My husband, my enemy

3.8K 92 1
                                    


DWEYNN COURRT POV



Pauwi na ako ngayon at maggagabi na rin. Lumabas ako sa kotse ni Vein, ayoko talagang makasama yang girlfriend nyang ubod ng kamalditahan at kaOahan. Nanggigigil ako sa babaeng yun.

"Maam nandito na po tayo." Anang mamang driver. Kinuha ko ang pera ko at nagbayad ng plete bago lumabas.

Papasok na sana ako sa loob ng bahay ng mapansin ko amg sasakyan nakaparada katabi ng sasakyan ni Vein. Kanino to? Hindi naman to kay Vex, kulay red lamborghini ang sasakyan nun, while ito kulay black na Toyota. Wala naman akong kilalang nagmamay-ari ng ganitong sasakyan.

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay. Baka kasi kung sino ang bisita ang dumating.

"Mana-------" napatigil ako sa pagtawag kay manang ng makita ko si Vein na nakadapa sa sala habang gumagawa ito sa project nya.

Nice sign!. Himala.

Lumapit ako sa kanya.

"Ang galing mo pala magdesign." wika ko habang tiningnan ang mga gawa nya. Mas magaling pa sya kesa sakin hah.

Umangat ang ulo nya para matingnan ako. Seryoso syang tumingin sakin.

"Bakit ngayon kalang ?" kalmadong tanong nya ngunit may diin iyon.

"Pumunta pa akong mall." sagot ko naman.

Kumunot ang noo nya sa sinabi ko. Oh ano naman?

"Kahit wala kang pera?"

"Oh ano naman kung wala akong pera, bawal bang pumunta?"

Hayst. Minsan din masasabi kong tanga to. Nagtanong pa.

"Ano namang ginagawa mo dun?"

Meged!! Seriously???!!!!

"Magbebeach sana, baka sakaling may dagat dun. Alam ng mall, nagtatanong pa." napailing nalang ako.

"So, ikaw nag-eenjoy sa mall while ako dito pinagpapawisan sa paggawa ng project!" Maotoridad nyang wika sakin.

"Natural, sayo yan kaya ikaw ang gagawa." sabi ko at nakapamewang na humarap sa kanya.

"Ah ganon."

"Oo ganon." sagot  ko agad sa kanya.

Tumayo sya mula sa pagkakadapa at tumingin sakin ng seryoso.

"Paparusahan kita." natawa ako sa sinabi nya.

"Anong parusa po kamahalan?" tanong ko at nagbow pa sa kanya.

Ngumiti sya ng nakakaloko at.......

O______________________O

"WHAT THE HELL VEIN GALDEZ!!! MANYAK!! BWESET!!"

Arrrrgghggghhh.. Mabilis na nagsitaasan ang dugo ko dahil sa ginawa nya. Pigilan nyo ko! Makakapatay ako ng tao ng di oras ngayon!!

Pinisil lang naman nya ang magkabilang dibdib ko.

"Oh? Kung makasigaw akala mo naman may laman."

Mabilis ko syang  hinabol pero sa kasamaang palad , nakalimutan kung nakasapatos pa pala ako kaya nadulas ako.

ISANG LANG MASASABI KO NGAYON. ANG MALAS KO!.

Pumikit ako para damhin ang pagbagsak ko sa semento. Peri nagkakamali ako, dahan-dahan kung minulat ang aking mata.

O____________________________O

Muling tumibok ng kakaiba ang puso ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa ni Vein. Oo nasalo nya ako mula sa pagkakadulas.

Napatawa nalang ako sa naisip ko. Tumitibok pa pala to? Akala ko kasi matagal ng namahinga. Haist. Malamang naman Dweynn buhay ka eh.

"Catch yeah." mahinang sabi nya na tama lang na marinig ko.

Hindi ko maialis ang titig ko sa mukha nya. What happened to me?.

"B-bitawan mo ko." nauutal na sabi ko sa kanya. Kita ko ang pagtaas ng kanang labi nya.

"Kung bibitawan kita mahuhulog ka." Sagot naman nya.

Hindi ko na lamang sya sinagot. Agad ko syang tinulak para bitawan ako pero sobrang higpit ng pagkahawak nya sa bewang, kaya wala akong lakas na itulak sya.

"Bitawan moko Vein." kalmado ang tanong ko. Umiling naman sya ng padahan-dahan.

Wala akong choice ngayon pinonu nya ako.  Malakas kung sinipa ang ari nya. Nabitawan nya ako kaya bumagsak ako mg tuluyan sa semento.

Dali-dali akong tumayo at tumakbo papasok ng kwarto. Dumaosdos ako paupo habang hawak-hawak ang dibdib ko.

"Bakit ba kung sa kanya, tumitibok ka? Nakakainis kana hah." bulong ko sa sarili while tiningnan ang dibdib ko, sa banda ng puso ko.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo ng marinig ang  malakas ng pagkatok ni Vein. Like i care. Sirain pa nya ang pinto.

"Humanda ka saking babaeng ka pagnabuksan ko ito. Swear! Gagahasain kita.!" As if namang kaya nya.

Tamad nalang akong lumubog sa kama at natulog.

-----------------

"Manang, pasok napo ako." paalam ko kay manang na ngayo'y nasa kusina.

"Kumain ka muna hija." Sagot naman ni manang na tama lang na marinig ko.

" busog pa po ako manang eh , salamat nalang po." paalam ko sa kanya. Lalabas na sana ako ng bahay ng muling nagsalita si manang.

"Ay nga pala hija, yung project ni Vein ikaw na daw magpasa nun sa guro nya." Bumalik ako para kunin ang project ni Vein sa may lamesita, pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa kanto para makapagcommute.

Madali namang may huminto na taxi sa harapan ko.

Sino pala ang guro nya dito?. Iisa kami ng classroom pero STEM sya while ABM ako. Pinag-isa lang kasi kami.

Kinuha ko ang cellphone para itext sya kung kanino ko to ipapasa. Then, mabilis naman syang nag reply.

VeinSet-

Sir Herasmo.

Nang makarating ako sa Laxford University ay dumiretsyo muna ako sa office ni sir herasmo para ipasa ang project ni Vein. Pagkatapos ay pumasok na sa classroom.

Naabutan ko si Antoniette na beseng nakipag-usapan sa mga kaklase namin.Lumapit ako saka umupo sa tabi nya.

Woahh! Gano ba kaimportante pinag-uusapan nila at ni hindi manlang niya ako napansin.

"Share naman kayo dyan." biglang sabi ko.

Mabilis syang tumingin sakin.

"Oh nandyan kana pala. Kanina pa ako naghihintay sayo, may eshashare kasi ako." all about lovelife na naman to, kabisado ko na tong babaeng to. Pag maagang pumasok may ishashare yang tungkol sa ka M.U nyang grade 12 FBS.


"Nagpaparamdam na naman sya kagabi." malumanay nyang sabi sakin. Kitam!

"Alam mo kasi Niette. Hindi naman sa bitter ako, pero diba usap-usapan  maraming babae yan. Oh baka nga isa kana dun. Kaya maghanap kanang mas matino sa kanya. Kikiligin kanga pero minsan lang. Mas madalas na nasasaktan ka. Marami pa dyan, para namang sya lang yung gwapo sa mundo. Huwag ka mag-aalala manghunting tayo mamaya, sasamahan kita. Ano game?" wika ko sa kanya. Umiling sya bilang sagot. Haist.. Ginayuma ba to.?. Inlove na inlove eh.

Napailing ako at napasandal nalng sa chair ko.

Nilibot ko ang tingin ko sa classroom. Himala  hindi pa pumasok si Vexelyn. Maya-maya pa ay pumasok ang isa sa kaklase at hingal na hingal ito. Kinabahan ako ng tumingin ito sakin.

"Dweynn ang asawa mo naaksidente."

WHATTTTTT?!!!!!!!


Itutuloy......

-----------------------

My Husband, My Enemy[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon