Kabanata XIII

14.8K 666 111
                                    

Alexis Garcia

Wala siyang tigil sa pag-iyak, sa katunayan niyan ay namumugto pa rin ang mga mata niya. Paminsan-minsan ay napapatulala siya hanggang sa hindi niya namamalayan na umiiyak nanaman pala siya. Alas nueve y media na at nakahilata pa rin siya. Wala kasi siyang lakas na bumangon.

Nabalot ng tatlong magkakasunod na katok ang silid niya.

"Anak? Alexis? Gumising ka na riyan, handa na ang agahan."

"Wala po akong gana, nay." Namamaos niyang sabi. Nanatili ang tingin niya sa labas ng bintana.

"Hindi ka kumain ng hapunan kagabi." Saglit na tumigil ang ina. "Anak, may problema ba? Nitong mga nakaraang araw napapansin ko ang pananamlay mo, pati na ang pamumugto ng mata mo." Nag-aalalang tanong nito.

"Alexis, anak?" Tawag nito sa kanya nang hindi siya sumagot.

"Okay lang ako, nay."

Narinig niya ang pagkawala ng malalim na buntong hininga ng kanyang ina. Gusto man niyang sabihin ang pinagdaraanan ngunit natatakot siya sa sasabihin nito. She might hate him, kaya mas mabuti ng sarilihin niya ang sakit na nararamdaman.

"Kumain ka na, anak. Pinag-aalala mo ang nanay."

Mahinang 'opo' lamang ang isinagot niya rito. Dahan-dahan siyang umupo at sumandal sa headboard ng kama. Napangiwi pa siya sa sakit ng ulo. Sinimulan niyang hilutin ang sentido, umaasa na kahit papaano'y mababawasan ang sakit ng ulo na nararamdaman.

Naghantay muna siya na mabawasan ang pamumugto ng mata bago tuluyang lumabas sa silid niya. He looks miserable. Rinig na rinig niya ang pagkalansing ng mga kagamitan sa kusina.

"Halika na, hinanda ko ang paborito mong almusal." Bungad ng ina nang makababa siya. Abala ito sa paglalapag ng mga pagkain sa lamesa. Walang imik siyang umupo. Maya-maya lang ay sumunod na ang kanyang ina.

Walang nagsalita sa pagitan nilang dalawa. Nanatili ang attensyon niya sa pagkain habang ang ina naman niya'y nakatingin lamang sa kanya. Nabitin sa ere ang pagsubo niya nang guluhin nito ang buhok niya. Nagtataka niya itong tiningnan.

"Handang makinig si nanay sa mga problema mo, anak. Huwag mong sarilihin 'yan, ishare mo sa nanay nang mabawasan naman ang bigat."

Bahagyang tumingala si Alexis para pigilan ang luhang nagbabadyang bumagsak. He nodded his head as an answer. Ngumiti rin siya. Ayaw niyang mag-alala sa kanya ang ina, kaya kahit na nasasaktan pa rin siya'y pinilit niya pa rin na mag mukhang ayos lang.

"Nay, pagod lang naman po ako. Ayos lang ako." Masigla niyang sabi.

"Medyo kinakabahan lang po sa graduation next month." dagdag pa niya.

Pinagpatuloy niya ang pagkain. Nanatili namang nakatingin sa kanya ang ina na tila ba sinusuri siya. Bumuntong hininga ito bago uminom ng kape.

"Gusto mong sumama sa akin mama, nak? Mamamalengke ang nanay. Ang tagal na rin kasi nating hindi nakakapag bonding."

Nakangiti siyang tumango. Namiss niya rin ang ina. Naging abala na kasi siya sa pag-aaral lalo na't graduating. Hindi na sila masyadong nakakapamasyal.

"Si nanay, gusto lang ng magbubuhat ng pinam— joke lang nay." Natatawa niyang sabi nang akmang kukurutin siya nito.

Sisiguraduhin niyang magiging abala siya ngayong araw. Gugugulin niya ang oras sa ina at sa ibang bagay. Aalisin niya muna sa isip si Etros, kakalimutan niya na muna ang sakit na nararamdaman— kahit ngayong araw lang.

...

"Nay, anong gusto mong kainin?" Tanong nito sa ina pagkapasok na pagkapasok nila sa fastfood chain.

Kissed by the King (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon