"Happy birthday, my Yna." sabay halik niya sa akin.

"Happy birthday, my Yna." sabay halik niya sa akin.

"Happy birthday, my Yna." sabay halik niya sa akin.

Nakatingin lang ako sa kawalan, hanggang sa nawala na siya.

Sino ba siya? Tsaka ano ba ang pinagsasabi niya?

May tumapik sa akin kaya nagulat ako at napatayo.

Kumunot naman ang noo ni Cly. "What happened to you? Simula ng manuod tayo ng horror, kanina ka pa nagugulat tsaka lagi ka na lang nakatulala." umiling naman ako.

Wala namang mangyayari, kung sasabihin ko. Baka mamaya mapagkamalan niya pa akong baliw. Birthday na birthday ko pa naman.

"Its nothing. Don't mind me na lang." nakangiti kong sabi. Pero yung pilit nga lang.

"Sige na nga, kunwari wala akong alam or anything." umiirap niyang sabi. Nagmukha na tuloy yung mata niyang elesi ng electric fan. "Andyadyan na pala yung mga pagkain na pinaluto ng mommy mo. Kakain na daw tayo." tumayo na ako saka sumunod sa kaniya.

Nakarating kami sa maliit na lamesa, malapit sa kusina. Dito ako madalas kumakain. And kasiya naman siya para sa 3 people. Kaso nga lang hindi nagkasiya ang lahat ng pinaluto in mommy. Kaya nilagay muna namin ang iba sa kusina.

Para kaming kakatayin sa andami ng pagkain na nakahanda, e tatlo lang naman kaming magce-celebrate.

Kumain na kami ng tahimik. Ngunit di pa rin mawala-wala sa alaala ko ang ginawa ng lalaking iyon. Sino ba talaga siya?

"Yna!" napatingin naman ako Kay mommy, ng tawagin niya ako. Napakunot naman ang noo ko. "What happened, kanina pa rin kita napapansin na hindi umiimik or what? May problema ba?" umiling ako. "Wala naman pala e. Then whats with your long face? Its your birthday, kaya dapat na happy ka lang." ngumiti naman ako, yung pilit nga lang.

"Sorry po, its just that may iniisip lang po ako for your birthday. Next week na po kasi yon di ba? E, wala pa naman po akong nabibiling gift para sayo." palusot kong sabi. Mukhang naniwala naman si mom, sa sinabi ko. Hindi nga lang si Cly.

"Don't mind the gift, nak. Hindi naman big deal sakin ang mga gifts. Kasi ang presence mo lang, magiging happy na agad ako. Kaya no need to think kung ano ang magandang gift para sakin, kasi binigay mo na yon sakin dati pa." nagtaka na ako. Lagi-lagi tuwing birthday ni mom, ay wala akong regalo sa kaniya. Kaya panong naibigay ko na sa kaniya?

Tumingin naman siya sa akin. Tsaka ngumiti. "You. You is the biggest gift na natanggap ko in my life. Walang-wala nga yung kasiyahan ko ng ako na ang naging superior kaysa nung pinanganak kita. Kasi ikaw yung nagbigay sakin ng light. Light to become a good person. To become a good mother." ngumiti naman ako. Kahit na hindi ko gaanong naintindihan, what did she means when she said 'good person'. Para kasi sakin, she is the best person--- no, she is the best mother.

"Mom. Birthday ko ngayon, and ayoko ng drama. Kaya please mom, wag mo naman akong paiyakin." sabi ko habang kunwaring pinupunasan ang luha ko kuno.

"Oo na. Hindi na ako magda-drama. Kaya kumain ka na ng maayos. Nakakahiya naman kasi kay Cly. Ikaw yung may birthday ngunit siya yung pinaka-marami ng nakain." napatingin naman ako kay Cly. At napahagalpak ng tawa.

Pano ba naman, nakita ko siyang puno-puno yung bibig tapos pilit pang sinusubo yung fried chicken.

Nung nakita niya akong tumatawa, nag-peace sign siya sakin. "Hehehe. Ang drama mo kasi ngayon, alam mo namang gutom na ako kanina pa."

Tumango naman ako habang tumatawa pa rin. "Sige kain ka lang." yaya ko pa, na naging dahilan para kuminang ang mga mata niya.

"Really?!" naka-kwago style ang mga mata niya.

"Oo, really!" lumapit naman siya sakin, tsaka ako kiniss-an sa pisngi.

"Thank you, talaga."

Nagpatuloy na siya sa pagkain, hanggang sa mabulunan siya. "T-t-tu-b-biiiigggg!" tinawanan ko naman siya habang inaabutan ng tubig.

Na ng medyo maayos na siya, ay nilapitan ko siya tsaka minasahe ang likod niya. Yung kapag nabubulunan, ginagawa yon.

Hanggang sa naka isip ako ng kalokohan. Pinalo-palo ko ang likod niya, hindi naman sobrang hina, hindi rin naman sobrang lakas. "O, ano? Meron pa ba?! Sabihin mo sakin?! Lalaksan ko pa ba?!"

Tumingin naman siya sakin ng naluluha. "A-a-ayookkkooo na!" nginitian ko siya ng matamis bago bago ako bumalik sa upuan ko kanina.

Nagpatuloy naman ako sa pagkain, na parang walang nangyari.

Natapos na kami sa pagkain. Nagpresenta si mom, na siya na ang maghuhugas. Pero nag-insist ako na tutulong ako kaya ayon hindi niya ko napilit na magpahinga na lang.

Naghuhugas kami ng tahimik ni mom, ng maalala ko ang matagal ko ng gustong itanong kay mommy.

Siguro maya-maya na lang kapag patapos na kami maghugas. Alam ko kasing di pa ready si mom na ikwento sakin yung itatanong ko. Baka ngayong birthday ko mapapayag ko siya na sagutin man lang ako kung nasaan siya.

Nang matapos na kaming mag-hugas ay nagpatuyo lang kami.

Humarap ako kay mom, tsaka nagsalita. "My, may itatanong lang sana ako. Please naman po, sagutin niyo ng totoo. I just want to know the truth po. 18 na rin naman po ako, kaya I think I can handle na po."

"Don't ask about him, Yna please. Hindi ko alam ang isasagot ko sayo. And kung alam ko naman, I don't want you to know. Baka kasi masaktan ka."

"But, mom sa tingin niyo ba hindi ako nasasaktan ngayon? Lagi ko na lang tinatanong sayo, where is my real dad? Pero ni kahit isang impormasyon tungkol sa kaniya, pinapagkait niyo sakin. Ganun ka ba talaga kagalit sa kaniya?"

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Please, princess. Wag ka ng magtanong sa kaniya. Wala nga akong masasagot kung tungkol sa kaniya ang pag-uusapan."

"Mom! Kahit pang birthday gift mo na lang sakin kung ano yung name ni Dad, OK na sakin yon. Kahit wala ng iba, kahit name niya lang talaga. Tapos hindi na ako magtatanong pa tungkol sa kaniya."

Nag-hari ang katahimikan sa paligid namin. Nakatingin lang siya sa kawalan. "I'm not mad at your dad, I'm mad at myself. Kasi bakit ba sa lahat ng mage na mamahalin ko siya pa?" bumuntong-hinga muna siya bago nagpatuloy. "Bakit ba sa lahat na pwede kong mahalin ay ang daddy mo pa? At bakit ba kasi ang tigas ng puso't ulo ko noon, na kahit ang dami ng nagsasabi na wag ko siyang mamahalin, ay minahal ko pa rin siya." napaiyak na siya sa harap ko.

This is the first time na nakita ko siyang umiiyak. Kasi Simula ng nagkamalay ako, she is always strong. Na kahit pag-iyak hindi niya ginawa. Kasi para sa kaniya, crying makes you weak. Crying makes you vulnerable. Crying makes you easy to target. And that's the thing na ayaw niyang mangyari. Kasi she wants to prove to me, na kaya niyang maging mom at dad ko at the same time. Na kaya niyang tugunan ang pangangailangan ng isang anak na tulad ko.

Kaya bakit ba ako naghahanap pa ng wala dito? Alam ko namang, sapat na si mom sakin. Ang sa akin lang, I want to know kahit man lang yung name niya para may alaala pa rin ako sa kaniya.

Pinunasan niya ang luha niya, pero nagpatuloy lang ito. "Don't mind me, princess. I'm OK." pagpapaniwala niya sa akin, ngunit more on yung sarili niya ang pinapaniwala niya. "The name of your father was Joaquin Adam Monastery." pagkasabi niya non, ay niyakap niya ako tsaka umalis na.

Gusto kong mag-sorry kay mom, pero naisip ko na she needs space. Kaya hindi ko muna siya hinabol.

"Sorry, mom." ani ko sa hangin, habang patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata ko.

The Other WorldWhere stories live. Discover now