14

0 0 0
                                    

Mabilis kong inayos ang folder tsaka bumaba na. Nandidito na ako sa building kung saan ako pansamantalang titira hanggang sa matapos ang mission. Magpapakilala ako bilang bagong lipat na kapitbahay niya sa apartment na to. Bayad naman na to, lipat ko na lang talaga ang kulang. May mga gamit at pagkain na rin sa loob na kakailanganin ko, isinaayos na ng mga SIRS bago pa ako pumunta dito.

Pagkapasok ko palang ay may sumalubong na sa akin na isang matandang babae. She looks like in a late 40's. "Magandang hapon, ikaw na ba si Yna?" Tumango ako.

"Yes po. And you must be the landlady?" Ngumiti ito tsaka tumango.

Nilahad nito ang kamay niya na siyang inabot ko. We shake hands. "This will be your key. Sasamahan na kita papunta sa room mo." Kinuha ko na ang susi na inaabot niya. "Kailangan mo ba ng tulong sa gamit mo?"

Umiling ako. "Hindi na po, kaya ko naman. Magaan lang po to."

"Ok." Naglakad na kami sa hagdanan. "Your room is on the 3rd floor. May mga kasama ka din sa floor na yon, but I can guarantee you na mababait sila. They are friendly, sure ako na magiging magkaibigan kayo kaagad."

Huminto kami sa tabi ng hagdanan paakyat sa 3rd floor. Tinuro niya ang pintuan doon.  "Dyan po kayo?" I asked.

"Oo, kung may kailangan ka katukin mo lang ako. Madalas naman akong nasa loob lang niyan, wag ka mag-aalala di ka makakaabala sa akin." I smiled at her.

"Salamat po." Nagpatuloy na kami sa pag-akyat. Until we stopped in front of an oak door.

"Eto na yung kwarto mo." Binuksan niya ito. Bumungad sakin ang black and grey interior. Napakalinis tignan. "Kung may kailangan ka pa, just knock on my door."

"Sige po, salamat talaga. Ingat po kayo sa pagbaba." She waved a goodbye.

Pumasok na ako sa room ko. All of the things inside is black and white. Even the bed, and some appliances. Masyadong ayos na ayos na ang mga gamit na kung di mo alam na bagong lipat lang ako baka akalain mo na ilang taon na ko nakatira dito.

Lumapit ako sa black and white curtain, inurong ko ito to see the environment. Bumungad sakin ang papalubog ng araw. Napakagandang tignan. Pagtingin ko sa baba, nakita ko ang mga batang naglalaro sa may gilid ng kalsada. Some people are talking to each other. May mga dumadaan na kotse na naglalabas ng maitim na usok.

Ibang iba ito sa environment ng magish world.  Kung doon ay napakalinis, dito ay puno ng polusyon na hindi lang nanggagaling sa mga tambutso ng sasakyan pati na rin sa mga tambak tambak na basura. Napailing na lang ako sa nakita ko.

"I never expected this." I sighed then closed the window.

Umupo ako sa kama. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Sisimulan ko na ba agad ang mission ko dito? But it's still early pa, baka mahalata na may binabalak ako.

And I also don't know kung san ko nga ba makikita yung lalaki na yon. Siguro ang gagawin ko muna ngayon ay maghahanap hanap ng mga impormasyon tungkol sa kaniya. Bukas ko na lang sisimulan. Maghahanap hanap lang muna ako ngayon ng mga inpormasyon.

Nagpalit ako ng damit, at pumunta sa pintuan na tinuro ng landlady. And I knocked. Baka masagot niya ang iba kong tanong.

Ilang segundo lang ay binuksan niya na ang pintuan. "O? May problema ba?" Umiling ako. "Pasok ka muna."

She opened the door wider, pumasok na ako. "May itatanong lang po ako. Hindi naman po ako nakakaabala?" Pinaupo niya ako sa couch. Pumunta siya sa kusina niya.

"Di naman. Magluluto pa lang sana ako." Binaba niya ang baso na may lamang tubig sa harapan ko. "Ano ba ang tanong mo?" Umupo na rin ito sa couch na inuupuan ko.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Jul 16, 2020 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

The Other WorldNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