Chapter Eighteen

1.2K 32 4
                                    

JACKIE

Ramdam na ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. Parang nararamdaman ko na naman 'yung naramdaman ko noong unang araw ko sa Ms. Q and A. Ilang beses na akong huminga ng malalim pero hindi pa rin kumakalma ang pintig ng puso ko. Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko iyon ginawa. Sinilip ko kung maayos ba ang itsura ko o kung may lagpas na lipstick. Wala namang pangit o lagpas sa make up ko pero hindi ako mapakali. My phone chimed for a message. I grasp my phone and unlock it. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita na galing sakanya ang text. Binuksan ko ito at binasa.

I'm already outside.

Napangiti ako at sinara ang phone ko. Huminga ako ng malalim bago muling tumingin sa salamin. Inayos ko ang buhok ko bago abutin ang pouch ko. Sinigurado kong naka-lock na ang condo ko bago humakbang paalis. Pero napatigil rin ako kaagad ng makita ang hallway. Bumalik sa alaala ko ang nangyari noong isang gabi. Six months ago, all I can see is the awful memory of the night I broke his heart but looking at it now, ang naalala ko lang ay ang aminan na nangyari sa pagitan namin noong isang gabi. We manage to change the bad memory into something good and memorable. Napangiti ako bago itinuloy ang paglalakad. Nang makababa ako sa lobby ay binati ako ng guard ng pagbuksan ako ng pinto. I smiled at him before stepping outside.

My eyes immediately roam around to find him. I saw his car first. Bumukas ang pinto sa driver side at lumabas siya. Hindi ako nakahinga ng maayos ng makita siya. Binigyan niya ako ng isang makalaglag panty na ngiti. Gosh. Naka-simpleng hoodie lang naman siya at pantalon pero bakit ang gwapo gwapo niya tingnan? Binuksan niya ang pinto at inihilig ang ulo patungo dito. He's gesturing for me to go near him and get in the car. Ngumiti naman ako at lumapit sakanya.

"Goodmorning." He greeted in a deep voice. Napalunok ako ng marinig ang boses niya. I smile shyly at him. I heard him chuckle. Inalalayan niya ako papasok bago isara ang pinto sa gilid ko. Umikot siya at pumasok sa kabila. Tiningnan niya ako.

"Put your seatbelt on." Paalala niya bago paandarin ang kotse.

Tinitigan ko siya. Naka-shades siya at medyo magulo ang buhok niya. Wala siyang make up at mas gusto kong makita siyang ganito. He look casual but still dashing. He suddenly look at me. Namula naman ang pisngi ko dahil nahuli niya akong nakatitig sakanya. Umiwas ako ng tingin at tumikhim. Narinig kong bahagya siyang natawa.

"Saan mo gustong mag-breakfast?" Tanong niya. Umiling ako sakanya.

"May usapan kami ni Ate Mandy na kakain kami sa labas bago pumasok." Kumunot ang noo niya sa sagot ko. Panandalian lang 'yon dahil ngumiti naman siya ulit.

"Alright. But atleast let me buy you a coffee. Okay?" Sinulyapan niya ako saglit bago ibinalik ang tingin sa daan. Tumango ako.

"Okay." Tipid na sagot ko. Tumingin ako sa labas at nilaro ang daliri ko. I heard him yawn and that caught my attention. I averted my eyes back to him.

"Sabi ko naman sa'yo huwag mo na ako ihatid eh. Ang aga pa naman ng pasok ko." I softly said to him. May rehearsal kasi kaming mga dancers every morning at alam iyon ni Vice pero nagpumilit pa rin siya na ihatid ako. Ewan ko ba sakanya eh alam ko pa namang lumabas sila kagabi nila Ronnie. Malamang puyat siya.

"Don't worry about me. I want to do this so just let me, okay?"

I'm suddenly out of breath with the intenseness of his voice and eyes. His expression's telling me that he really want to do it and my heart melt with that. Tumango ako bago umiwas ng tingin. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kailan kaya ako masasanay na ganito na kami ngayon? Bumalik na kami sa dati naming samahan at masaya ako doon. Masayang masaya ako. Ang naiba lang ngayon ay mas pinapakita na namin sa isa't isa ang nararamdaman namin. Mas nakikita ko na ang pagka-maalaga ni Vice sa akin na hindi ko napapansin noon. My heart is in a joyous state because everything is going right and smoothly in my life right now. I'm finally with the guy I love.

Worth The Risk (Book 2) [COMPLETED] Where stories live. Discover now