"Samahan na kita, wala naman na akong gagawin dito eh. Tsaka di mo pa naman gaanong alam yung lugar dito di ba? Edi ako na lang yung tour guide mo." nakangiting sabi ni Charm.

Natatawa ako sa kaniya, kasi kanina pa siya nangungulit sakin na sasamahan niya daw ako sa pupuntahan ko. Simula nung maggising ako sa huling pag-tulog ko.

"Oo na, sasamahan mo na ako. Para namang matitiis kita kung kanina ka pa dyan naka-beautiful eyes."

Natawa naman ito. "Hindi ako naka-beautiful eyes, ganyan lang talaga yung mata ko. Ikaw masyado kang judgemental, kaltukan kaya kita?"

Sa halip na sagutin, ay hinila ko na lang siya papalabas ng dorm na natatawa. Promise, magiging best friend ko tong si Charm. Compatible kasi kami. Compare Kay Cly, na-kala mo nakakain ng isang kilo na ampalaya kada oras. Pero alam ko naman na maayos siyang kasama, kaso nga lang may pagka-maldita.

Nakarating na kami sa labas ng dorm, tsaka ko siya binitawan. Since, Hindi ko naman alam kung saan na padaan para sa canteen.

Naglakad kaming tahimik papunta sa canteen, nang marating namin ito. Madaming tao ngayon, kaya dali-dali kaming pumila para sa pagbili.

"Umupo ka na kaya doon, tapos ako na lang yung bibili. Sabihin mo na lang sakin kung ano yung gusto mo, tapos ibibili kita. Mamaya kasi maubusan pa tayo ng mauupuan." tumango naman ako sa kaniya. Tsaka sinabi kung ano ang io-order sakin.

Lumakad na ko papa-alis, para umupo sa malapit na upuan.

Nilibot ko ang aking mata sa kabuuan ng canteen. The canteen is simple yet elegant. The walls are made of glass, kaya makikita mo yung labas. The middle of the canteen has a chandelier that is made up of some glass, diamonds and other stones. While the tables and the chairs is a little bit modern that is made up of wood. And the canteen as a whole, had an aura of power, and strength.

The name of the canteen is MagicHouse.

"Girl, eto na yung sayo. And since best friend na tayo, libre ko na to sayo." nakangiti Kong tinanggap ang pagkain.

"Thank you, pero kahit hindi na sana. Kahit wala ka namang ibigay sakin, OK lang. Best friend na rin naman Turing ko sayo kahit Hindi mo na ako ilibre. Nakakahiya, gosh!" naiilang na sabi ko.

Eh kasi naman kasi, nakakahiya talaga. Grabe, di ko alam na kailangan pa pala ng libre kapag may bago kang friend. Pero sana kung ililibre niya na rin pala ako, dapat may ice cream na rin, cake, juice, fruits, ube, flan, and other deserts.

"Ano ba, wag ka ng mahiya sakin. May gusto ka pa bang ipabili, bibili pa kita?"

Talaga? "Nako nahihiya na ko, wag na sapat na'to sakin." natatawa kong sabi.

"Talagang wala ka ng ipapabili? Deserts ayaw mo? Ice cream? Juice? Soda? Or anything?"

Sige! Lahat ng deserts nila sana kung pwede lang.

Umiling ako. "Ano ba, no need na. Nakakahiya na no. Tsaka Hindi mo naman ako kailangang ilibre. Masaya na kong naging kaibigan mo, ayos na yon. Di na kailangan pa talaga ng libre."

"Ok" nakangiti nitong wika.

Ok, yon na yon di niya na ako pipilitin pa? Ano ba yan, mag-sasabi na nga sana ako na kahit anong desert lang don basta ba ice cream, flan, ube, cake tsaka lahat ng meron sa MagicHouse.

Tahimik kaming kumain. Maya-maya lang ay natapos na kami, at bumalik na sa aming dorm. Nang makarating sa dorm, ay nagkaniya-kaniya na kami sa mga Gawain.

Nag-ayos na ko ng mga gamit, yung mga Hindi ko pa nailabas kanina. Habang ginagawa ko yon, ay nakaramdam ako ng kaba. Tiningnan ko ang paligid ko, at don ko napansin na ako na lang pala mag-isa ang nasa dorm. Walang Chloe. Walang Cly. Walang kambal. Kaya lalo akong kinabahan.

Kahit na kinakabahan ay nagpatuloy ako sa ginagawa. Hanggang sa may humangin ng malakas sa likod ko, na naging sanhi para mapaharap ako sa likod ko.

Doon ko siya nakita na nakangiti sa akin. Kaya ngumiti rin ako sa kaniya. Yung kaninang kaba na nararamdam ko ay biglang nawala ng parang bula.

"Oh, anong tingin yan? Para kang nakakita ng monster dyan?" natatawang sabi ni Charm.

And yes, si Charm lang yung nasa likod ko.

"Ah, wala yon. Ikaw? Kanina ka pa ba dyan?"

"Huh? Di ba sabay tayong pumasok dito sa dorm? Hindi pa naman ako lumabas, since pumasok tayo dito. So, kanina pa ako. Bakit ba?"

Nakangiting umiling na lang ako. Baka kasi guni-guni ko lang pala yung kanina sa sobrang kabusugan. Baka nga.

"Ah wala lang yon, kala ko kasi lumabas ka rin agad?"

"Hindi ah! Kanina pa nga kita pinapanood dito, kasi wala naman akong magawa."

Huh? Kanina pa siya nandyan? Eh, ano yung kanina? Bakit wala naman siya?

"Ah, so kanina ka pa nandyan tapos pinapanood mo lang pala ako? E panong tumulong ka sakin, ng mapabilis ako dito." dali-dali ko siyang nilapitan at nang mahawakan ko ang kamay niya ay may kuryente akong naramdaman. Agad kong nabitawan ang kamay niya, pero binalik ko agad ang hawak. Tsaka siya hinila papunta sa inaayos ko.

"Nubayan! Dapat pala di na ako nagsabi. Tinatamad pa naman akong kumilos." nakataray pero may ngiting pinipigil sa mga labi nito.

"Haha, wag ka ng Ewan dyan. Para nga mapadali na tayo eh. Tapos mag-kwentuhan na tayo agad."

"Bakit pwede naman tayong mag-kwentuhan habang ikaw nag-aayos? Haha."

"Wag ka na ngang tamad dyan. Nang matapos agad tayo." tumingin ako ng diretso sa mata niya. Para kunwari seryoso na ako.

"Oo, eto na nga. Parang jino-joke ka lang eh." Naka-pout na sabi nito.

Kaya nag-ayos na kami. Mabilis lang naming natapos ang mga gamit ko, since konti lang naman ang mga ito. At bago matapos ay may nakita akong bumagsak na papel sa inaayos ko na damit.

Kinuha ko ito. Tsaka inilagay sa bulsa ng short ko. Siguro, mamaya ko na lang siya titingnan kung ano man yon. Nagpatuloy ako sa pag-aayos hanggang sa matapos na rin kami.

"Oh, yan tapos na? Happy?"

Natawa naman ako sa kaniya, kaya pinisa ko yung magkabila niyang pisngi. Ngayon ko lang napansin na ang taba pala ng pisngi nito. Kaya lalo ko itong pinang-gigilan.

"Arawtsuu! Mashakets! Tsama na, tsama na." umaangal na sabi nito, habang kumakawala sa pagkakahawak ng kamay ko sa pisngi nito.

Pero dahil ako ay isang mabait na kaibigan, lalo ko itong pinanggigilan.

"Wala naman akong ginagawa sayo, ah?" painosente Kong sabi. Pero lalong diniinan pa.

"Anuu bah? Masheket ne telege! Isha! Dhalawa! Thatlo!" binitawan ko na ito, pagkabilang niya ng saktong tatlo.

Pagka-tingin ko sa pisngi niya ay pulang-pula. Pero sa halip na maawa dahil sa mapula nitong pisngi ay lalo ko lamang itong tinawanan.

"Pasalamat ka mabait pa ako sa ngayon!" nakasamang tingin nito sa akin.

Tumawa pa ako ng malakas.


The Other WorldWhere stories live. Discover now