Napangiti ako pagkadilat na pagkadilat ko. Today is the day.

Tumayo ako, tsaka giniling ang pwet. Left. Right. Left. Right. Left and Right.

(A/N: Yung sayaw ni Yna, ay ang katulad kay Jollibee. Yung pwet yung sinasayaw, and instead of using *sway ang ginamit ko ay *giniling kase masaya ako ngayon haha. Ano connect, hanapin niyo ;) )

May narinig naman akong hagikhik sa likod ko. Kaya napatingin ako.

At syempre sino pa ba yon? Edi si Cly.

Naging close na kami ni Cly, simula ng araw na yon. At simula ng araw na yon, at hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Charm. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Maski si Cly ay hindi alam kung nasaan ang kambal nito. Bumuntong hininga na lang ako, bago lumapit kay Cly.

In open ko ang kamay ko at nilagay sa harapan niya. "Ano yan?" nagtatakang tanong nito.

"Kamay." kibit-balikat kong sagot.

Tumayo naman siya. Tsaka ako kinaltukan. Really?!

"Oo alam ko, wag mo kong gawin bubu. Baka makaltukan ulit kita. Oh, ano na ulit yon?" nagkibit-balikat ulit ako. "Are you kidding me? Di mo talaga ako sasagutin?" umiling ako. "Talaga?" tumango naman ako. Tsaka tumakbo palayo. "Lumapittttt ka dito!!" sa halip na lumapit ay tumakbo pa ako palayo tsaka nilabas ang dila.

Natawa naman kaming dalawa. Hinahabol niya pa rin ako hanggang ngayon. Tumigil na ako, tsaka tinaas ang dalawang kamay ko.

"Oo na, sasagutin ko na. Tama na, wag mo na akong habulin." Umupo ako sa kama niya tsaka huminga ng malalim. Inhale. Exhale. Paulit-ulit lang hanggang sa naging maayos na ang pag-hinga ko.

Umupo rin naman siya sa kama niya, yung sa tabi ko. "Oh! Answer!" napangiti naman ako, kasi lumalabas na naman yung kasungitan niya.

Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Nanghihingi lang ako ng regalo." biglang nagbago ang tingin niya sakin, ngayon naman ay nagtataka na ang tingin nito.

"And why is it?"

Tumingin naman ako sa kaniya ng masama. "Really?! Di mo natatandaan?!" umiling naman siya sakin. "Birthday ko ngayon!" sabi ko, tsaka siya kinaltukan. Para makabawi.

Syempre feel ko siyang kaltukan ngayon, ang sakit kaya ng kaltok niya kanina.

Tumingin naman siya sakin ng masama. "And why do you have to knock-knock me in my head?" ngumiti na lang ako sa kaniya. "Nothing?" tumango ako. Lumapit naman siya sa akin, kaya nagtago ako sa kumot niya.

Ang lambot.

Pero wag yon, hindi naman ayon yung dahilan kung bakit ako nagtago. Eh, kasi naman eh! Mananakit na naman siya, eh!

"Hindi ka aalis dyan?" hindi ako sumagot, pero alam ko namang alam niya ang kahulugan non. "Sige bahala ka sa buhay mo, may regalo na pa naman ako sayo. Kung ayaw mong kunin, then don't." napatanggal naman agad ako ng kumot.

"Do you have gifts for me?" nagniningning ng mga mata kong sabi.

"Do ya think, you're a child to act like that? You don't look like one. You're too old for that, ya know?" minsan talaga ang sakit nito magsalita, pero madalas ang sarap pukpukin ng tsinelas na may tae yung bibig nito.

"No, I'm not a child. I'm too gorgeous to be child, ya know?" natatawa kong sabi, pano ba naman yung itsura niya mukhang nagco-constipate.

"And what are ya laughing at?" napailing ako, pero sumagot pa rin.

"Just because of your face. Your. Face." At sympre tumakbo ulit ako.

Hinabol niya naman ako. Habang hinahabol niya ako ay may kumatok sa pintuan ng dorm, kaya nilapitan niya Ito para buksan.

"And who are ya, old but gorgeous lady?" Napahagalpak na ako. Pano ba naman sinabihan niya ng ganon si mommy.

Di niya ba kilala si mommy? Eh bakit si Charm, kilala?

"I'm the one, who will ask you that lad. Who are you, to be here in my daughters' dorm? You know, its too early to visit." nakataas ang kilay na sabi ni 'my.

Pero sa halip na tumiklop si Cly, ay lalo pa tong nagtaray. "Sorry not sorry, ms whoever-I-don't-want-to-know-your-name. I'm Cly, the owner of this dorm. And maybe, you're in the wrong dorm because no one in this dorm will be your daughter."

"Are you sure, ms. Cly whatever-your-name-I-don't-really-care? Because I know, that my daughter is in the back of yours." napatingin sa gawi ko si 'my. Kinawayan ko naman siya tsaka nginitian.

"Mommy, hello there!" bati ko. Napatingin naman sakin si Cly, tsaka kinakabahan na umalis sa harapan ng pintuan.

Lumapit na ko kay 'my, tsaka siya kiniss-an sa cheek.

"Happy birthday, my dear. How's your day?"

"Happy, 'my. Super!"

"Like what I imagined."

"My, I thought you can't visit me since you're busy in the office?"

Napangiti naman siya sakin. "I'm just kidding that time, so that I can surprise you. And ta da! Here I am, and I can see in your eyes that you are surprised. So, good job to me for being best actress." papuri nito habang tinatapik ang sarili.

That's my mom. Aakalain mo na masungit yan, pero hindi. Super bait niya, to the point na sasakyan niya yung pagiging maldita mo. Oh di ba?

Tumingin naman ako kay Cly. "Mom, this is Cly my dorm mate. And Cly, this is my mom." napatingin naman ako kay 'my kase sumimangot siya. Tapos si Cly naman parang kinakabahan na ewan.

"I don't care. I don't want to know anything about that lad. So so disappointing." sabi ni mom. Napatanga naman ako sa harapan niya. Really? Hindi siya nagbibiro.

"Sorry, ma'am. I'm just kidding that time hehe." naiilang na sabi ni Cly.

"I don't care. I. Don't. Care. Period." ani ni mom.

"Mom!" sigaw ko.

Napatawa naman si mom sakin. "Ano ba, I'm just joking. Alam ko naman na best friend mo yon eh." humarap naman si mom kay Cly. "And you lad, welcome in our family. You can call me mom." Napangiti na ako.

That's really my mom.

Author's Note: Yay! New update. So ayon may isha-share lang ako sa inyo. Today, is my day. Kaya nag-update ako, pang-treat sa inyo.

Baka naman gusto niyo Kong batiin?

Kidding 😊 Just vote, comment and follow na lang happy na ko don.

The Other WorldWhere stories live. Discover now