Kabanata VII

18.6K 834 220
                                    

Alexis Garcia

Pabalik balik na naglakad si Alexis sa loob ng silid niya. Hindi siya mapakali. Masyadong nababagabag ang puso at isip niya. Inis niyang ibinagsak ang saeili sa higaan. Kinuha niya 'yong unan bago ito itaklob sa ulo niya atsaka sumigaw.

Hindi siya makapaniwala, parang ang hirap paniwalaan. Bumangon siya. Gusto siya ni Etros. Paano siya nagustuhan ni Etros gayong hindi naman siya nito kilala ng lubos, saglit pa lang siya nitong nakilala at atsaka lang nito nalaman ang existence niya kaya paano nangyari iyon? Paano na ang paghahanap nito sa nakapares sa laro: sa kanya? Dapat ba
niyang paniwalaan ang sinabi ni Etros sa kanya? Dapat ba niyang paniwalaan ang sinabi ng nurse sa kanya noon na kaya hinahanap ni Etros sa laro dahil sa gusto niya ito? Kung ganun bakit sinabi ni Etros na gusto siya nito? Ano ang dahilan? Impossible naman na malaman nito na siya ang nakapares--- napatigil si Alexis. Hindi kaya... umiling siya. Impossible, naging maingat siya kaya impossible na malaman ni Etros na ang nakapares nito sa laro ay walang iba kundi siya.

Hinubad ni Alexis ang suot na uniporme atsaka ito inilagay sa basket ng mga labahin. Inis ulit na humiga si Alexis. Itutulog niya na lang ito para pag gising niya ay nakalimutan niya na ang nangyari: sana ng makalimutan niya… sana.

Alas sais ng gabi nang gisingin siya ng kanyang ina. Inutusan siya nito na ountahan ang tiya niya na nasa Mall
malapit sa kanila para kuhanin ang ibibigay nito. Inaantok siyang bumangon. Naghilamos siya pagkatapos ay agad na nagbihis. Simple lang ang suot niya dahil malapit lang naman ang mall, kalahating oras lang ang itatagal ng byahe papunta sa Mall kaya hindi na niya kailangan pumorma. Isa pa
kukuhanin niya lang naman ang ibibigay ng tiya niya.

Mabuti na lang at may Jeep na dumaan pagkalabas na  pagkalabas niya ng gate, pinara niya 'yon at kaagad na sumakay. Rush hour ngayon kaya hindi na nagtaka si Alexis nang matraffic sila. Nang mag green na ang stoplight ay agad
na umandarang jeep. Naging maluwag na ang byahe paglagpas ng stoplight kaya hindi rin nagtagal ay nakarating na siya sa mall.

Maraming estudyante ang nasa loob ngayon ang iba ay mula sa unibersidad nila dahil malapit lang 'yon dito at tambayan na nila ang mall sa tuwing matatapos ang
klase. Nilabas ni Alexis ang cellphone nang tumunog 'yon. Tumatawag ang tita niya. Agad niyang sinagot ang tawag.

"Hello po tita?"

[Pangkin, sa kainan na lang sa tapat ng starbucks na
lang tayo magkita. Bumalik ako sa parking lot para ilagay
na ang mga pinamili ko.]

"Sige po tita." Sagot niya rito bago ibaba ng kanyang tita
anf tawag.

Agad na tinahak ni Alexis ang daan papunta sa starbucks. Kabisado niya ang mall lalo na't ito anf kinalakihan niyang mall kaya hindi na siya nahirapan na hanapin kung nasaan
ang meeting place nila ng kanyang tita. Hindi rin nagtagal ay nakarating na siya sa meeting place. Akmang papasok sana siya sa loob ng kainan nang may mahagip ang mata niya
mula sa loob ng starbucks. Pamilyar na bulto.

Binitawan niya ang handle ng pinto at humakbang palapit sa starbucks. Hindi siya pumasok sa loob dahil kitang kita niya naman ang nasa loob dahil sa pader na yari sa salamin. Naningkit ang mata niya nang matitigan ang taong iyon. Kaya pala pamilyar na pamilyar sa kanya ang bulto ng alaki dahil si... Etros 'yon. Naka upo ito at abala sa pagsimsim ng kape mula sa cup. Lumipat ang tingin ni Alexis sa babaeng nasa harapan nito.

Nanikip ang dibdib ni Alexis sa nakita. May kasama itong babae. Nababakasan ng sakit ang mga mata ni Alexis habang nakatingin sa dalawa. Kitang kita niya kung papano ngumiti si Etros sa tuwing kinakausap nito ang babae. Napahawak si
Alexis sa dibdib niya kung nasaan ang kanyang puso. Nasasaktan siya sa nakikita niya, he felt betrayed. Gustong humakbang ni Alexis palayo sa dalawa, pero hindi niya magawa, He remained standing and staring at them.

Kissed by the King (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon