My husband, My Enemy

3.4K 95 1
                                    

Chapter twelve.

Dweynn Pov.

Halos hindi kami nag-iimikan ni Vein. Wala akong planong unahan sya, pwes ayaw nya din. Kaya mag-ayawan kami. Well, sinabi nyang seryoso daw sya doon sa sinabi nya kagabi. Anong choice ko? Yun yung feelings nya sakin eh. Hindi naman sa feeler ako pero parang ganun na nga.

But, wala akong feelings para sa kanya. Yun sinabi nilang love, hindi uso sakin yan at lalong hindi ganyan ang nararamdaman ko kay Vein. Oh sige, kung meron man, maybe not now. Maghintay sya kung kailan. Aba sabi nya seryoso sya.

Pero diba syempre kahit sino naman siguro ay kakabahan talaga sa sinabi nya kagabi. Direct to the point nga naman sya. I love you. Hindi na nya pinag-iisipan. Gago talaga!

"Dweynn?"

Nilingon ko sya ng tinawag nya pangalan ko.

"Yes," sagot ko sa kanya. Nakatitig padin ako sa kanya at ganun din sya.


"Naniniwala kaba talaga sa sinabi ko kagabi?"

Medyo nagulat ako don, pero syempre medyo lang.

"Ye---yeah. I'm not sure." sabi ko sa kanya bago inalis ang tingin. Narinig kung bumuntong hininga sya.




Napaisog ako ng umisog sya papalapit sakin. Tiningnan ko sya na may pagtataka.



"Look, nagulat ba kita? O sadyang hindi napani-paniwala ang mga sinasabi ko?" yeah, parang ganon na nga husband. Hirap talaga paniwalaan ang mga inaamin mo kagabi.


Nung nakaraang araw lang, halos gusto mo kung ihambalos sa daan eh. Pero ano yung kagabi, bigla lang tumibok yung puso mo bigla-bigla. Ano yun Joke?



"Kapani-paniwala nga husband." tanging sagot ko saka nagpatuloy sa panonood. Eh, bakit ba ito ang pinag-uusapan namin? Wala nabang ibang topic?. Nakakaawkward eh. Ang tahimik nang paligid, and i hate it. Gusto ko magulo. Okay nga kung laging kaming mag-aaway eh. Pero ganito, god hindi ko to gusto.



"Pero lahat ng sinabi ko kagabi totoo, Dweynn. I'm serious." sabi nya na para bang nagmamakaawa na patawarin ko sya sa kasalanan nya.


Naguguluhan na talaga ako sa lalaking to. Nagsusumamo naba sya sakin nyan? Saka iba din sya... Mahal nya ako tas mag-ON sila ni Vexelyn, ano klaseng puso meron sya at tig dadalawa ang gusto. Dual sim lang ang peg..


Don't me husband.....

"Mahirap maniwala dun, husband. Lalo na't kayo parin ni Vexelyn hanggang ngayon. Huwag mong sabihin na mahal mo kami pareho. Uy, bawal ang ganyanan. Tsaka, sigurado kaba talaga sa feelings mo sakin? Napag-isipan mo na yan ng mabuti? Baka gusto mo lang ako dahil may kailangan ka, O baka hindi yan pagmamahal. Alam mo kasi, husband. Ang love, hindi mo yan mararamdaman agad. Lilipas pa ang mahabang panahon bago mo marealize na mahal mo ang isang tao. And last, ang pagmamahal hindi yan inaasahan, kusa yang darating ng hindi namamalayan."mahabang litanya ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha yun. Basta yun na yun. Huwag kayo! Own opinion ko lang yan.



"So, hindi ka naniniwala sa, Love at first sight?" umiling ako sa sinabi nya.



"Alam mo kasi husband, hindi love at first sight ang tawag dyan, ano yan kabubuhan?. Lust at first sight, mas maniniwala pa ako dyan.. Bakit? Na-LOVE at first sight ka sakin?"



Umiling sya. Oh, diba.. Hindi talaga totoo yang love at first sight thingy na yan. Bobo lang maniniwala dyan. Duhh!!.




"Bahala ka, basta seryoso ako sa pagmamahal ko sayo. I'll do everything, mapasakin kalang." napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Wow, banat ba yun? Bakit hindi ako kinikilig?.




Ayyy... Bakit ba ako kikiligin kong hindi naman ako inlove sa kanya. Boba Dweynn. Boba!



Huminga ako malalim saka muli syang tiningnan.



"Hindi ako naniniwala sa Love-love na yan."



"Okay, papaniwalain kita na may love na nag-e-exist sa mundo." seryosong sabi nya saka tumayo.



"Love is not true,husband. Love is all about science.. Gawa-gawa lamang ng mga pilosophy yan. Huwag kayong pauto-uto. " sabi ko saka inirapan ang lalaking ngayo'y nakatalikod sakin.


-----------

My Husband, My Enemy[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon