My husband, my enemy

3.4K 91 0
                                    


Chapter Four.
-

DWEYNN COURRT POV.

Mabilis pa sa lahat ng mabilis ang pagtakbo ko papunta sa tinutukoy na lugar ng kaklase ko.

Jusko naman po, wag naman sanang may mangyari masama sa mukong na yun. Kahit na masama ako may puso din naman ako. Bakit ba kasi ang tanga nyang magdrive.

Nang makarating ako sa lugar na iyon. Kinabahan ako ng husto ng makitang naparaming nagkukumpulang mga studyante. Kahit ramdam ko ang pagod ay hindi ko ito ininda. Sumiksik ako para makita si Vein. Jusko!

"Nandito na sya."

"Uyyy nandyan na."

"OMG dumating na sya."

"Ano kayang reaction nya?"

"Pagod na pagod pa sya oh."

" excuse me"paulit-ulit na sabi ko sa mga nakabangga ko.

"VEI--------"

O______O

What happened?!!!!

"Surprised!" bunggang bulalas ni Vexelyn sabay halakhak.

Pumikit ako sa sobrang inis. Pagod akong tumakbo papunta dito dahil sa nabalitaan kung naaksidente sya. Then now, ano to?!! Ito ba ang naaksidente na nakatayo ngayon sa harapan ko kasama ang mga demonyo nyang kaibigan.??!!

Binabawi ko na ang sinasabi ko. Sana pala namatay ka nalang bweset na lalaking to. Sarap pa ng halakhak sa demonya, akala mo naman bagay sa kanya. Mukha syang  unggoy na tinubuan ng sungay. Nakakaimbyerna!.

Pinamewangan kung tiningnan si Vexelyn at Vein. Wala akong paki kung nasaakin nakatingin ang halos studyante. The hell i care. Gusto nila ng away? Pwes, hindi ko sila uurungan.


"Oppss nagalit na ang leon." halakhak na wika ni Vexelyn at kunyaring natakot sakin. Kadiri!


"Yeah, galit kasi ang Leon sa mga UNGGOY." i said and i imphasized the 'unggoy'. Natawa ako sa reaction nila. Ang epic!.


"And sino ang tinawag mong unggoy?" Kalmado ngunit ramdam ko ang inis sa boses ni Vexelyn.


"Sino ba kaharap ko?" i said seriously. Nag-igting ang panga ni Vein sa sinabi ko.


"What the hell did you say woman?" kalmadong tanong sakin ni Vein. Bingi ba sya.? O nagbingi-bingihan.


"Unggoy po, Monkey in english." I said.

Lumapit sakin si Vexelyn at sasampalin sana ako pero mabilis ko itong nahawakan.


"Hinahamon nyo ako? Pwes, hindi ko kayo uurungan. Mag-isa lang ako pero kaya ko kayong labanan. Kaya ikaw, wag na wag kang magkakamaling sampalin ako. Hindi moko lubos na kilala Ms. Laxford.. Hindi mo alam ang kayang gawin ng isang Courrt." Pagkatapos kung sabihin ang mga salitang iyon ay pabagsak kong binitawan ang kamay nya at tinulak sya.



Nagsilapitan ang mga kaibigan nya para tulungan
sya.

Bago paman ako umalis, tiningnan ko muna si Vein sabay sabing...


"Sana pala totoong naaksidente ka, yun bang gutay-gutay na katawan mo. Para mapakinabangan ka ng mga aso sa kalye." sabi ko bago umalis.


Bweset na buhay. Nakaka-imbyerna yang lalaking yan. Papatayin ko talaga yan pagnagkataon.



"Ano bang problema mo?!" napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang boses ni Vein. Inis akong humarap sa kanya.


"Ikaw!. Ikaw ang problema ko!. Alam mo ba kung gaano ako nag-aalala nang malaman kung naaksidente ka! Tas yun ang tumambad sakin!. Kasinungalingan lang pala lahat!." sigaw ko sa kanya. Hindi ko na talaga kayang hindi ipalabas ang inis ko.


"So you worry about me?." sabi nya saka nag smirk. Inirapan ko sya.


"Malamang kahit sino naman siguro mag-aalala talaga." Haist. Arrggghh. Umiling nalang ako sa pinagsasabi nya.


"So your inlove with me."


Muntikan na akong matumba sa kinatatayuan ko ngayon. What the hell!



"Porket Sinabi kung nag-aalala ako sayo, Inlove agad!. Bilis mo naman ata mag-isip. Para kang loko-loko." Mabilis akong sumagot sa sinabi nya. Jusko tong lalaking to. Magsasalita ng imposible.

Never rin pala yung mangyari. Hindi nga pala ako magkakagusto sa hudas nato. Inirapan ko sya tsaka nagpatuloy sa paglalakad.



"At saan ka pupunta?" huminto na naman ako saka padabog na humarap sa kanya." Babalik na ako sa classroom, bakit anong enexpect mo, tatayo lang ako?. Ano namang gagawin ko dyan? Maghintay na papatayin ako sa bruheldang syota mo?"



"Sumunod ka sakin." Sabi nya saka tinalikuran ako. Aba! Ano sya am------ oo nga asawang amo ko pala sya. Pero bakit kailangang sumunod ako. Wala ako sa mood ngayon. Manigas sya.



"AYOKO!" Buong pwersa kung sigaw.



"Edi wag." rinig kung sabi nya nang hindi humarap sakin. Hindi talaga!.



Padabog akong naglakad pabalik sa classroom. Bakit ako nagkaasawa ng ganyan ka puta?! Arrrgggghhh..








Continue........

------------------

Author: hai po sa mga nagbabasa. Maglilimit na po ako ng words by chapter. Tig 600 or 500 words lng po ang limit. Sorry po..😊😊😊

Lovelots😘😘😘😘😘

My Husband, My Enemy[COMPLETE]Where stories live. Discover now