My Husband, my enemy

10.2K 146 4
                                    

Chapter one:

DWEYNN COURRT POV

"Manang si Vein po?" tanong ko kay manang na kasalukuyan ngayong naghahanda ng pagkain.

"Ayon tulog pa. Matagal syang umuwi kagabi at lasing na lasing pa ito." sagot naman ni manang sakin.

Bumontong hininga nalang ako. Iwan ko ba sa lalaking yan at parang laki ng galit sa mundo. Halos gabi-gabi nalang umuuwing lasing, minsan panga mag-uumaga na kung umuwi.

Baka nagtataka kayo kung bakit nasa iisa kami ng bubong. Well, asawa nya ako sa PAPEL pero alipin sa totoong buhay. Nagpakasal kami sa desisyon ng mga magulang namin, ganyan naman talaga ang buhay namin eh, kahit ayoko ay wala akong magawa. Bata palang ako ay namulat na ako sa katotohanang hindi ako pwedeng magmahal ng totoo dahil  darating rin ang araw na ako din ang magsisisi.

Parang hindi kami mag-asawa dito sa bahay at lalong lalo na sa labas ng bahay. Were enemy, hindi magkakilala pagdating sa School. Casanova sya, ako simple lang tsaka wala akong pakialam sa buhay nya. Magpatayan man sila wala akong paki basta hindi lang ako masangkot.

"Papasok ka?" napatalon ako nang biglang nagsalita si Vein mula sa likod ko. Hawak-hawak ko ang aking dibdib ng humarap ako sa kanya.

"Oo, lunes ngayon eh." I reply.

"But you need to make my project, bukas na ang schedule namin dun."

What the!

"Hindi ako pwede ngayon Vein, may summative kami sa Stat. hindi pwedeng mag-absent ako." Madaling sagot ko sa kanya. First summative namin ngayon tas aabsent ako, hell no!. Tas ang masama pa aabsent ako dahil lang sa project na HINDI naman sakin. Kung yang paglalakwatsya nya eh kung ginawa pa nya sa project nya, edi sana tapos na sya ngayon. Masyado kasing makati kaya ayan ang resulta. Dinamay pa ako.

"So anong gusto mong gawin ko, ako ang gagawa?"-Vein.

" Malamang, sayo yang project na yan! Kaya ikaw ang gagawa." sagot ko naman. Umigting ang panga nya sa sagot ko. Akala naman nya matatakot nya ako sa ganyan.

Lumapit sya sakin while ako, hindi ako nagpatinag sa kanya. Hindi ako umatras sa paglapit nya bagkus ay nakipagtitigan pa ako.

"Baka nakakalimutan mong amo mo ako."

"At sa ano naman? Dahil sa kasalanan kong pagpayag sa kasal kahit ayaw mo. FYI din Galdez, kung ayaw mo sa sitwasyong ito, pwes sobrang ayoko din!." Sigaw ko sa kanya. Laging ako nalang ang may kasalanan eh kung tutuosin mas nakikinabang pa sya sa kasal nato,. Nakukuha nya gusto nya while ako niisa WALA.

"Whatever! Wether you like it or not aabsent ka ngayon." Pagmamatigas nya.

"Pwes sa ayaw at sa gusto mo, Papasok ako ngayon." Pagdidiin ko din sa kanya at tinalikuran sya para  magsimula na akong kumain.

"YOU ARE MY SLAVE WOMAN! SO YOU NEED TO FOLLOW WHAT I'VE SAID." galit na sabi nya at hinampas ang lamesa.

Tiningnan ko sya matalim.

"OO ALALAY MO AKO! PERO PWEDE BA KAHIT NGAYON LANG!. HINDI AKO PWEDENG MAG-ABSENT." sigaw ko din. Nakakabanas na talaga sya ng sobra.

