"Please, turuan mo na Kong mag-luto. Para naman Hindi na ikaw ng ikaw yung mag-luto sa atin. Tsaka marunong naman akong mag-prito medyo sunog lang ng konti, pero nakakain naman. Ang ituturo mo na lang naman sakin ay ang pag-luto ng mga Hindi prito." naka-pout kong turan.

"Ano ba, ang iingay niyo. Ang aga-aga pa, oh?" ani ni Cly. Na naalimpungatan sa pag-tulog.

Ay, nandito pa pala siya. Kala ko wala na naman siya tulad ng mga nakakaraang araw.

"Good morning, Cly. Himala nandito ka ngayon?" nakangiti kong sabi. Tinarayan naman ako nito.

"Malamang dito ako nakatira. Alam naman na nagbayad ako dito, tapos Hindi naman ako makikinabang. Ano yon? Nagpapalagaw lang ako ng pera?"

Hindi ko na lang pinansin ang mga pinag-sasabi niya. "Gusto mo bang kumain na? May luto naman ng pagkain. Or gusto mong magpaturo rin na mag-luto dito?

"Tsk. As if naman na gusto Kong matuto kung yan lang rin naman palang malas na yan yung magtuturo. No way, over my dead but sexy and gorgeous body." napailing na lang ako sa tinuran nito.

"Cly, alam kong may galit ka kay Charm but respect naman, oh? Kahit respect na lang bilang mage yung ibigay mo sa kaniya, kahit di na as kapatid or kapamilya." mahinahon kong sabi.

"Bakit ko siya i-rerespect? Bakit ko ire-respect yung mage na naging dahilan kung bakit ako nawalan ng magulang? Sige nga sabihin mo sakin!" sigaw nito.

"Hindi lang ikaw yung nawalan, pati siya. Siya. Siya na kapatid mo. Siya na si Charm."

Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang yakapin. Gusto kong ipaalam sa kaniya na sa ngayon, Hindi lang siya yung nasasaktan. Hindi lang siya ang nakakaranas ng sakit.

"Ano bang alam mo, para masabi sakin yang mga yan? Ni hindi mo pa nga siya kilala pero grabe ka na kung magtanggol. Grabe ka na kung makapag-salita sa akin. I didn't deserve all of this. Kasi bandang huli, ako na naman yung Mali. Ako na naman yung may kasalanan. Ako na naman si Cly, na wala ng nagawang tama. Ako na naman yon." umiiyak na sambit nito.

Lalapit na sana ako sa kaniya, para yakapin ng hawakan ako sa kamay ni Charm. Nung tumingin ako sa kaniya, ay nakita ko siyang umiiling.

"Wag. Wag mo siyang lalapitan, please?" nagmamaka-awa nitong sabi.

"Bakit?" pero iling lang ang itinugon nito sa akin.

Pagtingin ko sa lugar kung nasaan si Cly kanina, ay nakita kong wala na siya doon. Napaluhod na lang ako, dito sa kaninang kinatatayuan ko.

Na-dissapoint ako. Na-dissapoint ako sa sarili ko. Dapat kasi, hindi ko na lang siya sinabihan. Dapat kasi, hindi na lang ako nag-salita. Dapat kasi, wala na lang akong pinagtanggol. Dapat kasi. Dapat.

"Pinagsisisihan mo ba yung mga pinagsasabi mo kay Cly? Don't be, kasi alam kong naintindihan ka niya. Alam kong nararamdaman niya ang puso mo na handa siyang tulungan. Umalis siya kasi ayaw niya ng may nakakakita sa kaniya, sa ganoong kalagayan. Simula pagka-bata pa namin, kapag umiiyak siya. Nagkukulong siya sa kwarto niya. One time nga, pumasok ako sa room niya habang umiiyak siya. Alam mo ang ginawa niya?" nakangiti nitong kwento. Umiling naman ako.

Nagpatuloy siya. "Pinaghahagis niya ang lahat ng bagay na makuha niya, mapalabas lang ako. At dahil ako ay isang mabait na kapatid, lumapit pa rin ako sa kaniya kahit na ilang beses na ko natatamaan ng mga bagay. Yinakap ko pa rin siya. At sabay kaming umiyak non." ang kaninang ngiti nito, ay napalitan ng pilit. Napalitan ng pag-hikbi. Napalitan ng kalungkutan.

Napalitan.

Lumapit ako sa kaniya at yinakap ko siya. Yinakap ko siya, katulad ng pagyakap niya sakin kahapon. Yung yakap na mahigpit pero hindi nakakasakal. Yung yakap na sinasabing 'may karamay ka'. Yung yakap na nanunuot sa puso ng bawat isa. Yung yakap ng isang kaibigan, sa kaibigan niya na nasasaktan. Yung yakap na tulad ng sa pamilya. At yung yakap, na yakap.

Yinakap niya rin ako sabay sabing, "Salamat."

Sa halip na sumagot ay nagpatuloy pa rin ako sa pagyakap sa kaniya.

Ang lahat ng bagay ay may katapusan, at yang kalungkutan na yan. Isa lang yan sa bagay na mawawala rin pagdating ng tamang panahon. Wag kang magpapa-sakop sa kalungkutan, kailangan na ikaw yung sumakop dito at hindi ang kalungkutan.

Iba kasi ang nagagawa ng dalawang bagay na yan. (1) kapag ikaw ay nagpa-sakop sa kalungkutan, lagi ka na lang na malungkot. Puro mga negative na ang maiisip mo, and there's a tendency that you'll feel loneliness. Yung loneliness na magiging sanhi para maka-isip ka ng mga bagay na makakasakit sa mga taong nagmamahal sayo, pati na rin sa sarili.

And (2) ay yung ikaw ang sasakop sa kalungkutan. Ikaw. Ikaw na may sariling isip. Ikaw na may pusong handang magmahal. Ikaw na may kamay na laging bukas sa lahat. Ikaw na may labing handang ngumiti sa mga problema. Ikaw na may mata para malaman ang katotohanan. Ikaw na may paa para makarating sa tamang landas. Ikaw na may bibig para magsalita ng may kabuluhan. Ikaw na may ilong para maka-amoy ng mga magagandang bagay. At ikaw na may utak para mag-isip ng mga positibo.

Nagulat ako ng napa-kislot si Charm, at biglang napabitaw sa akin.

Tumingin siya sakin ng may lungkot sa mata. No. Hindi lungkot. Kasi namamasa na yung mga mata niya. Naiiyak na siya. Hindi ko alam kung bakit siya naiiyak.

Lalapit na naman sana ako sa kaniya para yakapin siya, ng lumayo ito sa akin.

"No. Don't hug me. Don't look at me. Don't think of me. Don't protect me."

Tumingin ako sa kaniya na nagtataka. "What are you saying? Di kita maintindihan. Paki-ayos naman oh, paki-paintindi naman sakin oh."

"No. No. No." umiiling nitong sabi.

"Ano ba, Charm! Umayos ka nga!" napasigaw kong sabi.

"I don't deserve you. No one deserves you. No one. No. One." umiiyak na nitong sabi.

Hindi ko alam pero napaiyak na rin ako sa ginagawa niya. "Ano ba talaga, Charm. Tell me! Hindi kita naiintindihan!"

Lumayo pa ito sa akin. "Sorry. Sorry, Yna. I can't tell you. Sorry talaga. If pwede ko lang masabi sayo, nung una pa lang sinabi ko na agad sayo. Nung una pa lang kitang makita, but I can't. Hindi pwede. Kahit ngayon lang, I want to be selfish. Pero, parang hindi kaya ng puso ko. Nagu-guilty ito."

Hindi ko siya maintindihan.

Umiling ako. "Hindi pa rin kita maintindihan, ano ba!"

"Basta tandaan mo lang, na I'm very very sorry. Hindi ko sinasadya na maging ganto ako. Hindi ko sinasadya." napaluhod nitong sabi.

Lumapit ako sa kaniya at inalog-alog ang balikat nito. "Sabihin mo na sakin oh. Enlighten me, parang awa mo na. Kasi kahit anong sabihin mo, hindi kita maintindihan. Sige na, plea--"

"HINDI KO SINASADYA NA ISUMPA AKO!!" sabay ng pagsabi nito ay ang pag-bagsak ng luha sa aking mga mata.

The Other WorldWhere stories live. Discover now