think like that. Hindi naman ganoon si Vice. Huwag mong pangunahan yung mga mangyayari Jackie. Maybe he's okay now. Months have passed at baka kaya babalik na siya kasi nakalimutan na niya yung nangyari." Hindi nagawang kalmahin ng mga salita ni Ate Mandy and nararamdaman ko.

Napaisip ako na paano kung tama siya?

Five months had passed. We don't know what happened to him for the past five months or if he's still the same Vice. Natatakot ako. Makikita ko na siya mamaya. The muscles on my stomach constricted at that thought. Makikita ko na siya. Simula ng malaman ko kay ate Mandy na babalik na siya ay hindi na ako kumalma. Kinakabahan ako ng sobra. I was feeling antsy the whole night. I don't know what to expect. I'm so afraid that once he's here, he'll ignore me. I have a strong feeling that he's angry at me. Or maybe he already hates me because I hurt him. Galit ako sa mga taong nanakit sakanya dati pero anong ginawa ko? Sinaktan ko rin siya.

"Oh My God guys!!" Pasigaw na bungad ni Daphne sa amin ng pumasok siya sa dressing room. Lahat kami ay napatingin sakanya. Her eyes are wide and she's panting heavily.

"Ano? Bakit anong nangyari?" Nag-aalala na tanong ni Hannah sabay lapit kay Daph.

"Omg!! You would not believe kung sinong nakasalubong ko sa hallway!!" Excited at tuwang tuwa ang tono ng boses niya kaya nawala naman ang kaba ko. Akala ko kasi may nangyaring hindi maganda.

"Sino? International artist ba?" Nanlalaki ang matang tanong ni Chloe at mukhang excited na rin malaman ang sagot ni Daphne.

"Noooo. It's none other than Vice Ganda!!!"

*****

"Nasa dressing room pa ata niya siya." Sabi ni ate Mandy sa akin ng makita akong nagpapalinga linga sa paligid. I was fidgeting my fingers while looking everywhere. Nasa backstage na kasi kami at naka standby dahil magsisimula na ang show in a few minutes. Rinig ko na lalabas si Vice after ng theme song. Akala ko nga may prod siya tutal kababalik niya pero hindi raw pumayag si Vice. Tiningnan ko si ate Mandy na nakatitig sa akin. Bumuntong hininga ako at hindi nagsalita.

"Umayos ka na. Magsisimula na." Bilin niya sa akin kaya humarap naman na ako.

Narinig namin ang intro song at ang boses ni dj mod. Maya maya pa ay bumukas ang center stage at isa isa na kaming lumabas. I was distracted the whole prod dahil nasa isip ko pa rin na makikita ko na si Vice. May mga mali akong steps pero mabuti na lang nasa likod ako ng part na yun kaya hindi naman pansin siguro. Matapos ang sayaw namin at sayaw ng hashtags ay pumunta na kami sa madlang pipol para sa theme song.

Pagkatapos ng theme song ay pumwesto kaming mga dancers sa gilid. Lahat kami ay nakaabang at nanonood sa mga susunod na mangyayari. Mas dumoble naman ang kaba ko dahil ito na ang part na lalabas na si Vice. Lahat ay maingay dahil alam na nila ang susunod na mangyayari.

"I know we're all waiting for this day to come. Ilang buwan din natin siyang hinanap at namiss. And now he's back!!" Tumigil ng saglit si Kuya Vhong at hinayaang tumili at sumigaw ang madlang pipol. Ang mga katabi ko ay sigaw na rin ng sigaw. Lahat ay excited. Samantalang ang nangingibabaw sa akin ay kaba.

"Alam kong lahat ay hindi na makapaghintay so hindi ko na patatagalin pa. Let's all welcome back, our horsey, our meme, the one and only..VICE GANDA!!!"

I stop breathing as I stared at the center stage, waiting for it to slide open. Parang slow motion na bumukas ang gitna. And there he is. Standing and smiling at the audience. I don't know what to feel when I finally saw him. He's really back. Nag-ingay ang lahat sa studio. Nanatili akong tahimik at hindi makahinga sa kinatatayuan ko. Nagsimula siyang maglakad papunta sa gitna, my eyes never leaving him. I'm afraid that he'll disappear once I look away. Mabilis siyang nilapitan ng mga kasama niyang hosts at niyakap siya.

"Oh My God!!!! Ang gwapo!!!" Kinikilig na sabi ng katabi ko.

Tinitigan ko si Vice. But it's not like tinanggal ko ang tingin ko sakanya. Looking at him, he's still the same Vice. No. Erase. He looked like the Vice I first met. Malakas pa rin naman ang dating niya pero...his clothes and hair. Ibinalik niya ang dati niyang look at pananamit. Nung naging magkaibigan kami ay pansin ang pagbabago sakanya noon. Naka pedal shorts siya palagi at simpleng shirt noon. Maiikli ang mga wig na gamit niya at minsan pa nga ay hindi na siya gumagamit. Light din ang make up niya.

Pero ngayon...

Nakasuot siya ng palda. Ang wig niya ay medyo mahaba at abot hanggang balikat niya. Makapal rin ang make up niya. He looks like the Vice I met when I started working at It's Showtime. The Vice I'm scared to approach. Yung Vice na hindi ako napapansin. Yung Vice na hindi ko maabot. And it scared the hell out of me because I know, hindi nga siya nagbago pero bumalik naman siya sa dating Vice na hindi ko kayang lapitan at Vice na hindi ako kilala.

I can feel the fear and uncertainness starting to creep into me. Tinitingnan ko pa lang siya pero hindi ko na alam ang gagawin ko. Heck! Hindi ko nga alam kung paano siya lalapitan.

It's like starting over again.

Worth The Risk (Book 2) [COMPLETED] Where stories live. Discover now