Kabanata VI

17.3K 975 218
                                    

Alexis Garcia

Pabalik-balik ang tingin niya sa suot na wrist watch. Umaasa na maagang tatapusin ng prof nila ang klase para hindi siya maabutan ni Etros. Nitong mga nakaraang araw kasi ay palagi na itong naka-abang ss labas ng room nila. Palagi siyang hinahantay— no, sinusundo siya. Hindi na rin siya makasabay sa kaibigang si Paulo at dahil ulit iyon kay Etros. Maging sa lunch break at uwian ay sila na ang magkasabay.

Nagtataka na nga ang ibang estudyante sa kilos ni Etros. Alam ni Alexis na pinag-uusapan na sila ng mga estudyante kaya mas lalo siyang kinakabahan. Paano kung iba pala ang iniisip ng mga ito? Paano kung makarating sa mga Laviano ang ginagawa ng anak nila?

Napangiwi si Alexis nang humapdi ang ibabang labi niya. Hindi niya namalayan na nakagat niya pala ito.

"Okay, class dismiss."

Hindi na nag-aksaya ng oras si Alexis ay kaagad ni dinampot ang mga gamit na nasa lamesa. Hindi na siya nag-abalang ilagay ito sa loob ng bag niya. Inunahan na nga niyang lumabas ang prof nila at wala siyang pakialam kung ano man ang isipin nito. Hindi siya pwedeng maabutan ni Etros. Nakahinga siya ng maluwag nang walang makitang Etros sa hallway. Habang naglalakad siya papunta sa library ay inisa-isa na niyang ilagay ang mga gamit sa loob ng bag.

Paminsan-minsan ay napapalingon siya. Nagiging paranoid na kasi siya. Ibinaba niya ang hood ng jacket para matakpan ang mukha niya. Para iwasan ang mga nakasunod na tingin sa kanya.

Paliko na sana siya nang may tumawag sa kanya. He knows that voice, kilala niya ang may-ari ng mala anghel na boses na iyon.

"Trina." Nakangiti niyang bati rito.

Ngumiti naman sa kanya ang dalaga. Si Trina ang isa sa mga kaklase niya noong 1st year at 2nd year na hanggang ngayon ay kaibigan niya pa rin. Matagal niya rin itong hindi nakita dahil busy sila sa mga kanya-kanyang schedule.

"Alexis, kamusta?" Trina gave him a charming smile.

"Ayos naman. Medyo busy." Pinagpatuloy nila ang paglalakad.

"Buti ka pa medyo. Ako kasi busy talaga. Nakakainis kasi 'yong pinag ojt-han ko last month. Ang dami pang pakulo." Ngumuso ito bago ipulupot ang kamay sa braso niya.

Naiiling na tinawanan ni Alexis ang kaibigan. Hindi naman siya naiilang sa ginawa nito. Sa katunayan ay sanay na sanay siya kay Trina. Minsan ay napagkakamalan silang may relasyon pero magkaibigan lang talaga sila.  In fact, she knows that he likes Etros— back then. Si Trina at Paulo ang naging karamay niya noon nang mawasak ang puso niya.

"Balita ko umaaligid daw sa 'yo si Etros. The mighty King." Pang-aasar nito sa kanya.

Sinundot-sundot pa nito ang tagiliran niya. Namula naman ang mukha niya sa ginagawa nito.

"Kayo na ba?"

Umiling siya. "H-hindi ah. Kumain na nga lang tayo. My treat."

"Asus, change topic ang kaibigan ko. Pero sige, since libre mo hindi na muna kita aasarin." Aniya bago siya yakapin.

Nakayakap lang ito sa braso niya habang tinatahak nila ang daan papunta sa cafeteria. Medyo nag-aalala nga siya dahil baka makita sila ni Etros pero inisang tabi niya na lang ang pag-aalala. He texted Paulo. At sinabi rito na papunta sila ni Trina sa cafeteria. Nainis nga siya nang makatanggap siya ng "K" dito.

Nauna sila sa cafeteria, hindi rin nagtagal ay nakita na nila si Paulo na tumatakbo papunta sa lamesa nila. May nakasapak nanaman na lollipop sa bibig nito.

"Anong gusto mong kainin, Trina?"

Ngumisi ito. "Ikaw?"

Natawa si Paulo sa sinabi ni Trina, habang siya naman ay napapailing na lang.

Kissed by the King (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon