Wakas

19.2K 893 193
                                    


Alexis Garcia

"Sino ba kayo?! Anong kailangan niyo sa akin?!"

Panay ang sigaw ni Alexis sa mga taong dumukot sa kanya. He even kept on kicking his feet. Kung hindi nga lang nakatali ang kamay niya ay sa malamang pinaulanan na niya ng suntok ang mga ito. Ni isa sa mga tao na nasa van ay walang nag salita. Ang tanging maririnig mo lamang sa loob ay ang pagsigaw ni Alexis.

Huminto ang sinasakyan nilang van, senyales na narating na nila ang patutunguhan. Mas lalong nagpumiglas si Alexis sa pagkakahawak sa kanya ng mga lalaki. Ilang beses din niyang sinubukang muli na kalasin ang tali sa kamay niya, ngunit nabigo siya. Dalawang lalaki ang umalalay sa pagbaba niya. Wala siyang palag sa mga ito, ang laki naman kasi ng pinagkaiba ng katawan nila sa katawan niya.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Atsaka lamang siya binitawan ng dalawa nang makapasok sila sa loob ng silid. Alexis felt the coldness of the room. Nag panic siya nang marinig ang papalayong yabag ng mga lalaking dumukot sa kanya, muntik pa siyang madapa nang akmang susundan sana ito. Narinig niya na lang ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Bumibilis ang pagtibok ng puso niya, maski ang paghinga niya. Ano bang kailangan sa kanya ng mga 'yon? Bakit dinukot siya?

"Pakawalan niyo ako!" Sigaw niya.

He can't see anything because of the blindfold. Pilit niyang inaalis ang pagkakatali sa kamay niya. Napapangiwi na lamang siya sa sakit. He needs to get out of here! Kailangan niyang makita si Etros! Napamura siya nang mabigo ulit na kalasin ang tali. Sino ba kasi ang may pakana ng pagdukot sa kanya? Hindi kaya— nakagat niya ang ibabang labi.

Paano kung ang mga magulang ni Etros ang nagpadukot sa kanya?

Pilit niyang pinakalma ang sarili. Kung sila man ang nasa likod ng mga ito— haharapin niya ng buong tapang ang mga magulang ni Etros. He's no longer the coward Alexis, ipaglalaban niya si Etros.

Napasinghap siya nang may magsalita. A baritone voice, nababahiran din ng lamig ang boses na iyon.

"Isn't it familiar, Alexis Garcia."

Nanlaki ang mga mata niya. How did he know his name?

"Sino ka?! Anong kailangan niyo sa akin?!" He hissed.

"Do you want to know who I am?"

Mas dumiin ang pagkakakagat niya sa ibabang labi. Of course! Alexis want to know who kidnapped him. Sunod na narinig ni Alexis ang pagtama ng takong sa marmol na sahig. He's not alone, may kasama ito. Sino ba sila?

"Sino kayo?!" Ulit niya. Pinilit niya ulit na kalasin ang pagkakatali sa kanya. Kailangan niyang makawala— asap.

"Alam namin na kilala mo kami, Alexis." Aniya ng babae gamit ang ma otoridad na tono.

Napako si Alexis sa kinatatayuan niya. Ibig sabihin ang mga taong naisip niya kanina ay ang nasa likod ng pagdukot sa kanya? Ang dalawang tao na kasama niya sa loob ng silid ay ang mga magulang ni Etros— ang Laviano.

"L-laviano." Nauutal niyang sabi.

Alam na nga nila ang tungkol sa kanila ni Etros kaya narito sila ngayon ay ipinadukot pa siya.

"You're right, We are the Laviano."

Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. Anong gagawin nila sa kanya? Pagbabantaan? Paghihiwalayin sila ni Etros? Naiyukom niya ang kamay. Hindi niya hahayaan na paglayuin sila ni Etros— not now, never.

Natatakot siya pero hindi na niya paiiralin ang takot na iyon; hindi niya hahayaan na sirain ng takot ang sarili niya.

"Hindi ko siya lalayuan." Buong tapang niyang sabi.

Kissed by the King (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon