5

11 6 0
                                    

Anong sabi niya? Di ko siya naintindihan.

"Anong sabi mo ulit?" tanong ko. Hindi ko kasi talaga siya naintindihan, yung mismong habang sinasabi niya yon ay may biglang umingay sa paligid na Di ko alam kung ano ang sanhi.

Sa halip na sumagot ay umalis ito ng Hindi man lang ako tinitignan. Nagtaka ako lalo, ano bang meron sa sinasabi niya?

Tumayo na lang ako para sundan si Charm. I feel like may problema siya ngayon, and I must be the best friend she needed right now. Kailangan. Kaya sinundan ko siya, pero bakit ganon?

Bakit walang tao ni kahit isa, paglabas na paglabas ko sa pintuan. Bakit parang nag-iba ang paligid?

Tumakbo ako pakanan, kasi doon ang palabas sa dorm na to. Pero sa halip na gate ang makita ko sa dulo nito, ay haligi ang nakita ko. Haligi?

Haligi na may naka-ukit na mga codes and symbols. Ang kaso, hindi ko alam kung ano ang pinapahiwatig ng mga symbols na yon. Lahat ng symbols and codes ay black and white ang kulay.

Para itong isang puzzle na kailangan mong malaman ang sagot, para ma-decipher kung ano ba talaga ang nilalaman ng mga iyon.

May isang code ang nakakuha ng pansin ko. Alam kong alam ko ang tawag sa code na iyon. Ang Hindi ko lang maisip ay kung ano ang tawag don. Nakalimutan ko. Minsan ko ng pinagpuyatan yung code na yon para lang matutunan. Tapos ngayon makakalimutan ko lang? Really?

Tinitigan kong mabuti ang code. Nakalimutan ko ang tawag sa code na yon. Pero Hindi ang pag decipher dito.

Nagulat ako ng ma-decipher ko na Ito. Dahil ang code ay nangangahulugan ng pangalan ko. Full name to be exact.

Napalayo ako bigla, ng parang may dumaan sa mismong harapan ko kanina. A dark shadow, of a man. The shadow is too dark. Too dark and too fast that you have to open your eyes just to see if namamalikmata ka lang ba or what?

Sigurado ako. Sigurado ako na may dumaan, for the second time. Same aura as before. Same posture. Same bilis. Same na same.

Sa halip na dumilat ay pinikit ko ang mata ko, para pakiramdaman ang paligid ko na siyang pinagsisihan ko.

Ang dami.

Ang dami nila. Hindi lang isa. Kundi mahigit sa sampu. Pare-parehas sila ng aura. Pare-parehas sila ng kulay ng mata. Green. Earthy green.

Hanggang ngayon ay nakapikit pa rin ang mata ko. I don't want to open my eyes, just to know that they are here in front of me. Kasi nararamdaman ko naman. Naka palibot sila sakin. Lahat nakatingin sa gawi ko. Lahat ay may nakakatakot na ngiti sa mga labi.

Gusto ko ng umalis, pero Hindi ko kaya. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko, same as my other body. Pati na rin ang bibig ko, ay hindi ko maigalaw. Para itong dinikitan ng isang madikit na glue. At ang mga paa ko naman ay parang dinikit sa mismong kinatatayuan ko, para Hindi na ako maka-alis pa. Para Hindi na ako maka-kilos pa sa kung ano man ang gagawin nila. Para maisagawa nila ang binabalak nila, ng Hindi ako nakakapalag.

My throat felt dry. Same as my mouth. Nauuhaw ako na hindi. Nagugutom ako na hindi. Nangangawit ako na hindi. Nasasaktan ako na hindi. Naiiyak ako na hindi. Nakakagalaw ako na hindi. Nababaliw ako na hindi.

Hindi ko na alam kung ano pa ang nangyayari sa akin. My eyes still shut till now. Kasi Hindi ko na ma-open.

Pinaramdaman ko ang paligid ko, ang kaninang mahigit sampu na mga anino ay naging twenty lagpas. Naiiyak na ako. Gusto ko ng umalis. Kasi takot na ako. Takot na takot na ako.

Isa-isa na silang lumalapit sakin. Nanginginig na nga ako sa ngayon, sa sobrang kaba at takot. Gusto ko ng matapos to.

Gusto ko na.

Hanggang sa makarating ang isang shadow sa harapan ko. Tinignan ako nito ng taimtim. Tinignan ako nito ng nakakatakot. Tinignan ako nito ng nagtataka?

Hindi ko alam. Hindi ako sigurado, kung pinaglalaruan ba ako ng pakiramdam ko. O sadyang nababaliw na ako sa ngayon dahil sa takot at kaba.

Naramdaman ko na lang na may humawak saking mukha na naging sanhi para mapakislot ako.

Sa pag-kislot ko ay ayun ang naging dahilan para makagalaw na ako ng maayos. Kaya Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.

Tumakbo ako pabalik sa dorm ko. Hanggang sa makarating ako, pumasok agad ako at nagkulong sa loob non. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako. Hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako.

Napatingin ako sa harapan ko. Doon ko nakita ang reflection ng sarili ko. Doon ko nakita na umiiyak na pala ako. Doon ko nakita na nag-iba na pala ang suot ko. Na ang kaninang suot ko ay napalitan ng isang magarang black dress. Na ang buhok ko ay nakatali na ng braid habang may kung ano-anong pampaganda ang nasa buhok ko. At lahat ay kulay itim. At higit sa lahat ay napalitan ang isang bagay na kinaiyak ko lalo.

Napalitan ang mata ko ng kulay green. Earthy Green.

Hindi ko alam kung bakit o kung ano ba talaga ang nangyari? Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon? Hindi ko alam.

Pero isa lang ang alam ko, may kinalaman to sa napapalapit ko ng pag-e-18th birthday.

The Other WorldOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz