Kabanata V

20.8K 954 321
                                    

Etros Laviano

Ibinaba ni Etros ang baso na naglalaman ng whiskey, narito sila ngayon sa condominium niya at nilulunod ang sarili sa alak. Narito rin ang dalawa niyang kaibigan at dindamayan siya sa pag-inom. Napatigil ang kaibigan niyang si Kyle sa pagsasalin ng alak sa baso nito nang sunod-sunod na ang pagtagay na ginawa ni Etros, ubos na rin ng isang bote ng whiskey. Marahas na ibinaba ni Etros ang babasaging baso sa lamesang yari sa salamin. Lahat sila'y napatigil. Kanina pa nila napapansin na tila ba lutang ang kaibigan, alam naman nila na may problema ito pero kahit kailan ay hindi nila nakita na nagkaganito si Etros— ngayon lang.

Kanina pagkatapos ng klase ay kaagad silang inaya ni Etros na uminom. Hindi naman masyadong pala inom si Etros, ngayon lang nila itong nakita na halos magpakalunod na sa alak. Hindi nillam niya na ang rason kapag nag-aya itong uminom. Mukhang problemado talaga ito ng dahil sa laro na 'yon. Hindi naman nila aakalain na magkakaganito ang kaibigan dahil sa pagsali sa larong iyon. It was just a game afterall. Pero mukhang hindi lang basta-basta ang laro na 'yon para kay Etros.

"Hindi mo pa rin ba nahahanap?" Tanong ni Kyle. Ipinagpatuloy nito ang pagsasalin ng alak sa baso.

Hinintay nilang sagutin ni Etros ang tanong ni Kyle ngunit napabuntong hininga na lang sila nang hindi ito sumagot. Sanay naman sila.

"Bakit ba kasi hinahanap mo pa 'yong taong 'yon?" dagdag ni Mark, isa rin sa mga kaibigan niya.

Nanatiling tahimik si Etros. Ibinaba ni Kyle ang hawak bago titigan ang problemadong kaibigan. Mukhang wala itong ibang gagawin kundi ang uminom ng uminom. Akmang magsasalin sana ito ng alak nang agawin 'yon ni Mark atsaka ibinigay kay Kyle. Inis naman silang tiningnan ni Etros.

"Tapatin mo nga ako, Et." Kyle said. "Ano ba ang rason kung bakit mo siya hinahanap? Laro lang 'yon. You can choose whether you'll find him or not."

Sumandal si Etros sa sandalan ng sofa. Hinawi pa nito paitaas ang buhok habang naiiling.

"It's not just a game, Kyle." Etros murmured.

"Bakit pinili mong hanapin siya kahit na pwede mo namang hayaan na lang."

Nahihibang na tumawa si Etros. Iyong klase ng tawa na nababakasan pa rin ng problema at lungkot. "Dahil sinasabi ng puso ko na dapat ko siyang hanapin, na kailangan ko siyang hanapin." Ilang beses nitong dinuro ang dibdib kung nasaan ang puso niya.

"Huwag mo ng hanapin. Lalaki lang 'yan. Marami pa diyan sa paligi—"

"I don't need them. Siya lang, siya lang ang gusto ko. Siya lang ang isinisigaw ng puso ko."  Putol ni Etros sa sinasabi ng kaibigan.

Saglit na naghari ang katahimikan sa pagitan nilang tatlo. Inis na napahilamos si Etros sa sarili. Hindi siya susuko. Hahanapin niya ang taong 'yon.

Mag ba-back out na sana siya noong malaman niya na ipapares siya sa lalake, pero hindi niya itinuloy dahil isa itong dare. He's a Laviano kaya pinanindigan niya ang pagsali sa laro na hindi rin naman niya pinagsisihan. Nang mahawakan pa lang niya ang nakapares ay kaagad ng bumilis ang pagtibok ng puso niya na kahit kailan ay hindi niya naramdaman sa mga babae at lalaki nakapaligid sa kanya. When he snaked his arms on his waist, doon mas umusbong ang kakaibang pakiramdam. Hindi lang ng katawan niya, kundi pati na ng puso niya. Hindi libog ang nararamdaman niya, kundi pagmamahal. When he heard his voice. He felt something different. It make his heart went crazy, at the same time, hearing his voice calms him. He felt safe and warm.

Hindi na niya napigilan ang sarili at agad itong hinalikan. Doon niya napagtanto kung ano nga ba ang nararamdaman niya. He wants him, he needs him. Gustong-gusto na niyang tanggalin ang blindfold na isinuot sa kanya. Gusto niyang makita ang mukha nito. Gusto niya ulit itong mahawakan at mahagkan. But it was too late when he remove the blindfold. Wala na ang lalaking nakapares niya. Wala na ito sa harap niya.

Kissed by the King (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon