"Marunong ka bang mag-luto?" ani ko Kay Charm.

"Oo naman, bakit?"

"Kasi, gusto ko sanang mag-luto na lang dito sa dorm kaysa bumili pa sa Canteen. Mas gusto ko kasi yung home made compare sa mga nabibili agad."

"Pwede namang kada linggo, apat na beses akong magluluto tapos tatlong beses naman tayong bibili na lang sa canteen ng mga kakainin. Ang hassle kasi kapag nag-luto pa araw-araw sa isang buong linggo. Tapos tatlong beses pa mag-luluto kada araw. Breakfast. Lunch. Dinner."

"Yes! Gusto ko yan!" tinugon niya naman ako ng ngiti.

Pumunta ako sa mga gamit ko upang kumuha ng pera. Gusto ko na kasing mamili ng mga pagkain namin. May ref na rin naman kasi dito sa dorm. Kaya may pagla-lagyan agad kami ng mga pagkain.

"Bili na tayo ng mga groceries. At hep! Wag ka ng magdala ng pera sa ngayon, kasi ako na magbabayad lahat ng ipapamili natin."

"Oo na, madam." pabirong nakataray nitong wika.

Naligo lang ako ng saglit, kasi yung suot ko kanina ay yung kahapon pang-naka suot sa akin. Pagkatapos ko ay nakita Kong naka-ayos na si Charm. Parehas kaming naka T-shirt at naka-short lang, and when I say short, hindi short-short kasi hanggang middle ng legs naman namin yung natatakpan. Tapos ay nakalugay ang maikli pero medyo kulot na buhok ko. Kay Charm naman ay naka-bun.

Nakasimangot na tumingin sakin si Charm. "Hala ka, na tapos din. Congrats!"

"Maka-angal ka, parang 10 mins lang akong nag-ayos kasama na ligo pa." nakangiti Kong sabi.

Tumingin naman siya sa akin with an 'are you kidding' look. "Wow, 10 mins?! Eh, mag-iisang oras at kalahati ka na nasa Cr. Tapos 10 mins lang yon? Tingnan mo, natapos na ko. Pati pag-linis nagawa ko na pero ikaw wala ka pa rin. So ganun, lahat ng ginawa ko katumbas lang 10 mins?"

Really?! 1 hour and 30 mins ako nasa Cr? Kala ko 10 mins lang, parang ang bilis ko naman kasi sa Cr?

Tumingin na lang ako sa kaniya with 'sorry naman' look.

"Oh anong tingin yan, Yna. Bakit parang natatae ka na ewan dyan?"

What? Natatae?

"Hindi ah, nagso-sorry naman look ako. Anong natatae na ewan?!" bigla naman itong humagalpak ng tawa.

"R-really? Sorry naman look yon, bakit parang hindi?" pinipigil niya pang tawa.

"Wag mo ng pigilan, mamaya sa iba lumabas yan. Maawa ka sakin, ayoko makaranas ng bagyo dito sa loob ng dorm."

"Mas ayoko naman na kapag nasa labas na tayo, tsaka pa lang magka-roon ng ipo-ipo na galing sakin." natawa naman ako. Kasi pwede ngang mangyari yon.

"Nai-imagine ko yung mga mukha ng mga other mages pag-nalanghap nila ang bagsik ng isang charm!" humagalpak pa ako sa tawa.

"Halika na nga, sure naman ako na Hindi ako maglalabas ng isang sandata na maaaring ika-himatay ng ibang mages." umiling-iling ako habang naka-ngiti.

"No. No. No. Alam Kong pag-nasa labas pa tayo tsaka ka maghihimagsik ng lagim." tumawa pa ko ng mas malakas kumpara kanina. Kung sakali man na may kapit-bahay kami dito, there's a tendency na nabubulabog ko na sila.

Pero sa halip na sumabay siya sakin ng tawa, ay wala akong narinig ni kahit hagikgik lamang. Kaya napatingin ako sa kaniya. At nakita ko na sa iba siya nakatingin habang may ngiti sa labi, pero alam kong ang mga ngiti niyang iyon ay isang pilit lamang.

Kaya iniba ko na yung subject. "Halika na, alis na tayo!" masaya Kong wika.

Tumingin naman siya sakin, sabay huminga ng malalim tsaka ngumiti ng sobrang lapad. Ngayon totoo na. Totoo ng ngiti. "Halika na, talaga."

Lumabas na kami, at dumiretso na sa MagiMarket. First time ko pa lang na makakapunta sa market na yon, dahil hindi naman ako yung bumibili ng mga gamit ko tuwing pasukan. Ang MagiMarket ay tindahan ng lahat ng mga kakailanganin ng bawat mage. Dahil malapit lang naman ang market na yon, ay nilakad na lang namin.

Mga dalawang oras ang nagugol namin sa pamimili. Dahil di naman namin alam kung ano ang dapat naming bilhin. At 30 minuto para naman sa pag-bayad, dahil pumila pa kami. Ngayon kasi ay madami ang tao sa Market, since mag-ba-back to school na naman.

Nang maka-labas kami sa market, ay naghanap kami ng masasakyan. I saw a hard carpet with a four wheels, and two small chairs in the middle. Sumakay kami doon. Nang maka-upo sa upuan ay inayos namin ang pinamili namin para Hindi mahulog, dahil wala namang bubong at ding-ding ang sinasakyan namin.

Pagkatapos maayos ay umupo na kami. Naghulog ako ng $5 dito, dahil ito ang minimum fare. Sinabi lang namin ang address, at ito na ang kusang aandar.

(A/N: Di ako sure sa min fare.)

Maya-maya lang din ay naka-uwi na kami sa dorm. Kusang umandar ang sinakyan namin kanina pagka-alis na pagka-alis namin doon.

Pumasok na kami sa loob ng dorm, at inayos na ang lahat ng pinamili. Medyo malaki naman ang ref, kaya nagkasiya lahat ng pinamili namin na kailangan ilagay sa ref. Samantalang ang mga de-lata at mga pagkain na Hindi naman kailangan ilagay sa ref ay iniligay lang namin sa isang tabi. Hanggang sa natapos namin ang mga dapat Gawin.

"Yung umpisa, nung nalaman ko na ikaw yung anak ng isa sa SIR, I thought na Hindi ka mabait. Yung parang spoiled, ganon. Lalo na't mayaman kayo, tapos ginagalang pa yung nanay mo." nakangiti nitong sabi.

Sa halip na ma-offend sa sinabi niyo ay napangiti rin ako ng malungkot. "How I wish."

"Huh? Anong how I wish?" nagtatakang wika nito. Pero sa halip na sagutin ay nginitian ko na lang ito ng maliit.

"Wala yon, wag mo na kong pansinin."

Lumapit naman siya sakin, tsaka ako niyakap. "Kung ano man yang naiisip mo ngayon, sana maging ok ka. Kasi alam ko namang kaya mo yan. Ikaw pa? Eh, ikaw nga yung tayong nagbigay sakin ng kulay."

Napabitaw naman ako sa kaniya. At napatingin. "Anong nagbigay sayo ng kulay? May kulay ka naman ah, ang morena nga ng skin mo?" biro ko dito.

Napataray naman ito sakin. "Tse! Panira ka ng mood, lam mo yon?"

"Oo, alam ko na yon."

"Buti alam mo." napangiti na lang ako.

Ngumiti muna siya sakin ng malungkot bago nag- salita. "Pero alam mo, totoo yung sinabi Kong ikaw yung nagbigay ng kulay sa buhay ko. My parents died when I was 6. Kami ni Cly ay parehas ng walang magulang. Since that time ng mamatay ang parents namin, Hindi na siya naging close sakin, not when our parents alive. Kaya nga nung time na nagising ka na nag-aaway kami, isa lang yon sa mga time na Hindi kami nagkaka-sundo. Ayaw niya na kasi sakin, sa tingin niya kasi ay ako ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang namin." huminga muna ito ng malalim.

"I'm sorry to hear that. But alam Kong Hindi ikaw ang dahilan." umiling naman ito sa tinuran ko.

"No. Don't say that, Hindi mo ako kilala. Malay mo nagbabalat-kayo lang pala ako, kasi may binabalak akong masama sayo."

"Like what you said, 'malay ko'. And my Malay said that I can trust you. Kasi ikaw si Charm. My best friend." ngumiti lang to sakin.

"Bakit nga pala ikaw yung sinisisi ng kapatid mo sa pagkamatay ng parents mo?" tanong ko pa dito.

"Kasi ako ay isang---"



Prttt! Prttt!



Bigla akong napatakip sa ilong ko. Grabe! "Ang baho!"

"Sorry." sabi nito, at dali-daling tumakbo papunta sa Cr.

The Other WorldWhere stories live. Discover now