My husband, My enemy

3.5K 83 1
                                    


Chapter 18

--------

Dweynn Pov.

Hingal na hingal ako pagkatapos ng ginawang paghalik sakin ni Vein.

Inis ko syang tiningnan.

"OWH! HINALIKAN MO NA AKO, ANO PANG TINUNGANGA MO DYAN?! ITEXT MO NA YANG MGA KABARKADA MO. SABIHIN MO SA KANILA NA TAPOS MO NA AKONG NAHALIKAN. MAGKANO BA PUSTA NYO-------"

O_______O

Abuso na to hah. Nakakailang halik na sya hah. Mabilis ko syang tinulak dahilan para ngumisi sya. Aba lang!

"May gana kapang ngumisi puta ka! Hoy! Baka nakakalimutan ko ang kasalanan mo sa akin. Hindi ko yun makakalimutan!. At isa pa, tutuloy ako sa usapang papakasalan ko si Vexlhord." nakita ko ang pagbago ng itsura yung kaninang maligaya nyang mukha ay napalitan ngayon ng matalim na titig sakin.

Yeah.. Totoo iyong sinabi ko magpapakasal kami ni Vexlhord kasi yun naman talaga ang totoo. Kami talaga ang arranged mirrage dati pa. At ang dapat na nasa posisyon ko ngayon ay si Vexelyn. Pero naipalit dahil ayaw ni Vein kay Vexelyn dati.

Nakakapagtaka nga. Ayaw nya sa kanya pero naging sila. Gulo! May saltik sila pareho.

"Subukan mo lang magpakasal don. Mabubuntis ka ng maaga." hindi sya galit pero may diin ang pagkakasabi nya.

Masama ko syang tiningnan. Pinameywangan ko sya." ANO BANG PAKIALAM MO?! GAGAWIN KO ANG GUSTO KO! AT WALANG MAKAKAPIGIL SAKIN. NO.ONE!" sigaw ko sa kanya saka pinagtaasan sya ng kilay.

Huminga sya ng malalim saka matamlay na tiningnan ako.

"Do you love, Vexlhord?"

O____O

Halos luluwa ang mata ko sa sinabi nya---tanong pala.

Maya-maya pa ay ngumisi ako.

"Yup. Bakit?" paghahamong tanong ko sa kanya.

"Nothing." tanging sagot nya. Ehyy?? Really, akala ko mas magagalit pa sya.

naglakad sya palabas ng kusina at mabilis ko naman syang sinundan.

"Hoy! Joke lang. 'To naman di mabiro. Paano naman ako magpapakasala dun kung tapos na tayong ikasal?. "

He glared me.

"Aanhin mo kung kasal nga tayo pero sya naman ang mahal mo. Magagawa ko bang ipalit sakin ang pagmamahal na binigay mo sa kanya? Diba hindi, kasi nga sya ang mahal mo."

"Tsk!"

"Tsaka bruhilda, akala ko ba 'love is not true' bakit nagiging true na yan pagdating kay Vexlhord? Unfair ng love mo hah. Nakakabweset."

"Mabweset kalang. Walang pumipigil." usal ko saka tinalikuran sya.

I admit. Hindi naman sya mahirap SIGURONG mahalin. Oo hindi ko talaga sya gusto, pero tuturuan ko ang aking sarili na mahalin sya kahit na PINAGPUPUSTAHAN nila ako. Bahala na. Paggumana to, sige mamahalin ko sya. Paghindi, pasensya nasa kanya.

Haist iwan ko. Hindi ko padin naman alam kung totoo ba yung sinabi nya.

"Mahirap ba talaga akong mahalin?" halos tumalon ako sa gulat ng marinig si Vein sa tabi ko. Nilingon ko sya.

Ano daw'ng sabi nya?

"Ano?" tanong ko ulit. Hindi ko maintindihan yun eh.

"Mahirap ba akong mahalin?" ulit nya.

Umiling ako." Hindi naman. Sadyang ang hirap lang paniwalaan ng mga sinasabi mo. Malay mo o malay ko na pinagpupust------"

"Pustahan na naman. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na matagal na akong tumigil at ayoko na doon. Pinagsisihan ko na yun, dati pa. Dweynn.." sabi nya sakin na parang nagsusumamo ito.

"Hindi mo ako masisisi, Vein. Nagawa mo yun dati, kaya posible ding maulit iyon."

Pumikit sya upang pakalmahin ang sarili. Lumapit sya sakin saka hinawakan ang magkabilang balikat at tiningnan ako ng seryoso.

"Ipro-prove ko sayo, Dweynn na totoong nagbabago na ako. Please... Give a chance." malungkot nyang sabi sakin.

Kaya ko ba talagang bigyan sya ng chance? Paano kung kasa------Dweynn! Wala na nga daw'ng pustahan dahil matagal na syang nagsisisi doon sa ginawa nya. Pero nga!! Paano kung hindi talaga sya nagbago? Haist!

Pero hindi naman siguro masama kong bibigyan ko sya chance. Tsaka magpapakipot paba ako?. Sige na game na ako. Pero first and last nato. Paggagawa pa sya ng kalokohan,for sure matutuloy na yung PAGLALAMAYAN sya. Subukan lang nya ang isang Dweynn Courrt.


"Oh,sige na! sige na!. Siguraduhin mo lang na matino na yan hah. Kasi paghindi, ililibing na kita mg diretsyo."

Yung kaninang lugmok nyang mukha ay napalitan na ngayon ng saya.

"Oh my god! Nakakabakla mang sabihin, pero puta kinikilig ako." masayang usal nya saka niyakap ako ng mahigpit.

"I love you so much, Misis."


Puso! Heart! Kasing-kasing! Relax lang tayo. Love is not true, love is all about science.. Huwag padala sa lalaking to. Panindigan mo ang moto mo. Normal lang yang pagtibok mo ngayo'y akala moy sumakay ka nang racing. Okay lang yan, Syempre buhay ka kaya ganyan tibok mo. Relax lang. Chill!


My Husband, My Enemy[COMPLETE]Where stories live. Discover now