"Pwede ba magsitahimik kayong dalawa! Wala nabang bago sa umaga nyo at paulit-ulit nalang kayong magsisigawan!. Ang tatanda nyo na pero para parin kayong mga bata. Hindi naba kayo nagsasawa?!" Pagsesermon samin ni manang. Yumuko lamang ako at nag patuloy nalang sa pagkain. Hindi nato bago samin pero nakakapagod na talaga ang sa ugali nya.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay niisa walang nag-umpisang magsalita. Hindi ko gusto ang makipagtalo sa kanya, syempre sino ba naman ang may gustong halos araw-araw nalang nag aaway.Syempre wala. Pero hindi ko kasi kaya ang ugali nya, sumusobra na talaga eh.

Palabas na ako ng kusina pero bago paman yun.

"Uuwi ako mamayang lunch time, gagawin ko yang project mo." At tuluyang lumabas ng kusina.

Kinuha ko na ang bag ko para makapasok na ako. Buti at maaga pa, makakahabol pa ako ngayon. 7:43 palang, 9:00 ang simula ng first subject ko.

×××××××××××××××××××

Papasok palang ako ng university which is Laxford University, langhap na langhap ko na ang mala bubuyog na bulung-bulongan ng mga studyante and of course pinamumunuan ito ng pokpok na KASINTAHAN ni Vein. Yes, meron syang girlfriend at wala SANA akong paki, kaso pinakihan ako ng babaeng to. Anyway she's Vexelyn Laxford ang anak ng nagmamay-ari ng skwelahang ito.

Lahat kinakatakutan sya, pero ibahin nya ako dahil wala akong inuorungan ni sino o ano man ang istado sa buhay.

"Look who's here?" Dahan-dahan naman akomg tumingin sa kanya. Sa tuwing nakikita ko pagmumukha nya parang gusto kung masuka. Tiningnan ko ulo hanggang paa.

"Nakakainggit bang tingnan ang mamahalin kung soot, kaya ka titig ng titig?" She said and flip her hair. Sinuklian ko  sya ng ngiti yung parang icing sa sobrang tamis.

"Diba may rules dito.?" I asked. Nagtaas sya ng kilay at mas lalong lumapit sakin.

"So? Wala akong paki sa mga rules, teka.. Baka nakakalimutan mo kung ano ako. Let me remind you again Ms. Courrt, i am the only daughter of Mr. Laxford which is the owner of this school na kinatatayuan mo ngayon. And pwede kitang patalsikin ng walang kahirap-hirap." sabi nya at may kasama pang bweset na tawa.Demonya!

"Matakot na ba ako?." Tanging sagot ko sa kanya at dahan-dahang tinalikuran.

Naglakad ako papasok ng classroom na parang walang nangyari. Never nya akong matakot sa walang kwentang salita na lumalabas dyan sa bibig nya.

"Goodmorning Dweynn!" bati sakin ni Antoniette, kaibigan ko. Kumaway ako sa kanya.

"Goodmorning Niette." bati ko din sa kanya saka mabilis na umupo sa tabi nya.

"Nakapag-study kana?" She asked.  Tumango naman ako bilang sagot.

Maya-maya pa ay dumating na si Enanoria dala-dala ang mga gamit nya.

××××××××××××××××××××

Nakasobsob ako sa mesa wala akong ganang lumabas ng classroom. Sobrang napagod ako sa Summative namin. Grabe ang hirap.

"Hey!" inangat ko ang aking ulo para makita kung sinong nagsasalita.

"Oh ikaw pala Vex."

"Are you okay?" Tumango naman ako bilang sagot.

He's VexLhord Laxford, twin brother ni Vexelyn. Kabaliktaran sila ng ugali. Si Vex mabait, si Vexelyn demonya.. Vex is the very besfriend of Vein sabay silang tatlong lumaki. Si Vex, Vein and Vexelyn.

"Anyway, asan si Vein?" tanong nya sakin.

"Hindi pumasok." munting sagot ko. Tumango naman sya at tumingin ulit sakin.

"Are you hungry, punta tayong canteen kain tayo. My treat."

Ngayon ko lang din napagtanto na nagugutom ako kaya mabilis akong tumango bilang tugon sa sinabi nya.

---------------------------

FB:GelynKyeoptangJungkookBarrete

Lovelots po😘😘😘😘

My Husband, My Enemy[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon